For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

A/N: Markus>>>>>>>>>

Nic's POV

Brother?....

"Babe.. Let me explain.." Ani Markus ng makita ang pagkabigla sa mukha ko sa sinabi ni Jared.

Kung posible lang na lumuwa ang mata ko sa gulat, sa malamang na nangyari na. "W-wait.. N-naguguluhan ako. Magkapatid kayo?? Like, by blood talaga? Anong.. Paanong.." Sa kawalan ng sasabihin ay lumingon na lang ako sa tatlo. "Did you guys know about this??.." Tanong ko kila Atina. Base sa mga reaksyon nila kanina ay mukhang may alam sila sa nangyayari, at ako lang ang bukod tanging walang kamuwang muwang. "I can't believe this.. You have a lot of explaining to do. " Napailing iling na sabi ko na ang tinutukoy ay si Markus.

"What's there to explain? We're brothers. It all ends to that." Bumalik ang tingin ko sa nagsalitang si Jared at nakakunot ang noo nya sakin ngayon. Hindi ko matagalan na makipagtitigan sa kanya kaya kay Markus ko ulit ibinaling ang tingin ko.

"I'll tell you all about this later. Wag ka magtampo kila Atina, I should be the one telling you this, not them.. Let's go inside.." Aya ni Markus sabay akbay sakin. Nagpaubaya na lang ako dahil nasa state of shock pa ang utak ko. Naglalakad na kami ng huminto si Markus tsaka lumingon ulit kay Jared, "And you. We'll talk later." Jared just smiled. Naiinis ako sa pagngiti ngiti nya! Inangatan ko sya ng isang kilay sabay irap. Hindi ko na nakita ang pagngisi nya lalo sa ginawa ko.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng mansion ay hindi na ako nagtaka ng hindi sumunod sila Atina. Alam ko na ibibigay nila ang oras nato para sa mga katanungan ko kay Markus. Dirediretso ako sa ikalawang palapag para magtungo sa guest room at kahit ayoko, may namumuong inis sa loob ko. Bakit hinayaan pa ni Markus na umabot sa ganito? Na andito na kami sa pinas bago nya sabihin na may revelation pala sya. At hindi lang basta basta revelation eh, kung iba sana ipinakilala nya saking kapatid, kahit hindi na namin pag- usapan... Pero si Jared yun!

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!