CHAPTER 5

“siya si madam red, siya ang stylist mo at magtuturo sa iyo ng tamang pagporma at pagkilos” pagpapakilala sakin ni bilfo sa isang baklang may balingkinitan katawan. .ngumiti naman ako sa kanya at nginitian din niya ako. .

“tapos si ate liz, siya ang magiging fitness trainer mo” nginitian ko din yung babaing may magandang katawan. . “at siya din ang magtuturo kung paanu ang tamang paglalakad ng may poise lalo na kapag mataas ang takong na suot mo” dagdag niya. .

“si noira ang make-up artist mo, siya ang magtuturo sa iyo ng make-up na suitable para sa iyo at sa event na a-attend-an mo” medyo kasing edad ko itong noira ahhh. .ngalay na ang panga ko kangingiti aahhh. .

Diyos ko sana pagkalipas ng isang linggo, buhay pa ako. .

“sa ngayon ay magpahinga ka na muna” tas tumingin siya dun sa matandang nasa tabi ko “manang pakihatid po muna siya sa magiging kwarto niya” utos niya sa matanda, kaya inalalayan naman ako nung matanda. .

Pansin ko aahh. .ang laki talaga nitong bahay, ang daming pinto ang aming nadadaanan. .tapos ang dami ring portrait na picture, at lahat ng nasa larawan kala mo mga myembro ng royal family. .

“ma’am, dito po ang inyong kwarto niyo” binuksan lang nito yung isang kulay pulang silid at pumasok naman ako sa loob. .wow!! ang ganda ng loob!! Parang buong bahay na namin to aahhh. . may malaking bintana ito na may kurtinang pula na sayad hanggang sahig. .tapos may malaking flat screen t.v na nakaharap sa isang malaking kama na may touch ng color white ang bedsheet at pula naman ang headboard. .may sarili din itong banyo at guess what may bathtub pa sa loob. .all in all ang ganda talaga!! Para na ako nitong prinsesa. .

“d-dito po ako matutulog??” paninigurado ko dun sa katulong, at tumango naman ito habang nakangiti. . “as in po talaga??” imik ko ulet. .

“opo ma’am, at simula po ngayon kayo na ang may-ari ng kwartong ito” aniya

“h-habang buhay??” aniko malay isang linggo lang palang akin to noh??!!

“opo ma’am” anito. .

“talaga po???” tuwang tuwa kong paninigurado. .

“opo ma’am”

“wow!!!” sigaw ko sabay tumalon ako sa malaki at malambot na kama, at ilang saglit lang dahil na din siguro sa pagod eehh nakatulog na agad ako. .

…………………………………………………………………………………………………………………………………………………...

Nagising ako sa sinag ng araw na nangagaling sa malaking bintana ng kwarto ni. .teka!! hindi to ang kwarto ko sa bahay!!. .napaupo agad ako sa pagkakahiga ko. .at ginala ko ang paningin ko sa paligid. .

“ayy shit!!” nahampas ko ang noo ko ng palad ko, sinundo nga pala ako ni bilfo kagabi sa bahay at basta na lang dinala dito sa lugar na sinasabi nya na ipapanganak daw ulet ako. .

TOK!! TOK!!

“pasok po!” sigaw ko dun sa kung sino mang nakatok, at kaagad naman itong bumukas at iniluwa si manang, yung naghatid sa akin dito sa silid ko kagabi. .

“ma’am, pinabababa na po kayo ni master billdoux, nakahain na daw po kasi ang pagkain” anito,

“a-aahh sige po bababa na po” aniko at kaagad akong tumayo, mi-walang hilamos at mumog at maging suklay eehh sa ganito ako sa bahay eehhh. .medyo nagtaka ata yung katulong pero hindi ko nalang pinansin. .hehehe

Pagdating ko sa kusina. .

“wow!! Sinong may birthday???!!” grabe!! Ang dami kasing nakahain sa lamesa, eehh sa bahay kapag ganito kapuno ang lamesa may nagdiriwang ng kaarawan panigurado. .

Binasted ni Crush, Sinambot ng HearthrobBasahin ang storyang ito ng LIBRE!