For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

   "Sigurado ka dyan, Zander?" tanong ni Xavier kay Zander. Naghahanda kasi ito para sa gagawin nya mamaya sa tapat ng bahay nila Lauren.

   "Oo naman! Hindi ako kagaya ninyo.. mga torpe!" nang-aasar na sagot ni Zander sakanya.

   "Good luck nalang. Basta kami ni Xavier," inakbayan muna ni Javier si Xavier bago ipagpatuloy ang kanyang sasabihin, "labas dyan sa plano mo!" sabay lakad palayo ng dalawa kay Zander.

   "Kung ayaw nyo, eh di wag! Nandoon kaya sina Margaret at Melanie!" medyo malakas pang sabi ni Zander sakanila. Bigla namang bumalik sina Xavier at Javier sakanya. 

   "Talaga? Nandoon sila? Sige, sama na kami!" tila excited pa sina Javier at Xavier para sa gagawin ni Zander. 

   "Sasama din pala kayo eh.." tatawa-tawa pang sabi ni Zander sakanila. May namuo namang bright idea sa kanyang isip.. "Tutal sasama din naman kayo, bakit hindi nalang mamayang lunch?" naka-ngiti pang sabi ni Zander sakanila.

   "ANO?!" hindi mapakaniwalang tanong ng dalawa sakanya.

   "Op, oppss.. pumayag na kayo. Wala nang atrasan 'yun!" naisahang sagot sakanila ni Zander.

   "Kainis, naisahan tayo!" sabi pa ni Javier noong makaalis na si Zander sa harapan nila. Iiling-iling nalang si Xavier.

~~

   "Excuse me, excuse me.. Makikiraan.." pasintabi nila Margaret, Melanie, at Lauren sa mga nagkukumpulang tao sa harap ng practice room. Nagsisiksikan kasi ito sa medyo kalakihang bintana ng practice romm para lang makasilip sa loob. Pinadaan naman sila ng mga ito kaagad. Nang malapit at nakasilip na sila sa bintana, nakita nila ang RB na nagpra-practice sa loob.

   "May prod ba tayo? Wala pa namang sinasabi si Ate Jhaz ah?" tanong ni Melanie sa dalawang kasama.

   "Malay ko ba.." sagot sakanya ni Lauren. 

   Nang walang ano-ano ay pumunta si Margaret sa harap ng pinto nito at binuksan ito bigla.

   "I like really cool guitars and superheroes

And checks with lots of zeroes on them

I love the sound of violins and making someone smile--"

   Naputol mula sa pagkanta ang RB nang magsalita si Margaret.

   "'Introducing Me' by Nick Jonas? How marvelous." nangangasar pang ngumiti si Margaret, "Maganda talaga 'yun kapag wala kami, hindi ba?" 

   "Meg--" naputol si Xavier mula sa pagsasalita dahil kay Margaret.

   "Meg? Sino 'yon? Oh, I got it, may girlfriend ka na pala. Pakilala mo sya saakin, huh? Pag may time.." 

   "Margaret!" tawag ni Lauren at Melanie sakanya. "Ano ka ba?" madiing bulong ni Lauren sakanya.

   Napansin naman kaagad ni Melanie na mangiyak-iyak na si Margaret. At higit pa dun, nakikipaglaban pa ito ng tingin kay Xavier.

   "Arggh!" Nang walang ano-ano ay biglang nag-walk out si Margaret. Palayo sakanila. 

   "Margaret!" tawag ni Xavier sakanya at akmang susundan pa sana ito, ngunit pinigilan sya nila Melanie at Lauren.

Gotta Be You // KathQuenBasahin ang storyang ito ng LIBRE!