Chapter Five

556 15 2

“Try mo kayang hawakan at pindutin yang answer button sa phone mo kaysa titigan mo nalang yan habang tumutunog?!” sabi ni Joyce sa kaibigan niyang si Elmo.

“oo nga pare, kausapin mo na si Julie. Alam naming nasaktan ka pero ang pakipot mo eh, parang ikaw yung babae” natatawang sambit ni Kris. Siniko naman agad siya ni Joyce.

“not funny, kris”

Si Kris ay isang doktor sa mata habang ang nobya niyang si Joyce ay isang doctor sa utak. Pareho silang kaibigan ni Elmo.

Nasa Eastwood sila ngayon, sa resto ni Elmo.

“ano, ikaw ang sasagot o ako ang sasagot diyan sa tawag? Ang sakit na sa tenga eh!” naiiritang tugon ni Joyce. Magsa-sampung minuto na kasi itong nagri-ring.

“just ignore it!”

“how can I ignore that eh ang ingay nga?” kinuha ni Joyce ang phone ni Elmo na nakalapag sa mesa, “sasagutin ko na to”

“no. Joyce… no. Give me back my phone!” nag-agawan sila,

“ang kulit niyong dalawa” irap naman ni Kris sabay subo ng muffin sa bibig.

“aish.. sasagutin ko na talaga to para tapos na ang problema” akma sanang pipindutin ni Joyce ang answer button ng bigla naman itong huminto sa pagring, “ayan tuloy tumigil na sa pagring.. di mo pa kasi sinagot!!”

“Joyce, akin na nga yan!” hinablot ni Elmo ang phone niya.

“ayan! Kainin mo. Nakakainis ka na ah. Pakipot!” Joyce

“ano na pare, tutunganga nalang tayo dito? Day off pa naman namin ni Joyce tapos magtitinginan lang tayo dito?” Kris

“pare..” Elmo

“oh?” Kris

“tingin mo, kami na ba talaga ang magkakatuluyan ni Julie?” he placed his hands inside his pocket at sumandal sa kinakaupuan niya.

“anong klaseng tanong ba yan, pare? Haha syempre, magtatagal ba kayo kung hindi?”

“pero bakit nagkaganito na ngayon? I mean, bakit ba parang ang labo na ng lahat? Sila na nga lagi magkasama ni Alden tapos nag confess pa ang loko..”

“ang sabihin mo moe, selos ka lang. mas gwapo pa yun sayo” tumawa si Kris at Joyce

“excuse me, mas gwapo pa ako dun. Isa pa, kung pinagpatuloy ko lang  yung pagmo-modelo ko, walang binatbat yun sa akin. ”

“insecure na, bitter pa. Nakakatawa ka moe, lamon na lamon ka ng insecurities mo ah?” natawa na naman ang magnobyo.

“maraming salamat talaga ah.. ang laking tulong niyo” he sarcastically said

“our pleasure” Joyce and Kris said in unison.

“HE’S not answering my calls!” binagsak ni Julie ang phone niya sa mesa

“edi ulitin mo na naman!”

“eh, hindi nga sinasagot diba?” inis na pinahid ni Julie ang luha niya

“give up agad? Ulitin mo na kasi tapos mag sorry ka”

“maq, alam mo namang hindi ako gumi-give up agad pero 3 weeks na ang lumipas. Ayaw niya talaga!!”

“i-text mo. Takutin mo.”

“baliw ka ba?”

“ay, ako pa tong baliw? Hello, kayo ni emong ang mga baliw.. liit-liit ng problema, pinapalaki?!” she licked her cookies and cream flavored ice cream.

“eh, alam mo naman iyon si Elmo diba?”

“ewan ko sa inyo.. nakakastress kayo” she paused, “text mo na!”

“ano sasabihin ko?”

“tell him na you want to make amends with him..na gusto mo na siyang makita..na iyon nga, magkita na kayo” tinext agad ni Julie ang nobyo

Her message: Moe, please let’s talk. Ayusin na natin to. Miss na kita baby!

“I already sent my message.. sana he’ll reply”

“sana nga. Pagod narin kasi ako kaka-kinig sa mga sintemyento mo. Buti nalang talaga’t may kapalit. Hehe!”

“ang sama mong kaibigan. Alam ko rin naman na you’re after with my fridge stock,.ang tamad mo kasing mag grocery –“

“oo na, oo na. Pero seryoso this time Juls, I hope everything will be fine. I wanna see you smile again.. yung smile na totoo” she tapped her bff’s shoulder, “ayusin niyo na yan ah. I don’t like seeing you with other guy. Si Julie ay kay Elmo lang. Si Elmo ay kay Julie lang. You hear me? Mas bet ko talaga si Magalona for you.. kahit na inaaway ako nun” Julie smiled.

Matino din naman palang kausap itong si Maqui. 

“ I promise. Si Elmo ay kay Julie lang. Si Julie ay kay Elmo lang!”

“good to hear” they both smiled. Bigla namang tumunog ang phone ni Julie.

The message says: Meet me at the coffee shop. May importante akong sasabihin sayo. Last na talaga to, Juls. Promise – A

“oh anong sabi? Si emong na ba yan?”

“maq, I gotta go” she picked her bag, “ikaw muna bahala dito sa bahay”

“where are you going?”

“starbucks. Alis na ako” bumeso siya sa bff niya, “bye”

“TINEXT ka? Sige na, puntahan mo na siya. Talk things over” Joyce

“as in now na?” tanong ni Elmo.

“next year, moe. Shunga lang? ngayon na!” Kris.

“eh di ko naman alam kung nasan siya!”

“ano ba kwenta ng cellphone? I-text mo. Nilamon na ba pati yang utak mo, moe? Gusto mo i-check ko na yan? Nakakainis ka na talaga ah”

“lowbat ako eh,” he sighed at bigla siyang tumayo, “I gotta go and get her back.”

“better. Now, go!” taboy ni Joyce sa kanya

“ayusin mo yang gusot mo, pare. Good luck!” Kris. Tumango si Elmo at mabilis na umalis sa lugar na iyon.

Nang makarating siya sa bahay ni Julie, pumasok na siya agad gamit ang duplicate key niya. Di na siya nag-atubiling mag doorbell pa. He wants to see her na. He missed her.

“Julie?!” tawag ni Elmo kay Julie. Nasa sala siya ngayon pero walang Julie doon. Sa kwarto, wala. Sa kusina, wala. Sa garden, sa pool, wala. Nang pumunta siya sa theater room, may naaninag siyang tao, “Julie?!....Maq?!” gulat na sambit ni Elmo. Nakita niya kasi itong nanonood ng Warm Bodies habang kumakain ng popcorn, “what are you doing here? Where’s Julie?”

“Julie? I thought magkasama kayo. Umalis yun eh, 30 minutes ago”

“nabanggit niya ba kung saan?”

“sa starbucks ata..”

“thanks maq. I got it” kumaripas agad ito ng takbo.

“hoy teka..” kinamot niya ang ulo niya, “labo niyong dalawa kahit kelan. Tsk. Makanuod na nga lang.”

Sorry to keep you guys waiting. Naging busy lang sa school. Andaming requirements and alis ako ng alis sa bahay.. nakakapag internet lang ako pag 10pm up to 12am tapos busy rin kakapost ng throwback JULIELMO pics sa twitter. HAHAHA Sorry ulit. Hope you'll like this one. Don't forget to VOTE and COMMENT. Thanks, means a lot! :)

Caught In BetweenBasahin ang storyang ito ng LIBRE!