Chapter 46: Battle Between the Two of Us

Third Person’s POV 

Nagtipon-tipon ang lahat ng Vampire Hunter sa kanilang base at nakahanda na para sumugod sa mga nilalang na mortal na nilang kaaway noon pa lamang. Kampante sila sa kanilang sarili na mananalo sila dahil may alas silang nasisisigurado nilang mahirap talunin. At ‘yun ay walang iba kung hindi si Kisha...

“Damn it. Hindi pa ba tayo aalis?” iritadong sabi nito habang nakasandal sa kanyang kotse at ineexamine ang kanyang pulang kuko. Tiningnan niya ng masama si Ivan na nagbibilin ng kung anong gagawin kapag nagsimula na ang laban... “Hey douche, alam na nila ang gagawin. They don’t need your senseless commands”

“For Pete’s sake Kisha, just shut up okay? Hindi lang ito basta-bastang laro na kapag natalo ka ay pwede mo ng kalimutan. This can be the Great War you know?” iritado din naman siyang sinagot ni Ivan na sa tingin niya ay hindi na dapat niya ginawa dahil ibang Kisha na nga pala ang nasa harapan niya ngayon. Kung dati ay matatanggap niya ang mga ganitong pananalita sa kanya, ngayon ay hindi na...

Gaya ng palagi niyang ginagawa ay wala pang ilang segundo ay nasa harapan na niya ito. Agad na hinawakan ni Kisha ang kwelyo ni Ivan...

“You’re the one that need to shut up you fcking asshole. Don’t tell me what to do because I can think and do better than you so if you don’t want to lie lifeless on the ground you should think before you speak” she spat in anger. Patulak niyang binitawan ang kwelyo ni Ivan at malakas na napatama ang likod niya sa kanyang sasakyan na siya namang naging sanhi ng pag-alarm nito. Lumakad na si Kisha papunta sa kanyang kotse at bago siya sumakay ay inilibot niya ang tingin sa daan-daang hunter na nakatingin sa kanya ngayon... “Tatanga na lang ba kayo dyan? Baka gusto niyong kumilos para masimulan na natin ang laban?” mataray na sabi nito at dali-dali namang nagsisakayan ang mga hunters sa kani-kanilang sasakyan dahil na din sa takot nila kay Kisha...

Ibang-iba na talaga siya. Sa salita pa lang niya ay nagagawa na niyang takutin ang nasa paligid niya, kahit hindi siya gumagamit ng kapangyarihan kitang-kita mo pa din kung gaano siya kalakas, ‘yung tindig niya na hindi na katulad ng dati na isang dalaga na hindi conscious sa kanyang sarili. Now, she is a woman with so much power that nobody knows who can defeat...

Sumakay na si Kisha sa kanyang kotse at pinaharurot na ito. At sa kalagitnaan ng pagpapatakbo ng kotse niya...

“Uhh…so where’s the location of the battle field?” sambit ni Kisha. Patawa din ‘tong si Kisha no? Lakas ng loob magyayang umalis pero in the first place hindi naman pala talaga niya alam ang pupuntahan. Agad niyang tinawagan si Ivan na agad naman niyang sinagot...

[You’re in the wrong way. Hahahaha!] Napahawak na lang si Kisha ng mahigpit sa telepono niya. Bwisit..

“Shut the hell up, Ivan Crone. Sabihin mo na lang sakin kung saan natin sila kakalabanin” 

[Sa may Council] sabi nito at hindi na hinayaan pa ni Kisha na makapagsalita itong muli. Ibinaba na niya ang telepono at nagsimula ng mag-U-turn. Tinahak na niya ang daan papunta sa Council...

Sa kabilang banda naman...

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!