Ang Naunsiyaming Liham

3.5K 171 47


Ang Naunsiyaming Liham

Sumilip na ang araw
Hanggang ngayon
laman pa din ng isipan
Pag-ibig, ano ba naman
Bakit nananatiling palaisipan?

***

Episode 11 of The Rich Man's Daughter

Naisipan ni Althea na pumunta sa engagement party ni Jade. Ayaw siyang papasukin ng receptionist dahil kailangan ng pormal na imbitasyon.
Masasalubong niya si Pearl. Sasabihin niyang "She's okay, she's a friend of a family." Kaya tumango ang receptionist at naglakad na siya papasok.

***

How I wish na sana, mayroon ding isang receptionist na pumigil sa nararamdaman ko, ang magbibigay ng  isang babala na nagsasabing itigil ko na ang kalokohang ito.
Kung si Althea ay hindi makapasok dahil wala siyang pormal na imbitasyon, ganoon din tayong dalawa, walang pormalidad sa isa't isa.
Kung si Althea ay sobrang nagpapasalamat sa pag dating ni Pearl at sa pagbibigay ng hudyat upang siya'y papasukin, ako naman gusto ko nang saktan ang sarili ko dahil ako na mismo ang nag-obliga at nagpumilit na pumasok sa buhay mo. Nagbabaka-sakali na sana, ako naman ang piliin mo.

***

"Althea wait! Sandali, sandali."

"I'm sorry, I'm so stupid. Dapat hindi na ako nagpunta dito."

"I know, hindi na nga dapat."

"Yan na talaga ang desisyon mo?"

Tumango si Jade, kahit napipilitan, kahit nasasaktan.

"We can still be friends, right?"

***

Nakakatawa diba? Paano mo magiging kaibigan ang isang taong minahal mo ng higit pa doon?

Nakakatawa man pero iyon ay totoo. Kung si Althea, sumagot siya ng "Go to hell." Pero ako, walang naisagot sayo.

Alam ko naman na hanggang kaibigan lang talaga ang maibibigay mo sa akin. Pero hetong si tanga, umasa pa rin.

***

"Althea huwag ka namang magalit sakin, intindihin mo naman ako, yung sitwasyon ko. Hindi ko 'to kaya, hindi kita kayang panindigan. Natatakot ako Althea takot na takot ako."

"Jade lagi ka nalang natatakot, lagi ka nalang paasa. Ang galing mong makipaglaro ng emosyon ng ibang tao dahil napaniwala mo ako na magiging masaya tayo."

"Althea I'm so sorry."

"I'm sorry din pero huwag ka nang lalapit sakin okay? Huwag ka nang magpapakita."

***

Sa bawat binibitawan nating linya, ramdam ko at alam kong nararamdaman mo rin ang bawat bigat ng eksena.

Hindi ko masabi kung sino si Jade at kung sino si Althea.

Basta ang alam ko lang, nasasaktan tayong dalawa.

Sabi nga ng direktor natin, mas maganda raw ang kalalabasan at mas madali raw bumuhos ang emosyon kung iisipin natin na nangyayari ito sa totoong buhay.

Something Sweet and SugaryRead this story for FREE!