Chapter 3

47.3K 686 32

CHAPTER 3

 

 

 

Kareeza’s POV

 

 

“Tetee? Girlfriend mo na ako?” Inirapan lang niya ako habang naglalakad papasok sa next class namin. May dalawang minor subjects kasi ako at kaklase ko siya kaya nga halos bumaha na ng panty at laway sa classroom e. Tahimik pa rin siya hanggang ngayon kaya mas lalo akong natawa.

Napatingin naman ang mga kaklase kong naglalaway dahil sa kanya. I mentally rolled my eyes. Dapat ako lang ang malande e. Tss.

“Psst! Bawala tumingin! Girlfriend here!” I hissed. Isa-isa namang nag-iwas ng tingin ang mga kaklase ko. Napangisi ako kasi hindi man lang kumontra si Nate.

Maya-maya pa, pumasok na si Miss M. Halos umabot na hanggang tuhod ang eyebags niya. Masyado siyang pumangit. Lol.

“Hi Miss M!” Tawag ko sa kanya. Malutong na nagmura ang manggang hilaw sa pagtawag ko. Mas lalo kong nginisihan ang pang-iirap niya sakin.

“Karen ang pangalan ko! Bakit ba panay ang tawag mo sakin ng Miss M?!” Singhal niya sakin. Tumahimik naman ang mga kaklase ko.

Humagalpak lang ako ng tawa. Halos umusok na kasi ang mukha niya sa inis.

“M stands for Mango. Wala bang nakapagsabi sa’yo na hugis mangga ka?” Tumikhim naman si Nate sa gilid pero hindi ko nayun pinansin. Tumawa lang ako ng tumawa.

“Ganyan ka ba talaga? Is it pleasurable for you to hurt someone?” Napatigil ako sa pagtawa dahil sa sinabi ni Nate sakin. Walang emosyon ang mukha niya. Kahit hindi siya nakaharap sakin, alam kong para sa akin ang linyang ‘yon.

Bigla akong nainis sa asta niya. Tsk! Oo nga naman. I totally forgot. HE’S THE GREAT SSG PRESIDENT IN THIS STUPID UNIVERSITY.

Natahimik rin ang buong klase dahil sa sinabi niya sakin. Bakit ‘pag sa ibang tao hindi ako nasasaktan? Simple lang naman ang sinabi niya, malayong-malayo lang yun sa mga panghuhusgang natatanggap ko sa iba. Kung tutuusin, wala lang ‘yong sinabi niya. Pero hindi ko maipagkakaila na nasaktan ako. Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-komento siya sa ugali ko pero bakit masakit parin? It’s unbearable. Tagos sa buto, lagpas sa kaluluwa.

“Buti nga.” Pabulong na sabi ni Karen pero dinig na dinig ko ‘yon.

Sa unang pagkakataon, nainsulto ako.

TAHIMIK lang ako buong araw. Ni hindi ko nga masyadong nakakausap si Mica dahil parin sa commotion na nangyari kanina.

Bribing Mr. PresidentBasahin ang storyang ito ng LIBRE!