Troy.





"Ano ba 'tong report mo sakin Troy? Do you think it's enough?" pumikit ako, ayokong magalit. "This is stupid!"

"Mike, don't be so hard to our son. He's doing everything that he can to manage our business."

"Everything?! bakit eto lang yung kinita ng mga bars natin this past two weeks?!" biglang nag init yung buong katawan ko. Ayan lang?! I've worked so hard for that! I've even sacrifice the time that I should be with Tiffany. "Mabuti pa yung kuya niya."

"Wag mong ikompara yang bastardo mo sa anak natin! Wala ka nang ibang nakikita kung hindi si Travis!" eto na naman kami. Sawang sawa na ako. It's better if I just leave.

"Excuse me, I have to go." bago pa ako makaalis pinigilan ako ni dad.

"Where do you think you're going Troy?!" hindi ko na kayang pigilan pa yung galit ko, galit ko sakanya. "Nag uusap pa tayo."

"Dad, sawang sawa na akong kinukumpara niyo ako kay Travis. Alam ko nang siya yung magaling para sa inyo, hindi ako. Hindi mo na kaylangan ipamukha sakin yun." tumayo siya, parang gusto niya akong suntukin pero pinigilan lang siya ni mom. "Sige dad suntukin niyo ko."

"Go son, ako nang kakausap sa dad mo." naglakad na ako palabas ng office ni dad.

Pagkasarang pagkasara ko pa lang ng pintuan, narinig ko na agad yung boses ni dad. "Useless kid."

Parang gusto kong sumabog sa galit. Hindi pa ba sapat sakanya yung sakripisyong ginagawa ko para sa business namin? Halos lahat na ng oras ko nakatuon dun. Ano pa bang gusto niya?! Kahit naman ata anong gawin ko, si Travis pa din yung mas magaling para sakanya. Lecheng buhay talaga.

Dumeretso ako sa kwarto ni Tammy. Baka mawala pa yung inis ko kapag nakausap ko siya.

"Tammy?" binuksan ko yung pintuan ng kwarto niya. "Hoy Tamara?"

"Hahaha!" aba bakit tumatawa yung babaeng 'to? Sinong kausap nito? "Nakakatawa naman yun kuya!" wag mong sabihin na..

Si Travis?! bakit siya nandito? Akala ko nasa US siya. Ano na naman bang binabalak niya at nandito siya?

"Ay ayan na pala si kuya Troy eh!" lumapit sakin si Tammy pagkatapos hinila niya ako papasok sa kwarto niya. "Kuya, kakauwi lang ni kuya Travis ngayon."

"What's up bro?" what's up niya mukha niya. Akala ba niya magkabati kami? Asa pa! "I think you're not in a good mood huh?"

"Shut up Travis." nakaka init ng ulo yung pag mumukha niya.

"Kelan mo ba ako tatawaging kuya? Remember I'm three years older than you. You should atleast give me some respect." Sa tono pa lang ng boses niya parang nang aasar pa siya.

"Respect be gets respect and sorry bro you're not even qualified to be respected."

Tinignan niya ako ng masama, tinignan ko din siya ng masana. Akala ba niya mag papatalo ako sakanya? Mag kamukha nga kami pero sa dating pa lang at appeal lamang na lamang na ako. Kaya wag niyo akong aangasan.

"Stop that," pumagitan samin si Tammy. "Wag nga kayo mag away."

"Hindi ako nag simula nito lil sis." Sus sinong nagsabi sakanya na pwede niyang tawagin si Tammy na little sis? Ako lang pwede tumawag sakanya ng ganon.

"Hayaan mo na kuya Travis, baka kasi napagalitan ni dad. Wag mo na isipin yan kuya, ganyan talaga si kuya Troy." tinignan ko ng masama si Tammy.

Ah ganon? Mas kampi ka pala sa Travis na yan. Bahala kayo! mag sama kayong dalawa. Leche naman.

Sinara ko ng malakas yung pintuan. Dumeretso na lang ako sa kwarto ko. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang humiga na agad ako sa kama ko. Buiset na araw 'to! Papanget ako nito eh. Sayang kagwapuhan ko kapag nagkataon.

The Good Girl's Revenge (Published)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!