"Ewan ko sayo." Inirapan lang ako ni Jade.

"Pero mamaya ha? Sama tayo sa trick or treat."

Simula bata pa kami crush ko na ang babaeng 'to. Sobrang ganda, kasing-taas ko rin, mahahaba ang pilik-mata, matangos ang ilong at sobrang puti. Habulin ng mga lalaki si Jade. Kahit nga ang anak ng mayor dito sa probinsya ay nagkakandarapa sa kanya. Pero ni-isa walang nagwagi. Sabi ni Jade sa akin kung hindi daw mahangin ay gwapong-gwapo naman sa sarili kaya wala siyang ma-tipohan. Sabi pa niya sa akin, "Para saan pa ang effort nila kung may nagugustuhan na ako?"

Tama nga naman. Pero ang tanong, sino? Wala naman siyang nai-kuwento sa akin. Kahit na nasa Maynila ako lagi naman kaming magkatext pero wala naman siyang sinasabi.

"Sige, basta kasama kita siguradong papayagan ako."

Pagkatapos ng pag-uusap namin, sakto naman na narating na namin ni Jade ang ilog. Wala pa rin itong pinagbago. Malinis pa rin at napapalibutan ng mga puno at halaman.

"Race to the river!" Hinubad ko na ang suot na t-shirt at shorts sabay kuha ng lubid sa may puno.

"Matibay pa ba 'to?" Tanong ko nang maka-pwesto na sa malaking bato.

"Subukan mo." Sagot ni Jade at nag-umpisa na rin siyang maghubad.

Huminga muna ako ng malalalim at mahigpit na hinawakan ang lubid.

"Okay, 1... 2... 3..." I swayed.

Babagsak na sana ako nang biglang maputol ang lubid.

"Shit!" Sigaw ko.

Pero naramdaman ko na may biglang nagtulak sa akin papunta sa ilog.

Sakto naman ang pagbagsak ko.

Nang makaahon nakita ko na si Jade na nakatayo sa may batuhan.

"Tinulak mo ba ako?" Nagtataka ako kasi ang huling pwesto niya ay pitong dipa pa mula sa akin.

"Pano naman kita matutulak eh kakarating ko palang dito? Akala ko nga kung napano ka na. Okay ka lang ba?" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Basag sana bungo ko kung dyan ako sa batuhan bumagsak. Pero tinulak ata ako ng hangin eh." Napakamot ako ng kilay. "Ewan ko nga ba, may mga bagay talaga na hindi mo ma-explain. Halika na! Swimming na nga lang tayo."

Sumunod naman si Jade. Napatingin naman ako sa hubog ng katawan niya. Sobrang puti niya talaga.

"Oy okay ka lang? Ba't nakatunganga ka na dyan?" Ani niya nang makalapit sa kinatatayuan ko.

"Ah wala. Ang ganda kasi ng view eh." Napatingin ako sa paligid. "Na-miss ko ang gubat." Pagdadahilan ko pero ang totoo, namangha ako sa nakita ko kanina.

"Ang weird mo pa rin." Winisikan niya ako ng tubig.

"Ah ganyanan ha? Sige!" Binasa ko rin siya, medyo napalakas nga lang. "Sorry! Sorry!" Sabi ko nang pinunasan niya ang basa niyang mukha.

Pero bago pa man ako makapagsalita ulit ay linublob niya kaming dalawa. Nang makaahon ay saka lang kami nagtawanan.

Ganito kami magharutan. Kahit na marami na akong mga naging kaibigan sa Maynila, iba pa rin talaga si Jade. Siya ang tanging kaibigan ko na napagsasabihan ng sekreto. Siya lang din ang nahaharot ko ng ganito. Si Jade lang ang tanging mapagkakatiwalaan ko. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kanya dahil sobrang gaan ng loob ko. Para bang matagal na kaming magkakilala.

+++

"Ang pangit mo." Bungad sa akin ni Jade nang makita niya ang Halloween costume ko. Ginaya ko kasi si Itachi ng Naruto.

Something Sweet and SugaryRead this story for FREE!