Side ng Boys - #1

81 0 0

Marami pa rin ang lalake na kayang panindigan ang mga pangako na binitawan nila sa taong mahal nila, marami pa rin ang lalakeng handang ipaglaban at handang mag-antay makuha lang ang pagmamahal nilang inaasam. 

Minsan takot lang itong umamin, naghihintay ng tamang panahon para umamin na may gusto sila sa isang babae, hindi dahil sa torpe, kundi dahil alam nilang hindi pa ito ang tamang oras para sabihin nila ang kanilang nararamdaman. Napakahirap kasi sa isang babae na biglain siya ng isang lalake na wala man lang na kahit anong pundasyon.

Ganun din sa relasyon, kung sino sila nung nanligaw eh mas naging mainam pa sila nung pumasok sa relasyon. Dahil sa hindi na takot ang lalake magmahal ng sobra dahil sa inangkin na rin sila ng babae eh hindi na mahirap at may tiwala naman ang bawat isa sa nararamdaman nila.

Marami pa rin ang lalakeng handang magpatunay na hindi lahat ng lalake ay pare-pareho tulad ng sinasabi ng maraming kababaihan, mga babaeng patuloy na nakakaranas ng sakit sa pag-ibig na dulot ng lalake. Pero marami pa rin talaga ang handang mag patunay niyan. Kulang lang naman sa mga babaeng ito eh buksan muli ang puso nila at tanggapin na parte yun kapag nagmamahal ka. Na maari ka maging masaya o kaya naman eh masaktan.

A/N:

Vote.Fan.Comment.

-BabyDeeeee

xx

Side ng BoysBasahin ang storyang ito ng LIBRE!