"Ice cream, ice cream."


Bigla akong bumalik sa realidad nung narinig ko si manong na nag titinda ng ice cream.


"Miss beautiful, bakit malungkot ka? Eto oh ice cream para naman sumaya ka. Libre na yan." nung inabot niya yung ice cream sakin, mas lalo lang akong naiyak. Ang daming alala sakin ng ice cream, eto kasi yung paborito naming kainin ni Jeydon. "Teka, anong problema?"


Pinunasan ko yung mata ko, kinuha ko sakanya yung ice cream. "Salamat po, may naalala lang kasi ako eh."


"Wag mo ng isipin yun, mahal ka nun." ngumiti siya pagkatapos umalis na siya.


Tinitigan ko yung ice cream na hawak ko. Mahal niya ako?


Mahal pa nga ba ako ni Jeydon?



"Ipangako mo sakin, sakin ka lang." hindi pa din niya inaalis yung tingin niya sakin, hinawakan niya yung mukha ko.

"Pangako." hinawakan ko yung kamay niyang naka hawak sa kamay ko. Ngumiti ako sakanya, ganun din siya.

"Ako'y sayo.. at ikay sakin lamang.." kinanta niya yun, kinanta niya habang nakatitig siya sakin.

"Pangako yan ah?"

"Pinky swear?" nag pinky swear kaming dalawa. Then he sealed it with a kiss. A kiss on the lips in the moonlight.




Jeydon, tinupad ko naman yung pangako ko sayo pero bakit ikaw hindi mo tinupad yung pangako mo sakin.. ang daya mo naman.


Kung dati punong puno ng masasayang alala yung lugar na 'to, ngayon puro malukungkot na alala na yung naiisip ko. Malungkot kasi lahat ng mga masayang alala namin dito, mananatili na lang isang alala na kahit kaylan hindi na namin pwedeng gawin ulit na magkasama. Hindi na dahil iniwan na niya ako..


"Candice.." nabinatawan ko yung ice cream na hawak hawak ko. May mga luha na sa mata ko na nagbabadyang tumulo.


Nilingon ko siya.


"Jeydon.." kung tignan pa din niya ako, parang wala akong kwenta sakanya. "Dumating ka.."


Lumapit siya sa akin. Pareho kaming naka tingin sa mata ng isa't isa. Wala akong makitang pagmamahal sa mga mata niya. Hindi siya yung mata ni Jeydon na para bang tinatawag ka, yung punong puno ng buhay.


"Ano pa bang kaylangan kong gawin ko para tigilan mo na ako?"


Yumuko ako, kahit anong pigil ko sa sarili ko na wag umiyak, hindi ko pala kaya. Pagod na ako, pagod na pagod na akong lumaban.


"Ang luha pala parang pawis, di man siya parehong galing sa mata mo pero parehong tumutulo kapag pagod ka na."


"Candice, wag mo ng pahirapan yung sarili mo." hinawakan ko yung kamay niya.


"Hindi mo na ba talaga ako mahal?" tinignan ko siya sa mata niya. "Jeydon, mahal na mahal pa din kita eh." inalis niya yung kamay ko sa kamay niya.


"Itigil mo na yan! Wag mo na akong mahalin pa Candice!" hinawakan ko ulit yung kamay niya.


"Ang daming dahilan para hindi kita mahalin pero my isang dahilan kung bakit hindi ko magawa, hindi ko magawa kasi mahal kita."


Mahal na mahal kita Jeydon..

"Tama na, itigil mo na yan. Forget about me! Kalimutan mo na ako." mas hinigpitan ko yung pagkakahawak ko sa kamay ni Jeydon.


"Ayoko.. Jeydon ayoko.. ayokong kalimutan ka.. hindi ko kaya eh.."


"Gaano ba kahirap para sayo na kalimutan ako?" tinignan ko ulit siya sa mata niya.


"Parang inaalala ko yung pangalan ng isang tao na kahit kaylan hindi ko naman nakilala. Ganyan, ganyan kahirap ang kalimutan ka."


"Kaya mong kalimutan ako, ako nakalimutan na kita." kusa na lang bumitaw yung kamay ko sa pagkakahawak sa kamay niya. "Nakalimutan ko na lahat ng nararamdaman ko sayo."


"Kung sasaktan mo ako ng ganito sana man lang hinanda mo ako. Ngayon hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ulit ako mag sisimula." kahit anong pag punas yung gawin ko sa mukha ko, hindi pa din niya maalis yung mga luhang sunod sunod na tumutulo galing sa mata ko. "I'm still the girl you loved but now you're the man i don't really know anymore."


"Dahil wala na siya, wala na yung Jeydon na mahal ka."


"Ibalik mo siya," lumuhod ako sa harap niya. "Ibalik mo naman si Jeydon. Si Jeydon na mahal na mahal ako. Si Jeydon na laging nandyan para sakin. Si Jeydon na hindi ako hahayaang masaktan ng ganito. Si Jeydon, yung prince charming ko.. yung abnormal na pusang robot.. ibalik mo siya sakin."


Hinawakan niya ako para itayo pero hindi ako tumayo. "Tama na, tapos na eh. Wag ka ng magpaka tanga."


Pumasok sa isip ko yung sinabi ni kuya Charles. Lahat pwedeng mong ipaglaban pero hindi lahat pwede mong ipagpilitan.


Candice tapos na..



"Sige tatanggapin ko nang tapos na tayo.. pero bakit? bakit Jeydon? bakit mo 'to ginawa sakin? parang awa mo na naman oh, bigyan mo ako ng dahilan.." nakaluhod pa din ako sa harap niya, nakatingin ako sa sahig. "Alam mo ba kung gaano kasakit iwan ng taong mahal mo ng walang dahilan?"


"Na realize ko lang na si Kim pala talaga yung mahal ko. Siya at hindi ikaw. Sapat na sigurong dahilan yun sayo?"


Candice tama na, tama na. Wag mo ng pahirapan yung sarili mo. Tapos na eh, tapos na tapos na.


"Oo sapat na." tumayo ako, ngumiti ako sakanya habang hindi pa din tumitigil yung mata ko sa pag iyak. "May isang bagay na lang akong hiling sayo.."


Lumapit ako sakanya.


Tumingin ako ng deretso sa mata niya. "Sabihin mo sa harap ko na hindi mo na ako mahal. Sabihin mong hindi mo na ako mahal."


Sabihin mo, mahal mo pa din ako. Jeydon hindi kita isusuko, ipaglalaban kita basta sabihin mo lang na mahal mo pa din ako..


"Hindi.. hindi na.. hindi na kita mahal."


Hanggang sa kahuli hulihan, binigo mo ako Jeydon.


"Mahal pa kita ngayon pero eto yung tandaan mo, dadating din yung panahon na titingin ako dyan sa mga mata mo. Sa panahon na yun, wala na akong kahit na ano pang nararamdaman para sayo."


Tinalikuran ko na siya, iniwan ko sa harap niya yung box na dala ko pagkatapos naglakad na ako palayo. Tatalikuran ko na lahat ng kung anong meron satin Jeydon.


Dito namin sinimulan yung pagmamahalan na meron kami noon.



"Hoy pusa ano to ha?"

"Dyan ka lang ah?" Umalis siya saglit, pagkabalik niya may dala dala siyang gitara.

Nakatayo lang siya sa harap ko. Bigla siyang nag gitara. Sa unang tunog pa lang ng gitara alam ko na yung kakantahin niya..

"Ikaw na ang may sabi, na ako'y mahal mo rin
At sinabi mong ang pag-ibig mo'y di magbabago
Ngunit bakit sa tuwing ako'y lumalapit ika'y lumalayo?
Puso'y laging nasasaktan pag may kasama kang iba"

Habang kumakanta siya naka tingin lang siya sakin. Seryoso yung tingin niya sakin. Bumilis yung tibok ng puso ko.

"Di ba nila alam, tayo'y nagsumpaan?Na ako'y sa 'yo at ika'y akin lamang.."

Hininto niya yung pagtugtog ng gitara niya, nilapag niya sa sahig yung gitara tapos lumapit siya sakin. Nagulat ako nung bigla siyang lumuhod sa harapan ko.

"Hoy aso!" ngumiti siya sakin.

"Oh bakit?"

"Ngayon na wala na kong fiancee.. ngayon na malaya na ko.. uhmm ano.." hindi siya maka tingin sakin parang kinakabahan pa siya.

"Ano yun?" hinawakan niya yung dalawang kamay ko.

"Can you be my Girlfriend?"

"Ha? pero..." ano bang sinasabi niya? di ba sabi ni Kuya Charles hindi ba daw pwede?

"Nag paalam na ko sa Mama mo, pati kay Charles at pumayag na sila. Sagot mo na lang hinihintay ko." hindi pa din ako makapaniwala sa mga sinasabi niya, nag paalam na siya? kelan yun? wala man lang akong ka alam alam. "Nangangawit na ko ah?"

"Oo Jeydon, girlfriend mo na ko."

 



Nakakatawa lang na dito din pala matatapos yung lahat.

It's unbelievable how fast fast people can change. One day, you mean everything. the next day, it's like you don't exist to them anymore.



Goodbye Jeydon...