If I Fall Chapter 25: The Mixed Tape

110K 1.3K 184

If I Fall Chapter 25: The Mixed Tape

(A/N: Yung title ay inspired ng song na: The Mixed Tape by Jack's Mannequin. May link sa gilid yan guys, try nyo pakinggan. Connected sa chapter yung song! :>)

WEDNESDAY

(Normal POV)

Nagkaron na ng routine ang 7 nating friends after ng medyong discreet (thanks to Lean) na away nina Wes at Chester nung practice. Palaging kasama ni 9 sina Jenica dahil audition na nila for the squad sa Friday. Si Rocky naman nasa library pag breaktime, kunwaring gumagawa ng Investigatory Project pero ang totoo natutulog lang sya. Tambay naman si Wes sa SC Office. Si Chester sa HQ. Parehas silang on probation sa team at may detention simula bukas hanggang next week Monday. Inis na inis ang dalawa, kasi first game na ng season sa Wednesday, nasaktong Ninoy Aquino Day. At first time na isang away game, o sa ibang school, gaganapin ang first game. Mukhang hindi pa makakasama ang dalawa.

Pero kung akala nyo sila lang ang affected, well think again. Sobrang apektado sina Barbs at Vivien sa nangyayari sa apat.

(ENGLISH TIME)

Free cut ng English dahil may inaayos si Ms. de Vera para sa spelling contest nina Cyrus sa Monday. Nag-iwan naman ito ng topic para sa formal theme nila. Tahimik na nagsusulat ang Archi, except kina Barbs at Cyrus na busy sa pagrereview for the Spelling Bee.

Hindi makapagconcentrate si Barbs. Paano naman sya magfofocus sa French spelling words kung ang lakas ng tensyon sa pagitan ng barkada nya? Eto pa pala, tumabi si Rocky kay Chester sa may upuan nito, leaving Wes alone. Mukhang relieved naman si Wes. Si 9 naman, hawak-hawak ang iPhone nito. Naka-on ata ang Thesaurus! Dati kasi kay Chester lang 'to nakatabi at nagtatanong kung tama ba ang sentence construction nya.

Naninikip na naman ang dibdib ni Barbs sa nangyayari. Dun lang nya naramdaman na napaka-init pala ng palda nyang halos sumayad na sa lupa. Gusto nyang magtali ng buhok kaso hindi ganun si Barbs pag normal school day. Ang sama talaga ng pakiramdam nya. Nakakainis!!!

Out of nowhere, sumigaw si Barbs.

"ANO BA KASI MGA PROBLEMA NYO, NYETA!!!! BAHALA NA NGA KAYO SA MGA SARILI NYO!!! ANG AARTE NYO!!!! ANG LIIT NG PROBLEMA PINAPALAKI NYO PA!!!''

Nganga ang mga kaklase nya. Hinihingal naman si Barbs after nyang isigaw yun. Lumabas sya ng classroom at dumiretso sa rooftop. In fairness, lumuwag naman ang pakiramdam nya after saying those things.

After 20 minutes, bumukas na naman yung pinto. Isang tao lang naman ang nakakaalam na dun sya pumupunta pag badtrip sya.

"Tara na, si de Jesus na kasunod. May quiz pa tayo sa algebra," sabi ni Cyrus. Hindi na nya tinignan si Barbs, kabisado na nya kasi ang busangot face nito pag galit. Araw-araw ba namang ganun ang itsura ni Barbs sa kanya e.

"Ayokong mag-Math."

"Isa ka pang maarte eh. Bagsakin ka na nga sa Math. Tara na."

"Masama pa rin loob ko. Pupunta na lang ako sa clinic at hihingi ng pass."

If I FallRead this story for FREE!