Chapter 9: The Modifying Charm

1.1M 31.7K 4.3K

Chapter 9: The Modifying Charm

“Matigas talaga ang ulo mo.” Yun ang una kong narinig mula sa kanya nang makalapit siya sa kinatatayuan ko. “Hindi mo ba alam na bawal ang lumabas ng dis oras ng gabi.”

Gusto kong magdahilan sa sinabi niya pero hindi ko magawa. Nakatayo lamang ako sa loob ng sphere. I bit my lips nervously. Mas lalo akong natakot dahil sa pag dating niya. Hindi siya galit. Sa totoo lang walang anumang expression ang makikita sa mukha niya. It was plain blank at yun ang kinatatakot ko. The intensity in his gaze is almost electrifying.

“Jett,” tawag ko sa kanya. Gusto kong hilain ang damit niya at pigilan siya sa paglapit sa manipulator. “Jett, umalis ka na,” pakiusap ko.

My eyes shifted to the manipulator. Nakatingin lamang siya sa amin, pinapanood ang bawat galaw namin. Walang nakakaalam kung ano ang iniisip niya o kung ano ang susunod niyang gagawin. Nagsimulang mamuong muli ang luha sa aking mga mata. Alam ko ang iniisip ni Jett at hindi ko papayagang gawin niya yun.

“Jett, please! Umalis ka na!”

Pinilit kong umalis mula sa loob ng sphere pero bigla nalang itong naging mala salamin. Hindi ko na nagawang makalabas pa.

“Dyan ka lang,” narinig kong utos ni Jett mula sa labas.

Naaninag ko siyang lumapit sa manipulator kaya nagpanic ako. Hinampas ko ng ilang beses ang sphere sa pagbabakasakaling masira ito.

“JETT PALABASIN MO AKO!” Wala akong tigil sa paghampas pero walang nangyayari. Kaya nagulat nalang ako nang bigla siyang lumingon sa direction ko. Kinuha ko ang pagkakataon na yun para pakiusapan siya.

“Jett, lumayo ka nalang dito. Nakikiusap ako!” Pero instead nasumunod sa pakiusap ko, I was taken aback nang bigla siyang ngumiti.

“Pumikit ka. Hindi mo magugustuhan ang mga susunod mong makikita.”







Naging magulo ang mga pangyayari matapos niyang sabihin yun. Ang huli kong nakita bago ako pumikit gaya ng sinabi niya ay ang dalawang heganteng apoy na nagmumula sa magkabilang palad niya. I keep my eyes shut throughout the torture of the next few seconds. Pumikit ako at tinakpan ang dalawang tenga ko. Hindi ko magawang tingnan o kahit marinig man lang ang mga nangyayari.

Nanatili akong nakapikit hangang sa naramdaman ko ang pagsabog na halos maitilapon ako at ang sphere. Nawalan ako ng hininga dahil sa impact. Noong mga oras na yun pakiramdam ko gumuguho ang lahat. Wala akong nagawa.




 

 

Third Person’s POV

 

Isang makapangyarihang liwanag ang sumira sa katahimikan ng Charm Academy noong madaling araw ding yun. Agad nasira ang mga madaanan nito. Nabasag ang ilang salaming bintana at maging ang mga ilaw na nagsisilbing liwanag sa buong Academy ay nagpatay sindi. Naramdaman yun ng ilan. Lalo na si Chase na nagising dahil naramdaman na may hindi tama sa Academy. Nagsimulang magwarning ang Security Facility ng school.

“Anong nangyayari, Chase?” tanong ni Mrs. Hawkins na lumabas mula sa kwarto niya. Nadatnan niyang madami na ding kapwa guro niya ang nagising at ngayon ay nasa hallway ng dormitoryo.

“Kumalma lang tayo mga faculties. Pupuntahan ko ang Principal. We will get to the bottom of this,” paunawa ni Chase sa mga ito.

Alam nila na hindi pangkaraniwan ang ganitong eksena sa Academy. Karamihan ng facilities ng school ay pinapagana ng charm. Ang charm na ito ay hawak ng Board of Trustees kung saan kabilang si Serena. Kaya imposible na isa lamang itong simpleng malfunction.

Charm Academy: School of Magic (Published Under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!