Chapter 15: Please Monggi

1.3K 28 1

Chapter 15:  Please Monggi

"I have a sick. I dunno kung bakit ako napunta sa condo niya, basta paggi--"

 

"Ang anak ko!" kunyaring naiiyak na sabi ni Mommy. Binatukan nga ni Ate Madison.

 

"Ang OA mo Cristine! Hindi pa nga tapos magexplain yung bata! Tska gwapo naman yung lalaki kaya ayos lang." napatango naman si Mommy.

"May point ka!" at nagsitawanan sila. Si Lenzie naman nakitawa na din. Napailing ako. Sila Daddy, Zuriel at Yosef kasi sa labas nagusap. Men's Talk daw.

 

"Pero anak, sino ba yang gwapo na yan? Curious lang."

"Bakit Cristine, crush mo 'no?" sabay tawa ni Ate Madison.

"Ano ba! Kinikilig ako!" Seriously?!

 

"Mommy!" sigaw ko. I can't believe na pati bata papatulan ni Mommy!

 

"Oy joke lang! Selos ka naman agad." at nagtawanan ulit yung tatlong baliw.

"Ewan ko sainyo!" tumayo na ko. I'd rather be alone than to be with them. Hindi pa ako nakakaapak sa hagdan ng biglang pumasok sila Dad.

"Napagdesisyon na ng korte na.." Tumikhim si Dad at tumingin saming lahat. "Na dito na lang kami maguusap dahil ang lamok dun. Hijo dito." sabay turo sa tabi ni Mom. Automatic naman na

napatingin sakin si Mom at ngumiti. What that smile for? Napataas ang kilay ko at humalukipkip.

"Ano ba talagang nangyari Hijo?" tanong ni Dad.

"Kaylangan mong panagutan ang Sissy ko!" epal ni Lenzie. Panagutan? Ano ba iniisip nila?

"Ano ba naman Madison! Kanina mo pa nilalamog braso ko dahil kakapisil. Hijo kung pwede daw bang manligaw sabi nito!" natatwang sabi ni Mommy at sabay turo kay Ate Madison at sila'y

nagsitawanan. Si Yosef may palo effect pa kay Ate Madison.

  

"Di nga pare? Dalaga ka na?" Nagulat kaming lahat dahil tumawa si Yosef.

 

Katahimikan.

 

Nagsitinginan kami nila Dad, Mom, Ate Madison at Lenzie.

 

Katahimikan.

 

Napakunot-noo si Monggi sa inasta namin.

 

Katahimikan.

 

Dahan dahang pumalakpak si Dad.

"Anak ulitin mo nga yun!"

"Huh?" napakunot-noo si Yosef.

"Anak ko yan! Anak ko talaga yan! Tumawa siya!" turo turo niya pa si Yosef habang sinasabi niya yun.

Si Mom naman, kunyari may pinupunasang luha habang sinasabi ang 'I'm proud of you' at yinakap pa si Yosef. Si Lenzie at Ate Madison naman, tumatango tango lang.

Oh my Gosh! Bakit kailangang ngayon pa nila pinakita ang pagkachildish nila? Nakakahiya kay Monggi! Pero pagtingin ko kay Monggi, nakangiti siya habang pinagmamasdan ang kakulitan nila

She's Accidentally Inlove With A HeartthrobBasahin ang storyang ito ng LIBRE!