CHAPTER 6

Orene’s POV

Andito na ako sa kwarto ko sa bahay namin, at kasalukuyang tinitingnan ang aking sarili sa salamin. .

“ang ganda ko” mahina kong imik, sadya naman eehhh!!! Hanggang ngayon nga hindi pa rin ako makapaniwalang ako itong babaing nakikita ko sa salamin

At alam nyo ba kahapon nung dumating ako dito sa bahay eehh hindi rin ako nakilala nina mama at papa, pati yung kapatid ko na si reinan. .kung hindi pa nila ako tititigang mabuti. .tsk!! tsk!! Hindi ba nila naramdaman ang lukso ng dugo sa simula palang????!!!

Tapos napatingin ako sa kama ko, na punong puno ng paper bag at kahon na panay bagong damit at sapatos ang laman. .kanino galing??? Syempre sa sponsor ko, hahahah!!! Si bilfo!!!

May pasok na bukas, shete!! Bigla tuloy akong kinabahan ng maalala ko yun. .eehh kasi naman panigurado katakot takot na tingin at bulungan ang mararanasan ko bukas, syempre artista na eehhh!!! Haha may sponsor na nga eehhh. .

Aarrrrggghhhhhh!!!! Ayoko ng isipin yun!!! Bahala na bukas!!! Makatulog na lang!!! baka pagnapuyat ako magsipagbalikan ang kampo ni Mr.P dito sa mukha ko. .

Kaya agad naman akong humiga sa kama at pumikit. .

………………………………………………………………………………………………………………………………………………

Kinaumagahan, habang kumakain ng agahan. .

“oh?? Ba’t hindi pa po kayo nagsisipagkain??” tanung ko kila mama, papa at reinan. .lahat kasi sila nakatulala lang sa akin, hindi maka-move on sa kagandahan ko???

“a-ate, ang ganda mo talaga” ani ni reinan habang tulala sakin

“oo nga anak” pahabol ni mama

Sus!!! Ganu ba ako kapanget dati??? Eehh sabi naman ni bilfo konti lang naman daw binago sakin aahhh. .wala ngang pinaretoke eehhh!!!

Hindi ko na lang pinansin ang ka-alien-nang nangyayari sa pamilya ko derederetso lang akong kumain at saktong tapos ko ng pagkain ay may bumusina na sa labas. .si bilfo na yan sure ako!! hindi lang kasi sponsor siya ng buhay ko kundi driver din. . hahahaha!!!

Kaya binilisan ko ang pagsisipilyo, at nung makatapos ako sa lahat ng gagawin ko eeehh sinulyapan ko muna ang pamilya kong tulaley pa rin sa akin, tsk!!! Malakas na ang tama ng mga ito. .

“alis na po ako!!” paalam ko sabay labas ng bahay, at nakita ko nga si bilfo na nakasandal sa kotse niya at nakahalukipkip pa. .wow!! kahit sabihing maganda na ako bakit kapag sasama ako sa lalaking ito ay nahihiya ako sa itsura ko???

Naka-checkered kasi siya ng red and black na hanggang siko ang haba ng manggas at may panloob na puting t-shirt, simple lang yung suot niya pero ang lakas ng dating ahhh!!!

“gwapo natin aahhh” aniko ng makalapit ako sa kanya, ngumiti siya at pinasadahan ng tingin ang suot ko,

Naka-dress lang ako na puti yung taas na ¾  at itim yung palda na hanggangt tuhod tapos na flatshoes ako ng itim. .

“not bad” anito sabay binuksan ang pinto sa front seat, kaya pumasok na din ako, pagkapasok ko umikot agad siya para sumakay sa driver seat. .at pinaandar na agad niya ang sasakyan. .

Habang nasa byahe kami papuntang school. .

“matanung ko nga, ikaw ba ay may driver lisence na?? diba third year ka palang??” ang bobo ko noh?? Ilang beses na akong nakasakay sa kotse niya na siya ang driver ngayon ko lang natanong??? Hahahahahaha. .

Binasted ni Crush, Sinambot ng HearthrobBasahin ang storyang ito ng LIBRE!