Kabanata 42

145K 2.2K 169

FEATURED COMMENTS FROM THE PREVIOUS CHAPTER:

rosypink74- hay naku Drake, napaka-sharp shooter mo naman. nang sabihin mo na sisiguraduhin mo ay sigurado nga! pero okay naman ang lahat kasi nasunod ang plano ng dalawa. graduate na si Drake. missyantonette- .Naku naman feel na feel ko ang lalim ng pagmamahalan ng dalawa..Gawd, sana mkahanap na rin ako ng sakin, pero sana kahit kasingbait at ka sweet ni drake.. heavenlycloudnine- Drake! Tama na ang kakaungiti! Pati ako napapamura sa dimples mooo!! Azielle_Trinity- Pero nung mabasa ko ito. Hindi ko maiwasang humanga. Umiba na ang personality ni Kei Marie, bumait siya, naging maunawain, maawain tapos maiyakin narin siya. annttpmntn- Sabi na nga buntis na si Marie. Success na, Drake. HAHAHA. Nabuntis mo na si Marie. Wala na siyang kawala. Lol. Nakakawindang yung scene sa car ni Drake, nabitin sila. :D Yay! Happy for the both of them. :) KellyMarieAlbiso-waaahhh! at nakabuo din sa wakas! congratulations sa inyo! sinuguro mo talaga Drake ah!!! magiging daddy ka na! proud fan here! I want my Drake Cortezano too!



Kabanata 42


"Bu-buntis ka?" Nanlaki ang mata ko at napahawak ako sa tiyan ko, hindi pa rin kami nagbibitiw ng tingin sa isa't isa. "D-Drake.." Kinakabahang tawag ko sakanya, buntis nga ba ako?


Ang kaninang pagkabigla ni Drake napalitan ng isang magandang ngiti! Kaagad siyang lumapit saakin! "Buntis ka sweetheart?!!" Sigaw niya! Halos mapapitlag na ako dahil sa lakas ng sigaw niya na akala mo ang layo namin sa isa't isa. Bigla niya akong niyakap at parang isang palabas sa tv na itinaas niya ako at umikot ikot siya!

"Woaaa!! Buntis ka!!" Masayang masayang sigaw niya! "Drake! Nahihilo ako!" Suway ko sakanya habang hinahampas hampas ko siya sa balikat niya, mabilis niya akong ibinaba at inayos niya ang buhok kong nagulo dahil sa paikot ikot niya. Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong hinalikan sa labi!

"Finally!!" Sigaw niya saka hinalik halikan niya ang mukha ko! Sa noo! Sa ilong, sa magkabilang pisngi, sa baba, at sa labi ulit! Pulang pula na ang mukha ko dahil pinag gagagawa niya. "Kailan ang huling period mo?" Biglang tanong ni Mama, napatingin ako sakanya. Nakangiti siya pero kita ko sa mukha niya ang pagkabahala.

"La-last month pa po Ma, de-delay na po ako ngayon." Nauutal na bulong ko, mas lalong lumapad ang ngiti ni Drake. Para siyang baliw, parang mapupunit na yung mukha niya sa sobrang pag ngiti at yung dimples niya panay ang mura!

Niyakap ako ni Mama, "Magpacheck up ka sa Doctor ha?" Payo saakin ni Mama, "Sige po Ma, mamaya dadalhin ko sa OB itong asawa ko." Excited na sabi ni Drake, asawa na talaga? Nakakaloka ang itsura niya sobrang saya niya, at hindi ko na rin namalayan na napapangiti ako. Ang sarap pala sa pakiramdam na ganito, na masaya ang lalaking kasama kong gumawa sa batang nasa tiyan ko.



Panay ang ngisi ni Drake habang nagmamaneho siya, hindi niya rin binibitawan ang kaliwang kamay ko. "Magkakaroon na ng kapatid si Ria.." Wala sa sariling bulong ko, nakahawak pa rin ang kanang kamay ko sa tiyan ko. Kung totoo mang buntis ako, magiging masaya talaga ako. Pinapangako kong aalagaan ko nang mabuti ito.


"Yes, sweetheart. Magiging Ate na siya." Sagot niya sa binulong ko saka hinalikan niya ang ibabaw ng kamay ko, panay ang kabog ng dibdib ko sa tuwing makikita kong ang saya saya ni Drake. Para bang mas excited pa siya kaysa saakin. Nakakatuwa, hindi ko talaga akalain na ganito siya, oo alam kong magiging masaya siya. Pero hindi ko naisip na sobra sobrang saya pala yung mabibigay ko sakanya kung sakali talagang buntis ako.


Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!