-25-

51.7K 1.8K 450

“MAGKA-AWAY ba kayong dalawa ni Jahann?” tanong sa akin ni Aly nang lumapit siya sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kakambal ko. Kasalukuyan kaming nasa SD at nagsusulat ako ng recipes na ibinigay ni Tita Cristine sa akin. Tutulong ako sa kanila sa pagbe-bake ng cakes para sa anniversary ng SD na gaganapin sa Linggo.

Marahan akong umiling bago muling ibinalik ang tingin sa notebook na nasa may lamesa. Tila nablangko ang isip ko dahil sa tanong ni Alyanna sa akin.

Isang linggo na rin ang nakalipas simula nang gabing iyon.

Simula nang sinabi niya sa akin ang nararamdaman niya. Hindi niya alam na narinig ko iyon at nagpanggap na lang rin ako na wala akong narinig. It was better that way.

Sa tuwinang maaalala ko ang sinabi niya, parang may kutsilyong patuloy na tumutusok sa dibdib ko.

And I actually thought when I heard someone say those words to me, I’ll be the happiest.
Pero bakit ganoon?

Bakit kabaligtaran ang nararamdaman ko?

“Lagi ka nalang kasing maagang umaalis. Hindi pa kami gising, nakaalis ka na. Ikaw na ba ang nagbubukas ng school?” natatawang tanong ni Aly sa akin. Hindi ako kumibo. Sinasadya ko ring umalis ng maaga para hindi kami magpang-abot ni Jahann. Sa school naman ay ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para maiwasang magtama ang landas namin ni Jahann. Laking pasasalamat ko lang din na lagi akong sinasamahan ni Ian kaya naman lagi akong may naidadahilan sa kanila. Hangga’t maaari, ayoko na munang makasama si Jahann. Nagtatagumpay naman ako dahil Biyernes na ulit ngayon. I survived that seven days… barely.

Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.

Hindi ko alam kung kaya ko bang makita siyang nasasaktan.

“Cherinna, baka naman gusto mong sumama sa amin nila Lean at Iris sa mall mamaya? Mamimili kami ng damit, eh. Or tomorrow, twin. Saturday naman na,” aya ni Aly sa akin. “Lagi na lang si Ian ang kasama mo, twin. Baka pwedeng mahiram ka namin sa kanya. Hindi pa naman kayo, diba?” tanong niya sa akin. Bago pa man ako makasagot ay nagsalita itong muli. “Besides, sasama lang daw kasi si Jahann kung kasama ka. Kaya please, sumama ka na? Para makumpleto naman tayo. Ayaw niya rin sumama sa amin kaya laging kami nalang nila Lean ang magkakasama…” pamimilit pa sa akin ni Aly.

Natigil ako sa pagsusulat.

Kung sasama ako, sasama siya…

Kung sasama ako, makakasama ko siya…

God, I missed him.

Pero kung sasama ako, mas lalo lamang akong mapapalapit sa mali.

Nasa iisang bahay lang kami, pero kailangan ko siyang iwasan dahil na rin iyon ang tamang gawin. I don’t want to disappoint them. I don’t want to disappoint our dad, I don’t want to hurt our mom.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. “May lakad kami ni Ian mamaya, eh…” paiwas na sagot ko kay Aly. Humigpit ang hawak ko sa ballpen ko.

“Twin naman…” napasimangot si Aly sa akin. Hinawakan niya ag braso ko at hinila-hila iyon. “Sumama ka na. Para makumpleto tayo. Isama mo nalang si Ian kung gusto mo,” pangungumibinsi niya pa sa akin. “Okay lang naman sa amin na kasama mo si Ian, walang kaso sa amin ‘yun,” dagdag pang sabi ni Aly.
Hindi naman ganoon kadali ang gusto ni Aly na gawin ko. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula kapag kinausap ako ni Jahann. Hindi ko alam kung saan ba ako magsisimula na magpaliwanag sa kanya. Hindi ko alam kung alin ang tatapusin ko.

Hapon na nang dumating sila Theon at Keij, kasama si Kol. Si Enzo naman ay nagpasabi na kaagad na hindi makakapunta kaya sila Theon na ang bahala kina Aly sa pagpunta ng mga ito sa mall.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!