If I Fall Chapter 24: Flashback (Janine)

101K 1.1K 112

If I Fall Chapter 24: Flashbacks (Janine)

Ang hirap maintindihan ang isang tao kapag hindi mo pa alam kung sino sya diba. Ganyan si Janine Kitagawa. Kilala siya sa Charleston Academy na madaldal, tsimosa, mataray at.. malandi. Sa ganyan nila kilala si Janine, o 9 sa ating lahat. Lahat naman tayo ay may back story, at ito ang sa kanya.

----

Halata naman kay 9 na hindi sya purong Pilipino. Fine, her name gives it away. Half Japanese sya. Namana nya sa tatay nyang business man ang katangkaran at complexion nito, habang sa nanay naman nyang Filipina ang ganda at kulay ng mga mata. Mayaman sina 9, dala na rin ng textile business ng daddy nito sa Japan at dito sa Pilipinas. Isa sila sa matuturing nating perfect family, walang problema o kung anuman. Lumaking spoiled si 9 dahil sa daddy nya, naturingan na only child ito.

Pero alam naman nating walang perpekto dito sa mundo. Narealize lang ito ni 9 nung summer bago sila pumasok ng highschool. Binago nito ang lahat.

Tandang-tanda pa nya yung araw na 'yon. Galing sila ng bestfriend nyang si Rocky sa Town, may birthday party kasi ang isa nilang kaklase. Tuwang-tuwa sya pauwi! Habang pauwi kasi pinag-uusapan nila ni Rocky kung anong plano nila sa 13th birthday nila nang taon na yun. Gusto nya cosplay themed! Kaso yun na ang iniisip nya sa para sa debut nya. Excited na excited itong pumasok sa family room nila sa second floor ng bahay nila. Manonood sana sya ng TV nang may makita syang di kanais-nais.

Nandun yung tatay nya sa loob ng family room.

May kahalikan.

Na lalaki.

Hindi nya alam ang gagawin nya. Nastuck na sya dun sa harapan ng pinto. Daddy.. eto ba ang daddy na idol nya? Gulat na gulat din ang dalawang nasa harap nya, pilit nagpapaliwanag ang ama sa kanya na wala silang masamang ginagawa. Sa sobrang sama ng loob ni 9, hinagis nito ang vase sa dalawa. Buti na lang nakailag ang mga ito.

Mabilis masyado ang mga pangyayari. Snippets na lang ang naaalala nya doon. Pagpapalayas ng nanay nya sa daddy nya sa bahay. Divorce papers. Tingin sa kanila ng mga kapitbahay. Katahimikan sa bahay nila. Nanay na naglalasing.

Kamusta naman ang buhay nya?

Buti na lang nandun si Rocky nang mga panahong iyon. Dun sya tumira pansamantala sa bahay ng mga Rodriguez. Gabi-gabi nya hindi maalis sa isip nya ang nakita nya. Nandidiri sya sa daddy nya. How could he do that to them? Okay naman sila!

Isang araw nagising na lang sya na tanggap na ang pagiging bading ng daddy nya.

Pero hindi madali. Papasok sya ng highschool tapos ganun sya makikilala. "Ay yan ba si Janine Kitagawa? Yung nakahuli sa tatay at business partner nito?" Natatakot syang pumasok sa Charleston. Highschool is such a cruel place, sabi nila. Palagi na lang nyang iniiyakan ang lahat ng iyon.

"Bru ano ka ba! I'm here by your side. Walang mangyayaring masama sa'yo!" pangako sa kanya ni Rocky the night bago ang second day nila ng highschool.

Kinabukasan, nagulat si Rocky, at ang lahat sa nangyari kay 9.

If I FallRead this story for FREE!