Eh ano naman ngayon? (One Shot)

98 7 3

"Oy Cheska! I love you daw sabi ni Eddie." sigaw niya.

"Eh ano naman ngayon?" sagot ko naman sa kanya pabalik

Eh ano naman ngayon? 'Yan yung lagi kong sinasabi everytime nag-jojoke siya.

Hindi ako interesado kung sino ang Eddie na 'yan. Baka sabihin na naman nyang 'yan 'yung nerd sa other section. NAKAKAINIS! >_<

Siya 'yung tipong masarap saksakin, tadtarin at ipakain sa pating o itulak sa bangin pero masarap ding siyang mahalin kahit minsan malakas ang tililing. xD (Oh di ba rhyme?) Hehe.

Hindi ba niya alam na siya yung crush ko? Hmp! Kaya everytime na mag-jojoke siya, 'yan na lang ang sinasabi ko.

"Sungit naman neto! Dali na kasi! Tanungin mo na kung sino 'yung Eddie na 'yun."

"Eh ano naman ngayon?" sabay alis sa harapan niya. KAINIS TALAGA!

"KJ MO NAMAN!" hindi ako 'yung KJ! Ikaw 'yun.

Aldwin Jay Francia, bakit ka ba ipinanganak na makitid ang utak? Hindi mo ba alam na mahal kita?

Ampupu naman kasi ehh! Nakakabadtrip everytime na ni-lilink niya ako sa iba. Hindi pa ba halata na siya 'yung type ko kaya ayaw ko sa iba? Haay!!!

=============================================

"Goodmorning Miss, I love you daw sabi ni Eddie."

"Hey! Eddie wants to say 'I love you'."

"Hello Cheska! Oy! Pinapasabi ni Eddie mahal ka raw niya." OK! WEIRD!!! Kada taong makikita ko sa hallway, puro Eddie ang bukambibig. Tapos isa-isang magbibigay ng rose, pinapabigay daw ni Eddie.

SINO BA KASI ANG EDDIE NA YAN??? =___="

"Miss Cheska, kilala mo si Eddie?" sabay nagbigay ng rose 'yung guy.

"Eh ano naman ngayon?" sagot ko sa kanya. Inirapan ko lang siya sabay taas ng kilay. Pati ba naman sa canteen, Eddie pa rin ang trending?

Binagsak ko sa mesa ng canteen ang kumpol ng rose na nakolekta ko kanina. Sabay punta sa center part ng canteen.

"SINO BA KASI ANG EDDIE NA 'YAAAAAAAN!?!?!?" sigaw ko sa kanila. Ang awkward kasi. Hindi ako makapagconcentrate sa pagkain kanina kasi naman nakapalibot sila sa'kin tapos pinapanood ako.

Ayan ngayon! Hindi na ako makatiis kaya tinanong ko na kung sino 'yun. Tumahimik naman sila.

"Oy!" tumingin ako sa pinanggalingan ng boses, sa may likuran ko at isang lalaki ang tumambad pagkatingin ko. May hawak-hawak na bouquet. Huh??

"Aldwin?"

"Oh? Ako nga si Aldwin. Nga pala, pinabibigay ni Eddie. Pinapasabi niya pala na 'I love you' daw." lumapit siya sa akin tapos binigay naman niya yung bouquet. Awwts! </3

Masakit isipin na 'yung crush mo, siya pa yung gagawa ng paraan para ireto ka sa may crush sa'yo. Ok. I give up. Out of curiousity, I asked...

"Huh? Sinong Eddie?" napakamot siya sa batok niya. Medyo nahihiya siyang sabihin kung sino ba 'yun.

"Eddie----

AKO." sabay ngiti. Hindi ako makapaniwala sa pinagsasabi niya.

"Matagal na kitang gusto. Pwede ba kitang ligawan?" tahimik ang lahat. Hinihintay siguro nila ang sagot ko.

"Eh ano naman ngayon?" nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Napahiya siya. Eh ano naman ngayon? Bigla siyang tumalikod.

"Eh ano naman ngayon kung matagal mo na akong gusto? Hindi mo ba alam na matagal kong na ring hinintay na sabihin mo sa'kin 'yan?" sabi ko sa kanya.

Biglang nagsigawan ang mga tao sa loob ng canteen. Kinikilig daw sila. Syempre mas lalo naman ako. >///<

"Huh?"

"Oo. At pinapasabi rin 'yun ni Eddie."

"Huh? Sinong Eddie?"

"Eddie ako! Haha. ^_^ Sarili mong banat 'di mo pa nagets agad."

Then I feel his arms around me. Finally, my dream came true. I love you Aldwin. I really do. <3

~The End~

[Author's Note: Pagpasensyahan ang mga gasgas na linya. XD Mag-vote at mag-comment po sana kayo. Paki-follow na rin po sana ako. Thank you <3]

Eh ano naman ngayon? (One Shot)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!