SIGE?! Anong nakain niya at pumayag ata siyang tawagan ko siya? Dati halos gawin niya ang lahat

para lang hinde niya ako makausap eh, tapos ngayon pumapayag na siya? Huwaw! Princess Athena says: huy kenji! ngayon ka na ba tatawag?

Ano ba to, masyado naman akong nadala sa pag SIGE niya. Nakalimutan ko tuloy na ngayon ako tatawag.

Inangat ko yung telepono at di-nial yung number niya. 2 rings pa lang at..

"Hello?"

"Bilis mo ha! Na-miss mo ba ako kaagad?"

"Tss." TSS??? Pag tinatanong ko kung namimiss niya ako, ang madalas niyang sabihin, 'ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA MO!!!' ngayon 'tss' lang?? Anak ng. na-miss niya talaga ako??

"Bakit 'tss'? Oo o hinde lang eh."

"Pwede na. hehe. Gawa mo? Boring dito eh! Si Sara, kausap si Jigs sa labas."

"Nandyan si Jigs? Baka naman nanliligaw na si babes kay Sara? Napapadalas pagtatalo nila eh."

"Maybe. Ay! Oo nga pala, bakit hinde mo sinabi na kambal pala si Jigs at Grace??"

"Hinde ka naman nagtanong eh. Ngayon mo lang ba nalaman? Ibang klaseng kambal noh? Hinde kasi sila lumaki ng magkasama eh, si Jigs nasa mom niya, si Grace naman sa Dad. Hinde sila broken family eh..Pero hinder in kasal! Basta magulo! Hinati silang dalawa kaya ganun. Pero nasa iisang bahay na sila ngayon. Basta yun na yon."

"Oo nga magulo. Teka, Kumain ka na ba?"

"Hinde pa, bakit? Ikaw?"

"Hinde pa rin. Kumain ka na muna, tapos tawag ka na lang ulit."

"Oh sige. Kumain ka na rin. Tatawag ako, intayin mo ok?"

"Okay."

Binaba na namin yung phone, ayan, isang example ng pinaguusapan namin. Kung tutuusin matino na yun kumpara mo sa dati. Puro sigawan baban ng telepono at barahan. Ewan ko nga ba kung bakit ang tino ng usapan namin ngayon, may nakain nga siguro to. Oh baka natuwa masyado sa itsura ko ngayon.

Isang malaking himala na yung sinabi niyang 'tawag ka na lang ulit' kasi pag nagbye ako, hinde na niya ako kakausapin, o kaya tutulugan niya ako.

Gaya ng usapan namin, kumain kami at pagkatapos tinawagan ko na siya. Nagusap kami for 3 hours. Oo matagal. Kinakausap niya ko habang gumagawa siya ng homework. Kausap niya rin ako habang nanonood ng tv, hanggang sa antukin kai pareho. Hinde ko alam pero naging habit na namin ang magusap sa phone, yun nga lang mabangis kami dati. Eto medyo tame na kami. Which is a good thing.. I think.

KINABUKASAN

"Athena?" nagdoorbell ako ng dalawang beses. After ko mag doorbell lumabas na yung yaya nila. "Ay. Wala na sila Sara pati Athena pumasok na."
"Ah sige, salamat." tumalikod na ko at nagsimulang mag lakad.
'Kahit kelan hinde marunong mangintay yun.' sabi ko sa sarili ko.

She's Dating The GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon