MCP-Chapter seven.

Magsimula sa umpisa
                                    

Lumabas na kami ni Mitch, wala na daw kaming klase hanggang lunch eh

"Mitch, tara sa mall"

"I'm sorry Cams pero dahil wala tayong klase, pupunta ako sa sideline ko. Sorry talaga....Alam mo naman ang situation ko diba?"

"Oh, okay lang! Haha! Mag-isa nalang akong pupunta sa mall, but next time ha?"

"Okay sure!"

Umalis na si Mitch, ang boring naman kung ako lang ang pupunta sa mall, naaawa na ako sa bestfriend ko, kung pwede ko lang syang tulungan eh.

Pupunta nalang ako sa SEU park, may park kasi malapit sa building namin. Dun nalang ako tatambay since may madadaanan naman akong canteen, bibili ako ng dalawang malaking chips at Coke! Wahahahaha! Food Trip ako neto!

.

.

Nakarating na ako sa Canteen, bibili muna ako dun.

"Ate isang Mr. Chips po at isang Piattos, yung malaki po, saka isang 500 mL na coke."

"Okay"

"Ate magkano po?"

"75 pesos po lahat"

Nagbigay ako ng 100. "Keep the change nalang po"

kinuha ko na yung pagkain ko,

Pagdating ko sa park, umupo ako sa may bandang likod na part nito para walang makakita sakin.

Yun ang akala ko, dahil biglang dumating si Steve, OO! Sya talaga! Naka-indian seat lang ako dito at tumabi sya sakin! waaaaaaaaaah!

"Daming pagkain ah" kinakausap ba nya talaga ako? Shems~!

"Haha! Wala kasi akong kasama eh, so naisipan kong mag-food trip nalang, gusto mo?" sabay abot ko ng Mr. Chips na kabubukas ko palang.....Nginitian lang nya ako at kumuha din dun....bale magkaharap kami ngayon, nakaka-kilig! Feeling ko nagde-date kami!

"Asan ba si Michelle?"

"Aaah. Umuwi na sya, may gagawin pa daw eh"

"Aaah. akala ko kasama mo."

Naging feeling natural lang ako, baka maging awkward eh.

"Tagal na kitang classmate noh?" kinakausap nanaman nya ako! Haaaaaay! Papatayin mo ba ako Christian Steve Fajardo na Mahal na mahal ko?

"Oo. at ngayon mo lang ako kinausap"

"Sorry Camille ha? Alam mo naman, sobra pagka-busy ko nun"

"Ano ka ba, okay na yun! Past na yun"

"Camille, panget ba ako?"HINDI! Pogi ka! Mr. Perfect ka nga ng buhay ko eh! Papatayin ko magsabing panget ka!

"Um, Hindi naman, bakit?"

"Kung di ako panget, bakit di nya ako mapansin? Bakit sa iba sya ata nakatingin, pag kinaka-usap ko sya, bakit parang di sya namumula o kinikilig?" ouch. ang sakit ng feeling na may mahal na iba ang mahal mo.

"Sino ba yun?" sabi ko nalang kahit di ko na talaga kaya.

"Sasabihin ko sayo pero secret lang ha? Friends naman na tayo eh" Friends kami? Friends kami ng crush ko? waaaaaaaah! Pero hanggang friend lang.

My Campus PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon