“Hindi ka talaga sasama?” tanong ni Aly sa akin habang nakaupo kami sa labas. Hinihintay na lamang nila si Lean at Iris. Umiling akong muli. Napanguso naman ang kakambal ko at sumandal sa silya at humalukipkip. Napangiti lang ako ng tipid.
“Cherinna, sumama ka na. Para may magsasaway sa mga ‘yan. Gagawin na naman kaming taga-bitbit niyan, eh,” sabi ni Keij sa akin. Nilingon ko lamang ito ngunit hindi ko na sinagot pa.

“Ewan ko sa’yo, Keij,” inirapan ito ng kakambal ko. “Kukuha lang ako ng maiinom sa loob,” ani Aly na nakasimangot pa rin bago padabog na tumayo at pumasok sa loob ng shop.

“Uy, ako rin. Hihingi pa akong cupcakes kay Tita Cristine, eh. Si Dad magbabayad,” tumayo rin si Keij at sumunod kay Aly. Hinila naman nito si Theon kaya naiwan kaming dalawa ni Kol na naroon.

Nakasandal lang ako at nakatingin sa lamesang naroon. Walang anumang interesante sa lamesang naroon pero hindi ko lang kasi mawari kung saan ko ba ibabaling ang atensyon ko dahil ramdam ko na nakatingin sa akin si Kol.

“What happened?”

“What happened where?” painosenteng tanong ko sa kanya.

“Cut the act, Cherinna. What happened between you and Jahann?” tanong na muli sa akin ni Kol.

Ngumiti ako bago nag-angat ng tingin sa kanya.

“Nothing happened…” mahinang sagot ko sa kanya.

Naramdaman ko na naman ang pag-iinit ng pisngi ko. Sa araw-araw na lamang na gigising ako at aalis, hindi ko alam kung ilang beses akong nagpapatong ng concealer para lamang hindi mahalata ang pamamaga ng mga mata ko. I was never a fan of make-ups, but I had to use that product everyday now.

“Cherinna…”

“I don’t want to talk about it, Kol…” ngumiti ako ng malungkot sa kanya. “You were right. Doing the right thing is the hardest…” napayuko ako bago ko pinahid ang pisngi ko. “But it’s for the best…” mahinang sabi ko. Naroon na naman ang pakiramdam na tila may tumutusok sa puso ko… na parang may pumipiga rin dito.

“Are you happy?” tanong muli ni Kol sa akin.
Tumawa ako ng pasarkastiko bago nag-angat ng tingin. Tumango ako. Kasabay ng pagtango ko ang pagpatak ng luha ko ang pagtango ko. “I am… I won’t disappoint them this way…”

Kol’s jaw tightened.

“Cherinna…”

“I’m fine, Kol…”

I’m not fine, at all.

May sasabihin pa sana si Kol pero natigilan kaming dalawa nang mapansin namin ang paparating na sasakyan ni Ian. Araw-araw ay hinahatid na rin ako ni Ian pauwi sa bahay. Isa sa mga nakakatulong na paraan para hindi kami magtagpo ni Jahann.

Lumingon ako sa pinsan ko at ngumiti ng malungkot. “Ingat kayo, ha? Mauuna na ako…” tumayo na ako at inayos ang gamit ko.

“Aren’t you going to talk to him?” tanong ni Kol sa akin. Natigilan ako. Saan ba ako magsisimula? Can someone help me with that matter? Because I seriously don’t have any idea where to start.

“I have to go, Kol…” mahinang sabi ko sa kanya bago sinamsam ang mga gamit ko at  naglakad papunta kay Ian na naglalakad din papunta sa amin. Agad na napakunot ang noo ni Ian nang makita ako. “What happened? Are you okay?” hinawakan niya kaagad ang kamay ko at lumapit sa akin. Kinuha niya rin mula sa akin ang mga gamit ko. Tumango naman ako. “Medyo masama lang ang pakiramdam ko,” sagot ko sa kanya.

“Are you sure? You look pale, Sunshine…” hinawakan niya ang pisngi ko at agad naman akong nag-iwas. “Pagod lang ako. Tara na,” aya ko sa kanya. Kahit hindi kumbinsido ay tinanguan ako ni Ian at inalalayan papunta sa sasakyan nito. Napalingon ako kay Kol na nakatingin sa akin. Nilingon din ito ni Ian at tinanguan si Kol. Mahinang pagtango lamang din ang isinukli ni Kol sa binata.

Played by Fate - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon