Handog

3K 146 20

(A/N: Halloween treat ko sa inyo. Enjoy!)

Naniniwala ka ba sa aswang?

Ako kasi naniniwala sa kasabihang,
"to see is to believe."

To believe in something or someone means you have accepted that a statement is true or that something really exists.

Pero hanggang kailan ko mapaninindigan ang kasabihang iyan?

Maraming mga bagay sa mundo ang hindi natin maintindihan. Mga kababalaghang hindi natin alam kung totoo nga ba o gawa-gawa lamang.

+++

"Magandang umaga apo." Bati sa akin ni lola habang siya'y naghahanda ng almusal.

"Good morning din po lola." Kinukusot ko pa ang malalaki kong mata sabay hikab. "Ano po yan la?"

"Pritong itlog at sinangag apo, halika't mag-almusal na tayo."

Naupo ako kaharap niya. "Lola katabi ko po ba kayo matulog kagabi?"

"Hindi ako ang katabi mo apo. Sa kabilang kwarto ako natulog."

Simula nang magbakasyon ako sa probinsya, maraming mga bagay ang mga nangyayari na hindi ko maipaliwanag. Si lola lang ang tanging kasama ko at ayoko namang takutin ang matanda dahil baka atakihin pa sa puso pag nagkataon kaya inilihim ko nalang.

Magu-undas na at naka-ugalian na ng pamilya na umuwi sa probinsya. Pero dahil sa sandamakmak (kuno) ang trabaho ng tatay ko ay hindi siya makakasama, hindi na nga ako dapat magtaka. Alam ko naman na mas pinili niyang makapiling ang babae niya kaysa sa anak niya. Kung buhay pa sana si nanay ay hindi kami aabot sa ganito. Matagal nang natabunan ng lumot ang relasyon naming mag-ama.

Minsan naman ang mga pinsan ang kasama ko kaso busy din sila kaya ako lang mag-isa. Okay lang naman eh, sanay na ako.

Pero sa pagkakataong ito, nakakatakot din pala. Sa probinsya ni lola uso pa ang mga kuwentong aswang, tiyanak, manananggal at mga lamang lupa. Sinasabi nila na kapag alas tres daw ng madaling araw nagsisilabasan ang mga ito. Tulad ng mga aswang na mala-sinulid ang dila na ipinapasok sa butas ng bubong upang makuha ang sanggol sa sinapupunan ng isang ina. May iba rin na pinagpi-piyestahan daw ang mga lamang-loob ng tao at kapag naririnig ko ang mga kuwentong iyon ay napapatakip nalang ako ng tenga. May mga haka-haka rin na marami na silang mga nabibiktima.

At isa na ata ako doon. Pero sinasabi ng utak ko na hindi naman sila totoo, na puro ilusyon at kuwento lang ang lahat. Sino ba naman kasi ang maniniwala sa mga haka-haka? Lalo pa't hindi ko pa naman sila nakikita?

+++

"Baka naman nakalmot mo lang." Sagot sa akin ng matalik kong kaibigan na si Jade. Nai-kuwento ko kasi sa kanya ang sugat ko sa may kanang braso.

Naglalakad kami ngayon papunta sa ilog na kalimitan naming tinatambayan. Madalas din kaming maligo doon nung mga bata pa kami. Pero dahil sa trabaho ni tatay naisipan niyang lumipat sa Maynila noong dose anyos palang ako.

"Baka nga, pero ang weird talaga. Hindi naman mahahaba ang kuko ko." Sagot ko naman sa probinsyana kong kababata.

"Baka naman inaswang ka kagabi." Humagikhik siya ng mahina.

"Oo nga eh tapos tumabi pa sa higaan ko." Pagsakay ko sa biro niya. Tumawa ako ng malakas pero nanatiling tahimik si Jade.

"Pano mo naman nasabi na tumabi nga sayo?" Seryosong tanong niya.

"Lubog yung unan ko eh, hugis ulo ng tao."

Napatingin ako sa gawi ni Jade.

"Hoy joke lang yun! Naniniwala ka talaga sa mga aswang? Jade naman ang tanda mo na para dyan!" Sabay tawa ko.

Something Sweet and SugaryRead this story for FREE!