-24-

55K 1.9K 431


“CHERINNA, ayos ka lang ba?” napalingon ako kay Kol nang magsalita ito. Last day na rin iyon ng exam at sa awa ng Diyos, natapos naman na naming lahat ng iyon. Sa susunod na linggo ay halos wala naman na kaming gagawin

Makakapagsimula na kaming tumulong at magplano para sa anniversary ng Sweet Desire.

Tumango ako rito at muling yumuko sa lamesa na naroon. Nasa loob kami ng coffee shop ni Kol. Sinabihan ko silang lahat na doon na ako didiretso dahil gusto ko talaga na magkaroon ng kape sa sistema ko. Si Kol ang unang sumunod sa akin. Sabi niya ay wala naman na siyang klase at wala ring ginagawa sa SSG kaya pinuntahan na niya ako.

“Why don’t you messaged him again?” tanong ni Kol sa akin. Nilingon ko siya pero nanatili sa lamesa ang ulo ko. Napasimangot ako. “He’s with Iris…”

Isang linggo ko na ring pinag-iisipan ang nangyayari sa amin. Wala na ba akong gagawing iba kung hindi ang mag-isip? Iniisip ko kung ano ang tama kong gawin pero wala akong mahanap na sagot—scratch that. Alam ko ang sagot. Sadyang ayoko lang sigurong gawin.

Napangiti ng bahagya si Kol sa akin. Ginulo nito ang buhok ko. Iniwas ko naman ang ulo ko sa kanya at umayos ng upo.

“You have two choices, Cherinna…” sumeryoso si Kol habang umiinom sa kape nito.

Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya.

“Listen to your heart, or listen to your mind…”

“It’s not that easy, Kol…” mahinang sabi ko. Sumandal ako at napatingin sa relo na suot ko. Iyon ang binigay ni Jahann sa akin. Sinabi niya na bawat oras na magkasama kami ay mahalaga. Bawat oras, dapat alalahanin. At hindi ako tumututol doon. Bawat oras na kasama ko siya, gusto kong mas maging makabuluhan… dahil katulad niya, hindi ko alam kung hanggang kailan kaming dalawa na ganito.

Ngumiti ng tipid si Kol sa akin bago tumaas ang isang kilay. “Choosing to do the right thing was never easy, Cherinna. I’m just here, no matter what…” hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. Ngumiti ako sa kanya. “Thank you, Kol…”

Maya-maya ay napalingon na ako sa pinto ng coffee shop nang pumasok si Jahann. Luminga-linga ito na tila may hinahanap. Agad naman niya akong nakita at nakita kong bahagya siyang ngumiti pero agad ding napalis ang mga ngiting iyon nang makita niya si Kol na nasa tabi ko. Kasama niya si Iris, diba?
Dumiretso siya ng lakad at tinignan si Kol.

“Hands off.”

Napakunot ang noo ko. Sinundan ko ang tingin ni Jahann. He was looking at my hand. Hawak pa rin pala iyon ni Kol. Itinaas ni Kol ang kamay at natawa kay Jahann.

“Para kang gago, Jahann…” komento nito.

“Wala kang pakialam,” sagot naman ni Jahann na naupo sa tabi ko.

“Kumain ka na?” tanong niya sa akin. Mas malumanay ang boses. Tumango naman ako. “Ikaw?” tanong ko rito. Hindi na kasi kami nakapagsabay-sabay na maglunch kanina dahil mas pinili kong magpasabay nalang ng bili kay Ian para makapagreview pa ako kahit papaano.

“Hindi pa,” sagot niya sa akin. Napasimangot ako. “You always remind me to eat, yet you’re the one who’s not eating,” sermon ko sa kanya.

“May ginawa pa kasi ako kanina…” sagot naman ni Jahann sa akin.

“Mas importante pa sa pagkain?” tanong ko ulit.

“Mas importante ka pa rin,” sagot nito. Natahimik naman ako. Maya-maya ay ngumiti si Jahann at inabot ang kamay ko. “Eh, di natahimik ka…” natatawang sabi nito. Inirapan ko nalang ito.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!