Chapter 7

67 1 0
                                    

Chapter 7 : THE REVELATION AND CONFESSION

GABRIEL's POV

Dumating na si Nick. Kinuha na ni Shane ang mga ipinamili ni Nick. Ang dami niyang ipinamili apat na plastik bag na malalaki. Nagpapalakas 'tong bampirang 'to ahh. Inilapag ni Shane 'yong mga plastik bag na ipinamili ni Nick sa mesa na nasa tabi lang ng kama ni Gabriela. Lumapit ako para tignan ang mga ipinamili niya. Lumapit din 'yong mga kaibigan ni Gabriela. Isa isa namin tinignan 'yong mga plastik bag. Nanlaki ang mga mata namin. Nagkatinginan kami ni Shane tapos 'yong tatlong babae naman nagkatinginan din sila sa isat isa. Tinignan namin ni Shane 'yong tatlong babae at tumingin din sila sa amin. Tapos sabay sabay kaming nag..........

"BUWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Tangina!!epic talaga!!!biruin mo ba naman ang dami dami niyang binili kahit isa walang makain!!. hahahahahahaha. Si Shane napaupo sa sobrang kakatawa habang hawak niya ang tiyan niya na namimilipit. 'yong tatlo naman na kaibigan ni Gabriela humahalakhak habang pumapalakpak pa. Si Gabriela tumatawa pero pinipigilan niya kasi naman pag tamatawa siya ehh sumasakit 'yong sugat niya.

"Bakit??Hindi ba masasarap ang mga ipinamili ko??sabi nung tindera na pinagbilhan ko ng mga 'yan ehh masustansya daw kaya binili ko."Nick. Nagkakamot siya ng batok at nakangiti pa.

"BUWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"Mas lalo kaming tumawa ng tumawa. Alam niyo ba kung ano ang mga ipinamili niya?? Heto ang listahan.

1kilo ng sibuyas

2 piraso ng malalaking kalabasa

isang tali ng petchay

isang plastik ng patatas

isang kilong talong

at kung ano ano pang gulay

Shit!! Sino kaya ang pakakainin nito?. hahahaha. Mas lalo naman nagtaka si Nick na parang nagtatanong ang mukha ganun din 'yong tatlong alipores niya. Tinignan ko si Gabriela. Naku po ang pula na ng mukha niya. Hangang sa di na niya mapigilan at tumawa ng tumawa.

"aray....aray....aray"

SAM's POV

"....aray....aray....aray!!"Hawak ko ang tagiliran ko. Bigla naman lumapit sa akin 'yong lalaking nagdala ng mga GULAY , hihihi. umupo siya sa tabi ko, nakaupo kasi ako. Tinitigan niya ako at napatitig ako sakanya. Ang amo ng mukha niya. Ang kinis ng balat na parang namumutla. Tinitigan ko ang mga mata niya na para bang sinasabing "Ok ka lang ba?wag kang mag alala dito lang ako sa tabi mo". Hindi ko talaga maalis ang paningin ko sa mata niya. Ilang minuto na ang nakakalipas, tahimik sa buong paligid ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinawakan ang mukha niya. Pati rin ako nabigla sa ginawa ko pero hindi ko pinigilan ang sarili ko kasi alam ko sa puso ko na gusto ko din 'yon gawin. Tinititigan niya lang ako at hinahayaan na hawakan ang mga pisngi niya. Tinitigan ko pa rin ang mata niya parang may naaalala ako sa pagtitig niya. Hindi ko na alam ang ginagawa ko itinakip ko ang kamay ko sa may bandang ilong niya 'yong mata lang 'yong makikita mo. Tinitigan ko ulit 'yong mata niya at inaalala kung saan ko ba nakita ang ganitong mata. Biglang may nag flashback sa utak ko.

FLASHBACK

"....AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"Tili ko. Sumimangot 'yong nasa harap ko dahil sa sigaw ko. Sinampal niya ako dahilan para tumilapon ako at tumama 'yong tagiliran ko sa puno na may nakausling sanga kaya natusok 'yon sa tagiliran ko. Tinanggal ko 'yong tumusok na sanga sa akin at napahiga ako. Nakikita ko na papalapit sa akin 'yong limang lalaki sa akin nang biglang may lalaking napunta sa harap ko mabilis sila ni hindi ko sila nakitang naglakad o tumakbo man lang. Humarap sa akin 'yong dalawang lalaki naka face mask sila kulay green at black. Nakita ko sa mga mata nila ang pag kagulat pero ang naka agaw ng pansin ko ay 'yong lalaking naka facemask ng green. Nung nagulat kasi siya nung nakita ako eh biglang nagbago ng lungkot at naiiyak tapos napalitan ng galit ang mata niya punong puno ng galit. Bakit kaya??

My Vampire LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon