Chapter 9

21 0 0

Advice

[Ethan’s POV]

6 pm na ko nakauwi sa condo ko. Pagkahatid ko kasi kay Janine sa bahay nila, pina-stay muna ko ng mother niya don at syempre may konting interview portion ulit. Pinagbigyan ko rin naman tutal wala din naman akong gagawin dito sa condo ko buong maghapon. Inalok din ako ng mama ni Janine na magtrabaho sa restaurant nila. Simple lang naman gagawin ko, tutugtog lang tsaka kakanta. Alam kasi ni tita na may talent ako dun. Okay na din. At least may mapagkaka-abalahan and extra income!

Inopen ko yung laptop ko. Siyempre bubungad agad sakin yung picture namin ni Hazel Grace noong kami pa. Nasa roof-top kami nito ng isang building. Naka-akbay ako sa kanya habang siya nakayakap sakin. Na-alala ko pa nung nagtresspass kami dito. Nung una ayaw ni Hazel kasi daw baka mahuli kami nung guard pero siyempre, she can’t resist my charms, joke! Tapos nung nasa taas na kami, sinulat namin yung names naming dalawa sa isa sa mga dingding then we made a promise.

Plooooop.....

Nagmessage pala si ate. Tss. Panira! I’m having a moment! Haha. Joke lang.

Super Jilian: Baby boy! Kamusta?

Oo. Tama kayo ng basa! Baby boy nga. Ganyan talaga si ate eh. Masyadong pa-sweet. Minsan, ikaw na mismo ang ma-uumay!

Mr. Nobody: Ate naman! Malaki na ko. Stop calling me that!

Super Jilian: Eh ano ngayon?? Kahit gano ka pa katanda, you’re still my little brother! :p

Mr. Nobody: Whatever. Okay lang ako dito. Kamusta mo na lang ako kina mom at dad.

Super Jilian: Kamusta naman yung pinunta mo dyan?

Mr. Nobody: Ayos lang naman yung school. Pwede na rin.

Super Jilian: You know that I’m not referring to that.

Mr. Nobody: Yeah right. Sigh. -.-

Super Jilian: Oh? What happened? Nagkita na ba kayo?

Mr. Nobody: Yes.

Super Jilian: then??

Mr. Nobody: Mag-classmates kami... Wala... She’s mad at me. L

Super Jilian: O c’mmon! What do you expect Ej? Matutuwa siya sa ginawa mo? Tatakbo siya papunta sayo and Yayakapin ka niya? Don’t be a fool.

Mr. Nobody: Yeah. I know.

Super Jilian: Hmm... Sorry Ej. I’m just saying the truth. Tyaga-in mo na lang. Suyuin mo ulit! Lambing lang ang kailangan niyan, pasasaan pa’t mapapatawad ka din niya. I know Hazel, she’s a nice girl.

Mr. Nobody: There’s something else.

Super Jilian: What’s that?

Mr. Nobody: She’s got a new boy friend. Guess it’s too late for us now.

Super Jilian: Kasal na ba sila?

Mr. Nobody: Of course not ate pero

Super Jilian: Don’t give up on her!

Mr. Nobody: Ayaw ko naman makasira ng relasyon.

Super Jilian: Ej, I’m not saying na sumira ka ng relasyon, ang akin lang, kung mahal mo si Hazel, paglaban mo. Hindi yung susuko ka na lang basta-basta. Ayaw mo naman mawala siya di ba?

Mr. Nobody: You know naman ate yung sagot ko sa tanong mo. I don’t wanna lose her. She’s everything to me.

Super Jilian: Well fight for her.

Well fight for her. Well fight for her. Well fight for her.Fight for her. FIGHT FOR HER! Bigla na lang nag-rewind ng paulit-ulit yung huling sinabi ni ate Jilian sa utak ko. Parang sirang plaka. Pero may point siya. I love her and I must fight for her. If noon I wasn’t able to fight for her, ngayon di ko na ulit hahayaang mangyari yon. Especially now na alam ko na kung gaano kasaklap yung buhay ko ng wala siya. Tama. I won’t give up!

LOVE ME AGAINBasahin ang storyang ito ng LIBRE!