Chapter 4: Round 3

4.3K 71 9

Pagbukas ni Jec ng pinto, tumambad sa kanya ang mga nakahubad na sina Shenna at Brix. Biglang napabalikwas ng pagtayo si Brix sabay ang pagdampot sa kanyang brief at boxer shorts. Dali-dali din naman si Shenna sa pagtayo at itinakip ang kanyang mga damit sa maseselang bahagi ng kanyang katawan at kaagad na nagtungo sa cr.

"Ay p*cha!! (mga katagang nabitawan ni Brix nang makita si Jec sa may pintuan) Nanginginig sa galit si Jec dulot ng nasaksihan ng kanyang mga mata. Kaagad itong pumihit at naglakad ng mabilis palayo sa condo unit ni Shenna. Hinabol naman sya ni Brix.

"Pareng Jec saglit lang magpapaliwanag ako!" sigaw nito habang hinahabol ang matalik na kaibigan..Nang biglang *blaaag!!* Isang malakas na bigay ng suntok ang pinakawalan ni Jec kay Brix sabay ang wikang:
"P*tang ina wag mo kong mapare-pare gag* ka!!Wala akong kaibigang traydor!!"
"Magpapaliwanag ako pre..parang awa mo na makinig ka lang. Hindi ko sinadya yung nangyare" pagsusumamo ni Brix kay Jec
"Tang-ina wag ako Brix! Inalagaan ko si Shenna, alam mo kung ano yung meron kame, p*utang ina naman sa lahat pa ng tatalo saken ikaw pa!! Bestfriend kita t*ng ina naman talaga!! galit na galit na tugon ni Jec.

Biglang bumukas ang pinto ng elevator, kaagad na pumasok si Jec dito. Dali-daling tumakbo pabalik si Brix sa unit ni Shenna sapagkat may ilan-ilan na ding tao sa corridor na nakakita na naka-boxer shorts lamang sya. Pagpasok ng unit.."Shenna...She! Nasan ka?"
"Nandito ko.." tugon ni Shenna na hindi pa din pala lumalabas sa cr. "Nasan na si Jec?" tanong nito..
"Lumabas ka na dyan, wala na sya.."
At lumabas na nga ng cr si Shenna..
"Kamusta si Jec?" nahihiyang tanong nito..
"Galit sya..sobrang galit sya sa nakita nya..hay..kasalanan ko to eh"
"Nagsisisi ka ba sa nangyare? Tanong ng dalaga..
"H-hindi naman sa ganon Shenna..pero nakokosensya ako kasi bestfriend ko si Jec eh..at alam ko na mahal ka nya. Pero, nadala kasi ako ng feelings ko sayo..g-gusto din kita..matagal na.."

"Ako ang may kasalanan nito..kaya wag mong sisihin ang sarili mo.." wika ni Shenna
"Ano ba kasi para sayo si Jec? At ako? Bakit ka pumayag na gawin naten yun?"
"Hindi ko din maintindihan..mahalaga saken si Jec, but I thought he don't deserved someone like me. Pero there is this feeling na hindi ko maintindihan, na parang mahal ko na din sya pero natatakot ako coz' he too good for me. Ikaw, gusto din kita. Noon pa. Pero kasi ipinaubaya mo ako sa kanya. Naramdaman ko yun. Naguguluhan ako..sobra.." sabay ang pagluha nito..

"S-ssssh...huwag ka ng umiyak...halika nga dito..hinila nito si Shenna at niyakap..
Tahan na..tama na..ako na ang kakausap kay Jec..linawin lang naten kung ano ba talaga tong saten. Wala lang ba to? Kasi kung sasabihin mo saken na wala lang to, lalayuan na kita..at gagawin ko ang lahat para maging ok kayo ulit ni Jec.."

Tumingin si Shenna kay Brix...ilang segundo nya itong tinitigan..hinawakan ang mukha nito sabay ang wikang:
"This is something Brix. I may like/love Jec pero I also have this special feelings for you. More than just lust..Hindi ko sigurado pero alam ko there's a real part. G-gusto mo ba ko? Mamahalin mo ba yung kagaya ko?"
"Shenna, matagal na kitang gusto. At alam ko naman na napapansin mo na yun. Pati ano ka ba, wag mo ngang sabihin yan..anong kagaya mo? Hindi ka naman masamang babae. Oo nasabe mo noon na liberated ka. Maaga kang namulat sa states sa mga bagay-bagay..pero hindi ka naman masamang babae. Hay..(isinandal nito ang ulo ni Shenna sa kanyang balikat sabay ang halik sa noo nito)

"Kaso paano kayo ni Jec? Paano na yung friendship nyo?"
"Bahala na. Kasalanan ko din naman. Kung noong una palang sinabi ko na sa kanya na talagang gusto din kita at sya nalang ang magparaya edi sana hindi na umabot sa ganito. Pero kung hihilingin mo na huwag kitang layuan, kakausapin ko si Jec. Ipapaintindi ko sa kanya yung sitwasyon. Hihingi na din ako sa kanya ng tawad.."
"P-pero..paano kung hindi ka nya patawarin? Mas pipiliin mo ba yung friendship nyo?" (nag-aalalang tanong ni Shenna)
"Maiintindihan naman siguro ni Jec to..pipilitin kong magkaayos kame..pero kung talagang magagalit sya saken, alam ko naman dadating din yung panahon na magiging maayos din ang lahat.."
"H-hindi ko gets Brix. You mean.."
"Oo She..ipu-push ko to kung talagang may patutunguhan tayo.." at mahigpit na napayakap si Shenna kay Brix.

Lumipas ang ilang araw, linggo at buwan, subalit nanatiling malamig ang pakikitungo ni Jec kina Shenna at Brix. Hanggang sa mabalitaan na lamang niya, na magkasintahan na nga ang dalawa. Lalong sumiklab ang galit sa puso ni Jec. Sa wari nya'y hindi nya pa din lubos maisip hanggang ngayon kung papaano sya nagawang pagtaksilan ng matalik na kaibigan at ng babaeng iningatan, minahal at pinahalagahan nya sa loob din ng mahaba-habang panahon.

Tumanim sa kanyang isipan ang galit at sakit na naramdaman simula noon. Si Shenna ang unang babaeng minahal nya. Sa unang pagkakataon na nagmahal sya, sya ay nabigo. Marahil bago pa lamang namumulat si Jec sa matamis, masakit, at masalimuot na mundo ng pag-ibig kaya hindi nya pa lubos na alam kung ano at paano makakayanan ang sakit na naidulot nito sa kanya.

Nagdaan pa ang ilang linggo, at sasapit na nga ang pagtatapos nila ng sekondarya. Ipinangako ni Jec sa kanyang sarili na hinding-hindi na sya kailanman magpapaloko sa babae. Na hinding-hindi na sya muling aasa at masasaktan.

Dumating na ang araw ng kanilang pagtatapos sa sekondarya.

Makalipas ang dalawang buwan ay panibagong yugto ng buhay at pag-aaral na ang tatahakin ni Jec. Sa Maynila pa din nya naisipang mag-aral ng kolehiyo. Subalit sa pagkakataong ito, ay pinili nyang umiwas sa mga kaibigan. Doon sya nagpasyang pumasok kung saan wala syang kakilala. Sapagkat hindi na nya kailanman nais na sariwain pa ang pait ng kanyang nakaraan kaya mas pinili nya yung lugar/eskwelahan kung saan walang nakakakilala ng dating sya. Yung dating Jec na mabait na kaibigan, malambing at marespeto sa mga kababaihan.

Kinain ng galit at pait ng kahapon ang puso ni Jec na mapagmahal. Kaya ngayon, ay buo ang kanyang isip na maghiganti sa kung sino mang babae ang sa kanya'y magpapakita ng motibo.

Kinabukasan ay unang araw nya sa kolehiyo. Kursong civil engineering ang napiling kuhanin ni Jec. Maaga syang nagprepara ng kanyang mga gamit kinahapunan, sabay na din ang pagpapagupit upang mabago ang kanyang dating "goodboy look". Binura na ni Jec ang bakas ng kanyang kahapon maging ang kanyang dating porma. Isang maangas at "pilyo look" na ang Jec na papasok kinabukasan sa unibersidad.

Kinabukasan sa unibersidad..
"H-hi Miss. Pasensya na, I'm lost.."
"Pardon? sagot ng magandang dilag na pinagtanungan ni Jec"
"Aa-ahh I think I'm lost, I would like to know if there's a chance that I may know the exact direction to your heart? 😉 (sabay ang maangas na paghawi sa buhok nito at pagkindat)
"Haha! Ikaw ha. Banatero ka. Uhm, seryoso ba yan?" (kinikilig na tanong ng dalaga)
"Kung seseryosohin mo, pwede naman nating seryosohin" 😉
"Ikaw talaga..by the way it's Margarita. Marga for short..and you are mr.?"
"Yours. Just call me yours.." 😉
"Haha ano ba yan. Ang bilis mo naman. Hindi nga ano ngang name mo?"
"It's Eros. But some call me Jec. Jake Eros Casagrande that's why Jec for short. Pero sayo, Eros nalang. Para iba..😉"

"Engineering ka din ba? Kasi building ng Engineering to eh" tanong ni Marga na may paghawi pa sa tenga ng kanyang buhok..
"Yup. Civil Engineering. Ikaw ba?"
"Wow. What a coincidence Eros. We're same. Don't you say first class mo din dito sa room 318 kay Engr. Villanueva?"
"Y-yes. So classmates pala tayo?"
"Well, I guess so. ☺️" sagot ni Marga na hindi maikubli ang saya sa mukha ng malamang magkaklase sila ni Jec.

"Tara tayo na?" pag-anyaya ni Jec kay Marga
"H-huh? Ano yun? Anong "tayo" na? tayo na agad? 😱
"Hahaha ikaw ha. Ang sabe ko, tara na, tayo na, I mean pasok na tayo sa loob ng classroom dun na tayo maghintay kay Prof. 😉"
"Aaa-aahh..lilinawin mo kasi haha. Akala ko kung ano eh" nahihiyang tugon ng dalaga.
"By the way, siguro naman friends na tayo, ok lang ba na makuha ko yung number mo Marga? Para kung may tanong ako sa homework or schedule may matataningsn nako.."

"Yeah sure..pero ha, natutuwa ako sayo FC ka agad hehe pero ok yan. Atleast direct to the point dina pabebe" panunukso ng dalaga.
"FC banana ketchup ba yun? haha.."
"Sira FC (feeling close) hehe kulit mo din eh noh. Oh eto yung number ko..sabay ang abot ng cellphone nito kay Jec..

itutuloy...

up next: Chapter 5: Round 4
For more completed series and short stories, you may opt to visit and like my FB Author's page:n
Belle Guevarra #anaknikikodora
Thank you for reading! ❤️

Gamezoned Where stories live. Discover now