MCP-Chapter seven.

66 0 0

That same day.......

Camille POV

Papunta na kami ni Mitch sa classroom, infainess, nakinig sya sa mga kung ano-anong sinasabi ko tungkol sa k-pop. Di sya katulad ni Gelo, laging inaaway ang k-pop

I hate Gelo! Ihate him! Kahit anong may kinalaman sa kanya! Naiinis ako sa kagwapuhan nya, sa talino nya, at lalong lalo na sa ugali nya! Oo na. Gwapo na, Mr.Perfect na! Pero nakakairita talaga!

Nagiging mabait lang yan pagdating sa mga babaeng magaganda na may vital stats na 34-24-34!

Nagde-discuss lang yung prof namin pero lumilipad yung isip ko dahil naka tingin lang ako kay Steve, si Christian Steve Fajardo. Crush ko sya ^_^!

Bakit hindi? Ang bait na, gentleman pa, di lang masyadong gwapo pero okay na rin! At syempre di kumpleto ang buhay ng isang gwapo kung walang malandi na naka-cling sa kamay nya, sino pa? Si Megan Stacy S. Del Prado, pinsan ni Mitch na di sila close! Di rin nya boyfriend si steve, si Steve naman halatang napipilitan lang, Campus Girl kasi si Stacy eh, and the worse is....Nung nalaman ni Stacy na Accountancy ang course ni Steve, yun na rin daw ang course nya! Kahit dapat Tourism sya! Matalino rin naman sya actually, classmate ko na sila since highschool, since first year highschool. Natuwa nga ako nung tinanong ako ni Steve kung ano daw ang course ko, tinanong nya ako ng Graduation, first time nya akong kinausap nun! Well, except sa mga pagtatanong nya sa akin pag may assignment o project. Dun ko din nalaman na Accountancy din daw ang course nya, sa SEU din ako nag-aral nun!

Alam ng lahat na crush ni Stacy si Steve, at alam din ng marami na may ibang gusto si Steve....Ang swerte nun, natotorpe sa kanya ang crush ko.

Natigil ako sa pagde-daydream ko ng tawagin ako ni prof.Alex

"Ms. Mendoza! Answer the following at the board now!" sus, para namang di ko alam yan! Dali-dali eh. Patayo na ako at nag-hiyawan ang mga classmate ko.

"Sir! Kaya po ganyan si Camille ay dahil naka-tingin sya kay Steve!"

"O-M-G! Haha! Cams! Crush mo si steve?"

yan lang naman ang sinasabi nila, natuloy-tuloy nalang ako sa pagpunta sa harap at sinagutan ko na yung nasa board , pabalik na ako sa upuan ko, malapit na ako pero bumulong si Stacy

"What a flirt simple girl, Sorry ka nalang dahil sakin na si Steve Fajardo"

kanya? As if maloloko nya ako, nanahimik nalang akong papunta sa tabi ni Mitch. haaaaay.

Nagtuloy nalang din si sir sa pagdi-discuss, habang napatingin ako kay Steve na naka-tingin sa akin, Shems! Nakatingin sya! Naka-ngiti pa!

At nag-mouth sya saying, Wag mo pansinin si Stacy, I don't like her. ^_^

nag -okay sign nalang ako, pero kinikilig akoooo! Talagang kailangan nya pa sabihin sakin yun? Waaaaaaaah! Crush nya kaya ako? OMG! Masyado na akong feeler!

*kriiiiing!

Recess na! at nasa chair pa rin sila Stacy at Steve

"Babe, let's go na! Wala daw si Mrs. zamora, so it means wala tayong klase till lunch"

"Stacy, how many times I told you na hindi tayo! So please stop calling me BABE! It's embarassing!

"Whatever! Let's go!"

"I want to be alone Stacy! Stop flirting at me because I don't like you!" maluha-luha na si Stacy, tumakbo nalang sya palabas.

Ngayon lang sya napag-salitaan ni steve nun ah! Pero, di ako na-turn off sakanya.

My Campus PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!