For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Between Lust and Love (2)

7.7K 62 5

“ Mas maganda kapa sa umaga Maria” bati sa akin ni  Robert isa sa mga kababata ko. Inis na inis yan si nanay sa kanya kasi palaging pumapapel. Luh.. hindi man nya sabihin ay alam kong gusto nya ako. Pero sorry sya wala pa sa isip ko yang boypren boypren nayan. Ang importante ngayon ay magkapera ako at makapag-aral.

“ Naku.. ikaw talaga magandang umaga din Rob ” bati ko sabay ngiti. Syempre mabait din naman ako. Alangan namang tarayan ko yung tao.

“ Bagong damit ah! Pinaghandaan talaga para sa piyesta? ” tanong nya habang sumasabay sa akin sa pag-lakad.

“ Luh? Di ah.. bigay lang to ni Donya Mildred kahapon. Eh wala akong maisuot na magara kaya eto sinuot ko na. Bagay ba? ”

Sabi ko na feel na feel ang pagsuot ng damit ko. Simple lang naman sya, Above the knee na Floral Pink na palda at simpleng puting blouse lang. Tulad ng suot ko kahapon, ang pinagkaiba lang ay halatang mamahalin ang damit ko ngayon. No wonder bigay talaga sa akin, hindi naman kasi namin afford ang pagbili ng mamahaling damit.

“ Naman! Kaya nga gusto kita eh “ sabi nya sabay kindat.  Syempre nag bibingi bingihan lang ako at patuloy sa paglakad.  

“ Maria Jowana!! “ intense na sigaw ni Mike best friend kong bading.

“ Oy bakla!  Nakalunok ka ng mega phone? Kay aga aga eh “  pano kay layo layo pa nya pero dinig na dinig ko ang sigaw nya. Huminga muna sya ng malalim.

“ Hiningal ka teh? Akala ko kabayo ka?”

“ Gaga! Ikaw kaya patakbuhin ng isang kilometro ewan ko lang kung gagana  ang pagka kabayo mo “ sabi nya sabay irap.

“ Di naman ako bakla ah! “ pagdedepensa ko.

“ Hindi nga, pero mukha kang kabayo “ ay ang taray ng lola mo! Paghambingin ba naman kami ng kabayo.

“ Luh.. eh parang magpapaka lalaki kana nga sa ganda kong to eh “

“ ASA ! “ sarap talaga kutusan ng bading nato .

“ Buti naman Mike.. kasi akin lang si Jowana “ sabi naman ni Robert sabay akmang aakbay sa akin.

“ Hep hep hep!! Jowana! Diba kakasabi ko lang sayo na huwang kang lalapit sa mga manyak ? Eh bat kasama mo na naman ang kutong lupang toh? “ sabi ni Mike sabay turo kay Robert.

“ Sobra ka naman Mike! Gentleman kaya ako “

“ Gentleman mo mukha mo! Hoy Robert lumayo layo ka nga kay Maria Jowana! Baka magahasa mo ng di oras ang best friend ko! ”  tapos ay pinaghahampas nya ng kamay nya si Robert.

“ Madami talaga ang naaakit sa MUKHANG KABAYO  kong ganda “ sabi ko sabay flip ng hair. Binigyan ko pa ng emphasis ang  MUKHANG KABAYO.. haha!

“ Feeling mo day! Halika na nga “ tapos ay hinatak na ako ni Mike palayo kay Robert.

“ Subukan mong lumapit sa amin magkaka lasog lasog ang katawan mo “ ma owtorodad na sabi ni Mike gamit ang masculine voice nya.

“ Ang hot mo talaga pag boses lalaki ka Mike “ sabi ko sabay cling sa arms nya.

“ Hoy bakla chupi nga! Pagkamalan pa tayong mag jowa eh. Mas maganda pa naman ako sayo “ sabi nya sabay irap.

“ Teka bat mo ba ako pinapalayo kay Robert? “ 

“ Sabi ng nanay mo ilayo kita sa mga lalaking may masamang balak sayo!. Naku Maria Jowana nakita mo ba kung pano makatitig sa malaki mong dibdib ang langyang iyon!! Halos lumuwa ang mata Jowana!!! “ galit na sigaw ni Mike sa akin.

Between Lust and LoveBasahin ang storyang ito ng LIBRE!