For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter 8

18 0 0

Maaga kaming nakarating sa school ni best. Luckily, walang may nagising ng late sa’min ngayon kahit na inabot na kami ng diyes oras ng gabi dahil sa tragic love story ko! I was about to go to our seat,

“Best! May nakakalimutan ka yata?” she was pointing at the back portion of the room, last row.

“Oh! Oo nga no.” Today we have our major subject kaya alphabetical ang seating arrangement. So I have no choice, babye muna ko kay best.

After 5 minutes nagsidatingan na din ang mga classmates ko, and maya-maya sumunod na din si Sir Olim.

“Good morning sir!” we all said in chorus.

“Good morning!”

Maya-maya dumating na din siya.

“Good morning, sir!” sabi niya habang hinihingal. Tss. Hanggang ngayon ba balak niya pa rin maging  Most Tardy Awardee.

Tinignan niya si Ethan from head to toe, necessary ba ‘yon? Then he started scanning his class record.

“So, you’re the transferee?”

“Yes. I’m Ethan James Lim, sir.”

“Okay, one of my policies in this class is to seat according to your surnames so I won’t have any troubles when I check your attendance. Hmm.. Pero, since late enrollee ka, just take the vacant seat on the last row. Now, your seat will be next to...”

Oh owwww! Parang di ko magugustuhan yung susunod na mangyayari.

“Ms. Vargas.”

PACKING TAPE!!!!!!!!! Bakit ganyan. Di pa ba sapat na mapunta kami sa iisang school at sa iisang section. Bakit kailangan pa namin maging seatmates?!

Iya and I exchanged looks. Alam niyo naman ang isa sa mga talents ng magbest friend di ba? Ang mag-usap using eye contact. I can see on her face ang pag-aalala. I bet she have sensed my frustration. Kung pwede lang ako lamunin ng lupa.

He then motioned towards my seat. Ako naman I just bowed my head accepting my defeat.

“Hi.”

I pretend like I haven’t heard him. Hindi na rin tapos siya sumagot.

Nagstart na mag discuss si sir. But I am not really feeling comfortable. Alam niyo yung feeling na may nagmamatyag sa’yo. Nilingon ko siya and I saw him staring at me. Umiling na lang ako at yumuko. 1 hour na ang nakalipas at sumasakit na ang leeg ko kakayuko. Three hours ‘tong klase and wala pang kalahati parang magkaka-stiff neck na ko!

I looked at him and di pa rin siya natitinag. Nakatitig pa rin.

Di na ko nakapagpigil! “Do you know that it is rude to stare?”

“Sorry, I can’t help it.” then he looked on his notebook.

I just rolled my eyes.

Walang pang 5 minutes ginawa na naman niya.

“Ano ba Ej? Nang-iinis ka ba?” binulong ko sa kanya pero alam ko he can sense that I am exasperated.

“Sorry”

“Mr. Lim and Ms. Vargas, would you like to share something?”

“Wala po sir.” We both said in unison.

“Well, stop talking. You’re disturbing the class.”

LOVE ME AGAINBasahin ang storyang ito ng LIBRE!