Chapter 11

23 0 0

Chapter 10

The Date

[Hazel’s POV]

Nakarating na rin kami sa boarding house. Lagpak agad ako sa sofa. Hayy. Kapagod! Nakaubos ng energy ang mag-power cheer kay BF! Jeez!

“Hoy best?! Umamin ka. May something na ba ulit sa inyo ni Ethan??”

Nanlaki naman yung mga mata ko sa sinabi ni Iya! Hala?? May ganun agad??

“Timang! Wala ah! Hinatid niya lang talaga ako kanina best! Ayaw ko pa nga pumayag eh kaso di ko rin gustong mamiss yung laban ni Dave.” Pagrarason ko. “At isa pa best, paraan ko na din to para makabawi sa lokong yon! If you only saw the look on his face kanina, HAH! Grabe best. Di maipinta!”

“Hmmmmmmmm..” She gave me this skeptical look.

“What??”

“Sama mo!”

“Wala naman ‘yon best eh. Kulang pa nga ‘yon sa sakit na ginawa niya. Isa pa, way ko na din to para maitaboy siya. Pag nasaktan ko na siya ng sobra, susuko din yon and lalayo na siya.”

“SIGE. Magrason ka pa! Eh paano kung ligawan ka niya ulit best? Wala na ba talaga?”

Whaaaaaah?? Ano to te? Hotseat?! Kakarating pa lang natin ng bhaus, hotseat agad? Tss. Pero infairness napa-isip ako dun. Hmmmm.. Mahal ko si Dave. Mahal na mahal. At ang tanging nararamdaman ko na lang kay Ethan is pain... Pain sa pag-iwan niya sakin...  Pain mula sa pagpapa-asa niya. Wala nang iba.

“Siyempre wala na best. Love ko si Dave eh. Hatred na lang siguro yung natira para kay Ethan dahil sa sakit na dinulot niya.”

“Nagloading ka pa. Sure ka ba dyan? Pano kung isang araw, mawala na yung hatred mo kay Ethan and maghilom na yung sakit na nararamdaman mo?”

Bakit ba ganito yung best friend ko! Pinapahirapan niya ko. -_-

Napa-iling na lang ako. “Kung mangyari man yon, friendship na lang ma-i-offer ko sa kanya.”

Napabugtong hininga naman si Iya. “Kung yan ang sa tingin mo best.” Tapos dinukot niya yung phone niya mula sa pouch at inabot sakin.

“Eto, text mo si knight-in-shining-armor mo kaninang naghatid sayo. Mag-thank you ka naman.”

Kinuha ko yung phone niya. May point nga naman siya. Kahit papano nakatulong pa rin siya sakin this day. Pero, ano kaya sasabihin ko.. Hmm.. I started typing.

Thank you pala kanina.

-Hazel Grace

Tama na siguro yun. Magreply kaya ‘to?? Hmm. Bahala siya kung hindi. Pakialam ko ba. Then tumayo na ko para magshower. May date pa kami mamaya ni Dave eh. XD

After 15 minutes yata, chineck ko na ulit yung phone ko. May text. Yung isa galing kay Dave, yung isa naman kay Ethan.

Welcome.  Anything for you.:)

Tss. Di ko expect na magrereply tong kumag na to ah.

“Uyy best! Ngiti-ngiti ka diyan. Magbihis ka na. 6:30 na oh. Baka maabutan ka pa ni Dave na nakatwalya!”

Nakangiti ba ko?? Hala?? Si Iya talaga gawa-gawa ng kwento! >_<

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

LOVE ME AGAINBasahin ang storyang ito ng LIBRE!