Stephen's POV

                                                           I never thought it'll come to this point.

                                    It's actually a mixed emotions.

                           Katabi ko si Charles, oo best friends na kami ngayon. Nagkapaliwanagan na din kami sa mga nangyari sa mga buhay buhay namin. Sinabi nya kung gaano ka-proud si KY na ako yung boyfriend nya. Kung gaano nya ako kamahal.

                       Sana nalaman ko lahat ng 'to bago pa nagbago ang lahat. Sana hindi kagad ako nag-isip ng kung anu-ano.

                                            Ilang buwan na din ang nagdaan.

                  Lumipas ang pasko, new year, na ganito. Na para bang may malaking parte sa pagkatao ko yung kulang, yung nawawala.

"Mr. Gonzales, pumasok na po tayo sa loob. Ganun din po kayo Mr. Bernardo." sabi ni Michelle.

"Bro. tara na." pag-aya ni Charles sa akin.

                         Nakatingin lang ako sa langit. Kung saan nakikita kong lumilipad ang mga lobong puti na kani-kanina'y pinakawalan ng mga taong naging saksi sa lahat. Nang mga taong hindi umalis sa tabi ko, sa tabi namin ni KY. Isa lang ang ibig sabihin ng mga lobong ito, malapit na sya, nandyan na sya.

                          Hindi ako sumagot kay Charles, pumasok ako sa loob ng simbahan.

                     Hindi ko maiwasang mapaluha. Nakita ko si Cyrus at Tito Cris. Parehong tinapik lang nila ako sa balikat ko.

                              Nakita kong dumating na ang isang karwaheng puting puti na nababalutan ng mga puting rosas. Kaya naman ang kanina'y mga nasalabas na tao, ay pumasok na rin sa loob ng simbahan.

                                           Tama kayo, sa loob ng simbahan.

"Okay Sir, positions po. Mr. and Mrs. Gonzales, mauuna po kayong lumakad. You'll wait for Stephen sa may gitna ng aisle."

                               Nagsimula ng tumugtog ang singers kinuha namin.

                  Nagsimula nang lumakad ang entourage. Hindi ko mapigilang balikan yung mga panahong pinagdaanan namin.

           Alam kong hindi namin mashadong naelaborate yung mga pinagdaanan namin, pero hindi ko alam kung okay ba ako, o masaya ba ako.

Oh, thinkin' about all our younger years

There was only you and me

We were young and wild and free

Now nothin' can take you away from me

We've been down that road before

But that's over now

You keep me comin' back for more

                Nagsimula kami sa mga batang ang gusto lang ay makapaglaro at magsaya. Nagkahiwalay at natagpuan muli ang isa't isa.

            Lumalakad na si Charles na bestman ko sa araw na 'to. Kung di dahil sa kanya, hindi siguro naging posible ang araw na 'to. Dahil sa kanya, dahil sa kanya, naging masaya ako.

Someday, We'll Know. (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!