Chapter 1

209 8 0
                                    

Anne's POV

Bumaba ako para mag almusal, pero syempre naligo muna ako, bago ako bumaba.

"Ba't ang tagal mong bumaba?" yan agad ang bungad ni mommy sa akin nang makarating ako sa garden namin. Umupo ako sa harapan niya at kumuha ng kape at tinapay.

"Wala man lang good morning Anne jan mommy? Grabi namang pabungad yun ah" biro ko sa kanya. Binaba naman niya ang newspaper na hawak niya saka pinakatitigan ako. Nag peace sign naman ako sa kanya, saka sumimsim ng kape.

bumuntong hininga muna siya saka nagsalita "Good morning" 

"Yan, ganyan dapat my, hahahha, good morning din po" bati ko pabalik sa kanya. Napa iling-iling nalang si mommy habang nakangiti saka nagpatuloy sa pagbabasa ng newspaper.

Close kami ni mommy dahil siya lang ang naging kasama ko sa tanang buhay ko. Si daddy ba kamo? Ayun, napaka busy sa work. Ni hindi ko nga siya nakakasama ng 1 straight whole day eh, napaka workaholic na tao. Tapos tatlong taon na ang nakakalipas, kinuha na siya sa amin. Nabangga kasi yung sasakyang ginagamit niya, actually silang dalawa nung nakabanggaan niya ang namatay. 

Oo nga pala, ako nga pala si  Anne Magie Villaflorida, 17 years old, born on October 7. Pwede niyo akong tawaging Anne basta ba't hindi Magie, wala lang, di ko lang bet yung second name ko.  Wala rin akong kapatid, in short nag-iisang anak ng nanay at tatay ko. Di ko na sasabihin kung mayaman ba kami o hindi ha, malalaman niyo rin iyon.

"Nakapag impake ka na ba?" Tanong muli ni mommy.

"Opo, kagabi pa." sagot ko sa kanya, binitawan ko naman ang tinapay na hawak ko saka napabuntong hininga.

"Alam ko ang ibig sabihin niyan. Huwag kang mag-alala, okay lang ako rito, kaya ko ang sarili ko." Sabi niya sa akin saka hinawakan niya ang kamay ko ng binaba niya ang newspaper na hawak niya. Nag pout naman ako sa harap niya, childish na kung childish pero nag pout talaga ako sa harap ng mommy ko.

"Hays, ang cute-cute talaga ng unica ija ko." sabi pa niya sabay kurot sa pisngi ko, mas lalo naman akong nag pout dahil doon. 

"Sakit non my ha" sabi ko at nirurub ang pisnging kinurot niya.

"My, kailangan talaga akong ilipat? Pwede naman akong lumipat sa school na mas malapit dito ah, mas gugustuhin ko pa yun, kesa naman doon sa sinasabi mong school na napakalayo pa." sabi ko sa kanya.

"Anne, napag-usapan na natin to diba? Tsaka, I only wanted what's best for you. Ayokong ipag-aral ka sa ibang school maliban doon dahil alam kung yun ang nakakabuti sayo. Ang besides, minamaliit mo yata mommy mo? Nakalimutan mo ba kung kanino ka nag mana? Ha?" pag-aasure ni mommy sa akin, at talaga namang effective dahil ngayon ay nakampante na ako.

"I'll miss you my" sabi ko saka ako tumayo at naupo sa lap niya at hinagkan ko siya.

"Ako rin anak" she hugged me back saka niya ni rurub ang buhok ko.

"Siya siya, umalis kana dahil ang bigat-bigat mo na" sabi niya sa akin, natatawa naman ako habang umaalis sa pagkakaupo sa lap niya.

"You behave there ha, tsaka kapag may nanligaw sayo sabihin mo sa akin at kikilatisin namin." sabi ni mommy, tumango naman ako dahil sa sinabi niya.

"Lulutuin namin ng buhay yon, hahhaha" dagdag pa niya

"Yun ay kung may mag lakas loob na manligaw sa akin" natatawa ko ring dagdag.

"Yun nga rin ang isang problema hahahha" sabi niya ulit, nagtawanan naman kaming dalawa. Hays, mamimiss ko ang ganitong scene.

Mayamaya ay niyaya na ako ni mommy na magbihis para maihatid na niya ako dahil may meeting pa sila. Nang mamatay si daddy, ay si mommy na lahat ang nagaasikaso ng mga company at businesses na naiwan ni daddy. Kaya gusto kung makapagtapos na ng pag-aaral eh, para matulungan ko si mommy. 

The Bad Boy Is My SeatMateWhere stories live. Discover now