Chapter 30

642K 20.6K 4.2K
                                    


NAPAURONG ako kasabay ng pagpasok ng matangkad na lalaking may bughaw na mga mata sa pinto. Nakatikom ang mapupula niyang mga labi, parang normal lamang ang pagkakakunot ng noo, at bahagyang pumayat ang kanyang katawan base sa huling pagkakatanda ko. Bagamat higit na tumangkad at ang mga muscles sa braso, at ang panga ay mas naging perpekto. Naging moreno rin ang makinis na balat. He was fiercer now and more rugged.

"Aviona..."

Kumurap ang nanunubig kong mga mata. Gaano ko katagal na pinangulilaan na marinig ng hindi sa telepono ang boses niya? Ang boses niya habang binabanggit ang pangalan ko? Ang tagal kong hinintay na muling makaharap siya nang ganito.

"Hi." Ngumiti ang mga labi niya, isang ngiti na nagdulot ng kakaibang init sa puso ko.

Hindi ako makasagot. Nakatitig lang ako sa guwapong mukha niya. Sa mukha ng lalaking laging laman ng panaginip ko.

Humakbang siya at inalis ang mga kamay mula sa bulsa ng suot ng pantalon. "Can I touch you?"

Humikbi ako. "N-na-miss mo ba... ako?"

Muling ngumiti ang mga labi niya, ngiti na may halong lungkot. "Sobra..." sagot niya na titig na titig din sa akin.

Tumaas ang isang kamay ko upang abutin siya, halos tumingkayad pa ako dahil sa laki ng itinaas niya. Inabot ko ang kanyang pisngi, hinaplos at dinama. Pumikit ang mga mata ni Lander habang hinahaplos ko ang mukha niya.

Siya nga. Lander Montenegro in flesh. Tall, broad, muscled and toned Lander Montenegro. Naningkit ang mga mata ko saka binawi ang palad ko sa kanyang balat, nang muli iyong tumama sa kanyang mukha ay malakas na sampal ang nagpadilat sa kanya.

Namilog ang bughaw niyang mga mata. "Hey! What is that for?" Sapo niya ang pisngi habang nakatingin sa akin.

"Nagtatanong ka pa?!" Singhal ko sa kanya. Bumagsak na ang mga luha ko. "Para iyan sa ilang taong pinaghintay mo ako sa wala! Para sa ilang taon na halos mabaliw ako kakaisip kung may hinihintay pa ba ako o wala na!"

"Aviona..." natulala siya.

"Para sa hindi mo pagtitiwala sa akin." Mariin kong sumbat. "Bakit hindi mo sinabi ang totoo? Bakit hinayaan mo akong mag-isip nang kung anu-ano?!"

Nakamata lang siya sa akin habang patuloy ako sa pagsasalita. Nanginginig ang katawan ko habang inilalabas ang lahat ng naipon sa dibdib ko.

"Nakakulong ka pala. Ilang taon ka palang nakakulong sa Pilipinas, naghihirap kang mag-isa pero hindi mo man lang sinabi sa akin! Bakit hinayaan mo akong magtanim ng sama ng loob sa'yo? Bakit, Lander? Ang sakit-sakit! Pakiramdam ko ay wala akong silbi! Pabigat pa rin ba ang tingin mo sa akin hanggang ngayon?!" Pinaghahampas ko siya. "Bakit hindi mo ako pinagkatiwalaan na malaman ang tunay na nangyayari sa'yo?!"

Kung saan-saan tumatama ang mga kamay ko, sa mukha niya, sa leeg at sa dibdib. Wala akong pakialam kahit nasasaktan ko siya. Ito ang unang pagkakataon na sinasaktan ko ng pisikal ang isang Lander Montenegro.

"Ang sama mo! Oo nga at hindi totoo na kinasal tayong dalawa! Pero iyong pangako mo noon, hindi rin ba totoo?! Ang sama-sama mo! Ang sama mo!" Sampal, hampas at kalmot. Ni hindi siya umiiwas, tinatanggap niya ang lahat ng pananakit ko. Pero sa tuwing tatama ang kamay ko sa kanya, dalawang beses na doble ang balik nito sa akin. Parang sarili ko lang din ang sinasaktan ko!

Nanghihina akong lumayo sa kanya. Malabo na ng luha ang mga mata ko, pero nakikita ko ang pamumula ng balat niya sa mga atake ko kanina. At malinaw pa rin sa paningin ko ang malungkot niyang anyo.

"Aviona... namiss kita nang sobra."

Tiningnan ko ang mga mata niyang kakulay ng karagatan. "Kulang pa yan... pasalamat ka at wala akong baril. Babarilin kita sa ulo, sa utak. Para lumabas diyan sa bungo mo ang kung ano mang iniisip mo. Gusto kong malaman ang nasa isip mo, Lander Montenegro. May pasabi-sabi ka pa noon na ako lang, at akin ka lang! Oo, naiintindihan ko na lahat ng mga sinabi mo noon! Kahit hindi ko pa iyon naiintindihan noon, tinandaan ko lahat! Itinanim ko sa isip ko!" Itinuro ko ang dibdib ko habang umiiyak. "At dito! Nag-aral akong mabuti, pinaunlad ko ang sarili ko para sa paghaharap nating ito. Gusto ko kasing maintindihan ka. Pero bakit kahit marami na akong alam ngayon, bakit hindi pa rin kita maintindihan?"

His Indecent Proposal: Lander MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon