Chapter 6

69 1 0
                                    

Chapter 6

PAOLO's POV ( BIGYAN DIN NATIN NG POV SI PAOLO KAWAWA NAMAN DAW SIYA EH. HAHA )

"LUMAYO KA SA AKIN. WAG KANG LALAPIT. WAG MO AKONG PAPATAYIN!! LUMAYO KA!!!LUMAYO KA!!!!"Sam. Nagulat kami nung nagwawala si Sam. Lahat ng kaibigan niya umiiyak pati rin 'yong masungit na si Jane. Pero ang mas kinagulat ko o namin eh nakita namin na pati rin si Nick ay umiiyak. Ngayon ko lang siyang nakitang umiyak sa buong buhay ko at sa babae pa. I smell something fishy about this. Lumapit si Nick at lumayo naman sa pagkakayakap si Gabriel. Nagwawala pa rin si Sam hindi rin siya mapigilan ni Nick. Nanlaki ang mata namin sa sunod na ginawa ni Nick O__O ganyan ang mukha namin lahat. Hinawakan kasi ni Nick ang magkabilang pisngi ni Sam at tinitigan niya si Sam napatitig din si Sam sa kanya. Pati nga rin kaming lahat eh napatitig din kami sa mga mata ni Nick. Sa buong buhay ko ngayon ko lang nakita ang ganyang mata ni Nick. Napakaamo at punong puno ng pagmamahal kahit sino talaga mapapatahan niya sa kanyang titig kahit na pa mga asong nagwawala mapapatahan niya talaga sa pagtitig lang niya. Tumigil na sa pagwawala si Sam. Niyakap ni Nick si Sam at gumanti naman ito ng yakap. Iyak pa rin ng iyak si Sam hangang makatulog siya sa balikat ni Nick.

"Matulog kang mahimbing Gabriela nandito lang ako. Babantayan kita. Walang mananakit sayo at proprotektahan kita Gabriela. I love you so much Gabriela."Nick. Mahinahon at malimbing ang boses niya na parang nanghehele ng baby. Kaya pala this past few months eh iba ang pakikitungo niya sa amin. Unti unting inihiga ni Nick si Sam at ngumiti ng napakatamis sa kanya. Pag lingon niya sa amin ganito lahat ang itsura namin.

o______O

"What!?!?!"Nick. Biglang iwas ng tingin niya sa amin. Di ko alam ang gagawin kong ekspresyon ng mukha kung magtataka ba dahil sa revilation na nangyayari ngayon o matatawa sa sobrang kakornihan niya o humalakhak dahil sa pagblublush niya 'yong feeling na gusto mo gumulong gulong sa kakatawa, hahahaha. Wala pa ring imik ang mga kasama namin di pa rin kasi sila nakakaget over.

"....Seriously dude?? ganyan ka pala ka sweet?? buti hindi ka nadiabetis.. buwahahaha"Pagbasag ko sa katahimikan. Hindi ko na napigilang tumawa ng tumawa habang hawak ko ang tiyan ko. yong mga kasama ko naman nag pipigil ng tawa.

"....Oy!! ilabas niyo 'yan baka kung san pa 'yan lumabas. Dagdag pa 'yan sa pollution."Nakita ko kasi sila na namumula na dahil sa sobrang pag pigil ng pagtawa nila. Mahirap ng mag eruption sila dito 'no. Tinignan namin ulit ang mukha ni Nick na nakaiwas parin ang tingin sa amin. Tangina epic talaga!! Hindi na mapigilan ng mga kasama ko 'yong sakit ng tiyan nila kaya sabay sabay kaming nag........

"BUWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!!"Pati 'yong mga kaibigan ni Gabriela eh nakitawa na rin pati rin 'yong masungit na si Jane. Nakita ko si Bryan humahalakhak na hawak ng kaliwang kamay niya 'yong tiyan niyang namimilipit tapos 'yong kanan naman na kamay niya eh hinahampas 'yong armchair ng inuupuan niya. Si Rain naman tumatawa na pumapalakpak ganun din sila Shane at Gabriel. Yong tatlong babae naman tumatawa lang na kinikilig.

Nagtigil kami sa pagtawa ng bigla siyang tumingin sa amin lahat. Lumapit siya sa akin. Sinara ko ang mata ko hinanda ko 'yong sarili ko para sa sapok niya. Bakit ang tagal??. Dinilat ko ang mata ko. Nasa harapan ko siya. Nagtataka naman ako bakit niya ako tinititigan at di niya ako sinapok. Napanganga ako sa sunod niyang ginawa. NGUMITI LANG NAMAN SIYA!!!. Tinapik tapik niya ang balikat ko. Nakanganga pa rin ako. Nilipat niya 'yong tingin niya kay Shane at Gabriel at nginitian sila ngumiti din naman sila pabalik. Saka niya kami tinignan isa isa habang nakangiti.

"Bibili muna ako ng prutas para pag nagising si Gabriela meron siyang makain."Nick. Nagpaalam siya kay Gabriel. Ano nakain ni Nick??. Lumabas na siya ng kwarto.

"....Dude anong nangyari kay Nick???"Tanong ko kay Bryan. Nakangiti lang siya.

"Inlove ang tawag 'don. Babaero ka kasi kaya hindi mo alam."Bryan. Hindi naman talaga ako babaero. Gusto ko lang talagang layuan ako ng mga matitinong babae. Ayaw ko kasing magmahal sila ng tulad ko, katulad kong bamira. Tinignan ko si Jane. Maganda sana siya kaso masungit. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya agad kong iniba ang tingin ko. Nakita ko naman sa sa gilid ng mata ko na sinimangutan ako. Napabuntong hininga na lang ako. Ngayon lang ako nakahanap ng katapat kong babae.

My Vampire LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon