Kabanata 44

167K 2.5K 271

Dedicated kay @heavenlycloudnine , grabe ka magcomment nobela! Haha, salamat! :"> pati sa book cover na ginawa mo! Thank you! <3

Kabanata 44

 

Nandito kami ngayon sa bahay nila Drake, lahat sila nag aalala saakin. Maging si Mama at Papa na tahimik lang na nakatingin saakin, ngayon ko  lang din naranasan na mapalibutan ng maraming taong totoong nagmamahal saakin.

“Marie!” Kaagad tumakbo saakin ang kapatid ko at niyakap ako ng sobrang higpit, “H’wag kang mag alala, walang mangyayaring masama sa inyo ng anak mo.” Bulong niya saakin, mariin kong ipinikit ang mata ko, pagkatapos ng lahat na ginawa ko sa kapatid ko nandito pa rin siya para damayan ako sa pinakamalaking laban ng buhay ko.

“Thank you Kei..” Bulong ko sakanya, hinaplos niya ang buhok ko. Tinapik naman ni Kyle ang braso ko at tinanguan ako.

“Drew!!” Narinig kong sigaw ni Tita Aira, kaagad akong lumingon at nakita ko kaagad ang isang lalaki na nakasalamin, mukha siyang Doctor maging ang kasama niyang babae ay nakasalamin na pang malabo ang mata, magkahawak kamay ang dalawa at may kasama silang isang batang babae. “Nasaan si Drake?” Seryosong tanong ng lalaki, tuluyan na silang pumasok sa loob at kaagad nilapitan si Drake, tinapik tapik nito ang balikat ni Drake.

“Ang asawa mo?” Tanong nito kay Drake, marahan akong hinila ni Drake palapit sakanila. “Si Kei Marie, asawa ko.” Pakilala saakin ni Drake, tumango ako at nakipag kamay sa  dalawang nasa harapan ko.

“Don’t worry hija, tutulungan ka namin.” Pag aalo saakin ng lalaki. “Kapatid ko siya Marie, Obstetrician siya, siya naman ang asawa ni Drew, si Jessica, magaling na cardiologist siya kaya wala kang magiging problema.” Pakilala ni Tita Aira sa kapatid, tumango tango ito at marahan akong nginitian. Sila pala ang kaagad na tinawagan ni Tita Aira nung tumakbo kami ni Drake dito pagkatapos ng pagtatalo namin kagabi.

Hindi ko alam kung paano at anong oras na kami nakatulog ni Drake kagabi, basta ang alam ko nagising kaming magkayakap  sa mahabang sofa ng condo ko, saka siya nagpasiya na lumapit sa parents niya.

Tumungo kaming lahat sa dinning area ng bahay nila, hinawakan ni Drake ang kamay ko at marahan na pinisil iyon. “Don’t think too much sweetheart..” Bulong niya sa tainga ko, tiningala ko siya at marahan ko siyang nginitian, namumugto ang mata niya dahil sa sobrang pag iyak kagabi, at masasabi kong stress na stress ang itsura niya ngayon, pero kahit ganon nagagawa niya pa rin pagaanin ang kalooban ko.

“This is the fourth time na maghahandle ako ng buntis na may sakit sa puso, but in your condition hija dumaan ka sa open heart surgery nung baby ka pa, kakailanganin nating mamonitor ang pagbubuntis mo every week or months.” Paliwanag saakin ng Tito ni Drake, “Sa tatlong nahawakan mong case, pareho naman silang nabuhay diba?” Balisang tanong ni Drake, napatingin ang lahat sakanya. Tumungo nalang ako hinintay ang isasagot ng Tito niya.

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!