"Hayaan mo syang mag-emo. Gusto nya 'yan eh!" sabi sakanya ni Lauren. Wala naman syang nagawa pa kung hindi sumunod. Ano pa bang magagawa nya?

   Samantalang si Margaret naman ay pumunta sa isang lugar. Sa lugar kung saan nararamdaman nyang ligtas sya. Sa lugar kung saan malaya syang ibuhos ang kanyang nadarama. 

   Doon nya sana ibubuhos ang kanyang damdamin ngunit may naisip syang magandang ideya. Kinuha nya ang kanyang cell phone mula sa kanyang bulsa at ni-dial nya ang number ng kanyang kuya. Tatawagan nya ito para magpasundo.

   "Hello, Kuya? Kuya pasundo naman oh, pleeaasee?" medyo mangiyak-iyak na kumbinsi ni Margaret sa kanyang Kuya. Pero kahit anong pilit nyang magtunog masigla, hindi nya pa rin ito magawa. Dahil halatang-halata parin sa kanyang boses ang pagkalungkot. 

   "Oh, Margaret? Umiiyak ka nanaman?" hindi mapakaniwalang tanong ng kanyang kuya mula sa kabilang linya. "Osya, sige. Tapusin ko lang 'tong inuutos saakin ni Mommy." 

   "Okay.. Bye!" halatang-halata na sakanyang boses na maiiyak na talaga sya. Nagpaalam na rin ang kanyang kuya sakanya bago ibaba ang kanyang telepono.

   Maya-maya naman ay sinundo na sya ng kanyang kuya. Kasama pa nito ang kanilang mommy. Napatayo kaagad sya sa gulat. Hindi nya kasi inaasahan na isasama ng kanyang kuya ang mommy nila. Ipinangako kasi ni Margaret na hinding-hindi na sya iiyak, ngunit hindi nya talaga ito mapigilan. 

   Tumakbo kaagad sya sa kanyang butihing ina at niyakap ito. Doon na lamang nya naibuhos ang mga luhang kanina pa gustong tumulo.

   "M-mommy? Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba si Kuya--?" pinutol na sya ng kanyang kuya mula sa pagsasalita.

   "Nagpumilit eh. Kakausapin nya daw si Mrs. Keith." sabat ng kanyang kuya.

   "Ano? Mommy, anong pag-uusapan nyo?" takang tanong ni Margaret sa kanyang mommy habang kumakalas sa kanyang yakap.

   "Basta. Stay here nalang muna, ha? Sasama ko muna 'tong kuya mo. Kita nalang tayo sa may parking lot, okay?" pinunasan pa ng kanyang mommy ang mga luhang nasa magkabilang pisngi nya. Tango nalang ang isinagot nya dito at umalis na din ang kanyang kuya't mommy papunta sa main office ng TSU.

   Naglakad-lakad muna si Margaret hanggang sa makaabot sya sa parking lot. Napagdesisyunan nya muna kasing mag-stay doon hangga't hindi bumabalik ang mga ito. Tutal, doon din naman sila magkikita.

   Umupo muna sya sa isang garter bandang labasan ng parking lot ng TSU. Hindi nya namalayan na tumutulo na naman ang kanyang mga luha. At idinaan nya nalang ito sa pagkanta.

   "Heto ka naman

Kumakatok sa aking pintuan

Muling naghahanap ng makakausap.."

   Hihikbi-hikbi pa si Margaret habang kumakanta. Ngunit ipinagpatuloy ang pagkanta.

   "At heto na naman ako

Nakikinig sa mga kwento mong paulit-ulit lang

Nagtitiis kahit nasasaktan.."

~~

   "If you wanna know, here it goes.

Gonna tell ya there’s a part of me that shows,

If we’re close, gonna let you see everything,

But remember that you asked for it.

I’m trying to do my best to impress,

But it’s easier to let you take a guess, at the rest,

But you wanna hear what lives in my brain, in my heart,

Well, you asked for it.

For your perusing,

At times confusing,

Slightly amusing…

Introducing me!"

   Todo kanta pa si Zander sa harapan ni Lauren. Samantalang si Melanie naman ay nawala ang mood at gusto pa atang mag-walk out din kagaya ng ginawa ni Margaret kanina. Ngunit wala naman syang maisip kung saan pwedeng pumunta kapag sya'y nag-walk out. Kaya tinitis muna nya ang panoorin silang tumugtog.

   Lunch break pa rin nila hanggang ngayon at nasa may cafeteria sila ngayon. Para bang nagmukhang mahaba ang break na ito para kay Melanie. Atat-atat na kasi itong pumasok at para tigilan na rin ni Zander ang pagkanta sa harapan ni Lauren. 

   Noong matapos sa pagkanta si Zander at sa pagtugtog sina Xavier at Javier, palakpakan naman ang lahat ng taong nasa paligid nila. Kahit si Lauren din ay pumalakpak din, sya lang ang hindi. 

   "Ahm, Lauren.. can I talk to you PRIVATELY?" idiniin pa ni Zander ang pagsabi ng huling salita. Alam kaagad nila Xavier at Javier na kasama sila sa pinariringgan ni Zander. Ngunit si Melanie naman ay hindi ata natamaan at hindi ata alam kung ano ang dapat na gawin. Kaya minabuti naman ni Javier na isama si Melanie sa kanila ni Xavier.

   "Hoy, ano ba? H'wag mo nga akong hahawakan!" sabay tanggal pa ni Melanie sa kamay ni Javier na nakakapit sakanya. Hinila kasi sya nito para makalayo kanila Zander at Lauren.

   "Ang sensitive mo naman!" reklamo pa ni Javier sakanya. Nainis naman lalo si Melanie dahil sa sinabi nito.

   "Aba't..!" aambahan nya sana ito ng suntok ngunit napatigil silang lahat noong marinig nila ang isang boses na kumakanta. Sa boses palang nito ay damang-dama mo na nasasaktan ito. "The who?" sinundan pa ni Melanie kung saan nanggagaling ang boses. Ngunit naunahan na sya ni Xavier.

   "Kung ako na lang sana ang iyong minahal

Di ka na muling mag-iisa

Kung ako na lang sana ang iyong minahal

Di ka na muling luluha pa..!"

   Nasa pinaka-mataas na nota na si Margaret. At tila mas mataas pa ata ang kanyang boses kaysa sa nota. Damang-dama naman kaagad nila Xavier, Melanie, at Javier ang kanyang boses. Parang pinaghalo-halo itong kalungkutan at kasiyahan. Ngunit mas nangingibabaw ang kalungkutan.

 "Kung ako na lang sana, Margaret. Kung ako nalang sana.."

Gotta Be You // KathQuenBasahin ang storyang ito ng LIBRE!