Patuloy ang mabilis na kabog ng dibdib ko habang ako'y naglalakad patungo sa office ni Blaise.


Halo-halo na rin ang tumatakbo sa utak ko, parang gusto ko na lang mag-back out at tuluyan na lang na umalis dito, pero ayoko namang iwanan na lang ang lahat ng ganito.


Ayokong takbuhan ang problema lalo na't alam kong hindi pang habang buhay na magtatago ako sakanya. Ang gusto kong mangyari pagkatapos nito ay maging maayos na ang lahat, na kapag dumating ang araw na magkikita kaming muli kahit na may ganitong kalaking pangyayari sa buhay namin ay makukuha ko pa ring ngumiti sa harap niya.


Hindi ako hipokrita para i-deny sa sarili ko na mahal na mahal ko siya, pero hindi rin ako martir para magpakatangaa para sa sobrang pag-mamahal ko sakanya.


Siguro nga ito na yung araw at oras na kailangan naming maghiwalay. Lahat naman ng relasyon dumadaan sa break up di ba? Well ito na siguro yun, ang kaso nga lang hindi ko alam kung may second chance pa na darating sa pinto ng love story namin.


Masakit pero kailangan kong gawin, parte lang to ng buhay, at kung ano man ang magiging kinalabasan nito buong puso't kaluluwa ko 'tong tatanggapin, tulad ng pagtanggap ko sa sarili ko.


Hawak ko na ang door nob ng pinto ni Blaise, sobra pa rin ang kaba na nag-uumapaw sa dibdib ko.


Huminga ako ng malalim bago ko ito tuluyang buksan.



********


Nangangatog ang mga tuhod ko ng makita ko siyang nakatayong nakatalikod sa kin. Ang mga kamay niya ay nasa bulsa niya at wala siyang suot na blazer, tanging vest lang na lalong nagpapasexy sa tindig niya.


Humarap na siya sakin at parang ayoko ng gumalaw ng magtama ang paningin naming dalawa.


Seryoso ang mga mukha niya at parang puno ng galit ang mga mata niya.


"Have a seat Cindy."


He said formally at nakagat ko ang pang-ibabang labi ko para mawala kahit konte ang kabang kumakain sa kin. Lumapit na rin siya at sabay kaming umupo sa magkabilang tapat ng table niya.


Parang lalong uminit ang tensyon sa pagitan naming dalawa at bakit ba parang feeling ko ako lang ang nakakaramdam ng tensyon? Napaka-kalmado niya.


"Kamusta ang check up mo kahapon?"


Walang kahit anong halo ng pag-aalala ang boses niya. May kumirot nanaman sa loob ko dahil sa paraan niya ng panga-ngamusta sa kin.


"Sa bahay ka na uuwi ngayon? o wala ka na talagang balak bumalik sa kin?"


Kahit halatang labag sa loob niya ang mga sinasabi niya, hindi ba pwedeng mag-panggap siya ng parang totoo? Di ba dun naman siya magaling? Ang pekein ang pagpapadama ng pagmamahal niya sa kin? Bakit ngayon hindi niya magawa? Hindi na talaga siya ang Blaise na nakilala ko.

Play With Blaze [FINAL EDITION]Read this story for FREE!