Chapter 10

20 0 0

Basketball game

[Hazel’s POV]

Today is Wednesday! And today, may game ang hon ko! Haha! Natandaan ko no?? Tsk tsk! Nagmemory plus yata ‘to! Hehe. Joke lang, pina-alala sakin ni Dave. Tsaka paano ko hindi matatandaan eh pinag-uusapan din ng buong school.

Kaso, bago ako bumalandra sa court at mag-power cheer sa Papa Dave ko, dapat ko muna harapin ang post-test ko! Yeah! May post test pa kami. Waaaaah! Kaya ko ‘to!

Number  21........A.....

Number 22.....hmm......C...........

Number 23...................A!

Medyo mas mabilis ang pagsagot ko ngayon, siyempre excited manood ng game pero siyempre di ko naman pinaswertehan! Mataas naman ang score ko! 40 out of 50! Hahahahaha. Inspired eh! ;D

Aalis na sana kami ni Iya nang makasalubong namin si Sir Santos.

“Ms. Vargas?”

Napatigil naman kami pareho. “B-bakit sir?”

“Can you please drop by my office before you go? May sasabihin lang ako.”

Jeez! Bakit ngayon pa?! I checked my watch. 2:00 hmm.. 3 pm pa naman magstastart yung game ni Hon.

“Ok sir.”

Then nagpatuloy na kami ni Iya. “Best, hintayin ba kita?”

“hmm.. Wag na lang best. Una ka na lang sa venue. Reserve mo ko ng seat. Hahabol na lang ako. Mabilis lang naman siguro to eh”

“Okay. Bilisan mo huh.”

Dumiretso na tapos ako sa office ni sir kaso may kausap pa siya sabi nung secretary.

15 minutes na ang nakalipas. 5 minutes... 10 minutes...

Chineck ko yung watch ko. 2:40 na!! Di na ko mapalagay sa upuan ko. I guess napansin na din nung secretary niya.

Pagpasensyahan mo na huh. May parent kasing dumating kanina. Patapos na rin siguro.”

I smiled. “Okay lang po.” Tss. Langyang Mr. Santos to! Pahamak!

5 minutes pa and ayon! Lumabas na din sila sa wakas!

“Ms. Vargas!”

 “Sir!” Then sumunod na ko.

Mabilis lang naman yung pinag-usapan namin. Yung tungkol sa reporting na icocontinue daw kahit na mag-absent siya for 2 days this week, tsaka binigay na din niya sakin yung handouts from last week’s discussion. Idistribute ko na lang daw.

Pagkasabi niyang okay na. Kumaripas na ko ng takbo papalabas ng office! Kailangan kong bilisan! Grrrrr. Time check! Waaaaaaaaahh! 2:50 na! Binilisan ko pa yung takbo ko kahit nakaheels. Jeez! Kailangan ko humabol!

Nakaabot na rin ako sa wakas sa gate ng hingal na hingal! Hassle! Bakit walang sasakyan. Hayh. Ka-irita! Naman kasi!

“Need a ride?”

Napalingon ako. Si Ethan nanaman, nasa motor niya! Bakit ba kung kalian ako badtrip, doon naman sumusulpot ang kumag na ‘to. Nananadya na ah!

“Hindi! Okay lang ako.”

He stared at me for at least 3 seconds bago pa siya magreact? Tss. Delayed reaction talaga ‘to kahit kailan.

“Sure ka? Matagal ka pa makakasakay nito. 3 o’ clock pa lang eh. Tsaka traffic din. Malalate ka sa pupuntahan mo.”

LOVE ME AGAINBasahin ang storyang ito ng LIBRE!