Chapter 7

19 0 0

TIME TRAVEL!

Ako yung taong malaki ang pagpapahalaga sa relasyon. Para sa’kin, ang pagboboyfriend, it isn’t just merely a relationship but a commitment. Sa 18 na taon kong nabubuhay sa mundong ‘to, dalawang lalaki pa lang inibig ko. Siyempre yung isa na don ay si Dave. And the other one, ang pinakaunang commitment ko, si Ethan.

Flashback.....

“Ehem. Nakita kita kahapon.” Nakangiti kong sabi kay kuya.

“NO WAY?!” sabi niya sakin with disbelief.

“You’re dating with... sino nga ba ‘yon kuya?”

“Baka namalikmata ka lang? Hehe.” Tanggi pa ‘to. Halata namang kinakabahan na siya.

“Aah. Gano’n ba? Sige, itatanong ko na lang kay ate Jenny if sino yung girl na kasama mo kahapon!” I said with an evil grin.

“Nooooo! Wait lang bunso. Baka pwede nating pag-usapan ‘to?”

Hahahhahahahaha! Nakakatuwa talaga pagtripan si kuya Christian. Mukhang kikita ako ngayong araw. Ang kuya ko kasi medyo playboy. Tss. Well, magawa natin? Gwapo eh. Crush ng bayan sa school nila. Pero hindi naman sa tinotolerate ko hah, pero hahahhahaha! Sige, tinotolerate ko nga! Sayang din kasi ang kita kapag bnablackmail ko siya eh.

“May gusto akong bilhin na CD. Yung sa paramore. Baka pwede mo naman bilhin ‘yon for me.” Sabi ko habang nagpupuppy eyes.

“Aaargh! Bakit mo ba ko ginaganito Hazel! Oh siya! Eto na! Just make sure na hindi ‘yon makakarating kay Jenny hah!” sabay hugot ng wallet at naghanap ng pera.

“hahahahhahaha! You’re the best Kuya! Kaya nga love kita eh! It’s nice doing business with you” sabi ko sabay kiss sa cheek.

“Get lost!” sabi niya habang nanlulumo.

200 pesos! Just enough for a new CD! Tuwang tuwa naman akong kumaripas sa CD store.

Yeah! Ano kaya bibilhin ko? Gotcha! BRAND NEW EYES!

Pumunta na ko sa counter, “I’m going to buy this one.”

Tinignan nung cashier ang CD ko. “Ma’am, baka gusto niyo pong kumuha pa ng isa. May promo kasi kami ngayon. BUY 1 take 1.”

Whoa! What a lucky day! I smiled then went back to the CD racks.

Bibilhin ko na lang din ‘tong THE FINAL RIOT. I was about to go when I saw the CD with the cute cover. Butterfly na pink in black background. Kinuha ko siya and I think about it.

“Paramore. Nice choice. But if I were you, I’d pick AWAKE. Yung ibang kanta rin kasi ng Paramore from their previous album, nilagay lang ulit diyan sa CD na hawak mo. You should try the other one. Maganda din ang songs ng nila.”

I looked at my side kung sino ang nagsasalita. I gave him this who-the-hell-are-you-look.

He just smiled. “You can thank me later.” Then umalis na siya papuntang counter para kunin ang binili niya.

Weird. Sino siya sa tingin niya. Mas magaling pa siya sa bumibili. Feeling-close lang? Pero infairness, gwapo niya huh. Ka-edad ko lang siguro ‘yon. Wait, I have to get back on my CD. So? Ano na? Hmm.

AWAKE by Secondhand Serenade

Hindi naman siguro masama makinig sa isang stranger na gwapo di ba? Isa pa, isang CD lang naman pinunta ko dito. Parang bonus ko na lang din ‘to...... Sige na nga! Ito na lang. 

LOVE ME AGAINBasahin ang storyang ito ng LIBRE!