Lost Laughter

161 12 6

Pinagmasdan ko ang bahay sa harap ko.

Ako nga pala si Lyric Ventura. Ipapakilala ko pa ba talaga ang sarili ko? 'Wag na. This isn't even my story.

Ano nga ba ulit yung pinagmamasdan ko? Walang iba kun'di...

Ang bahay ng lolo ko. It used to be full of life, pero ngayon?

Para na lang siyang katulad ko, walang buhay.

Alam niyo yung parang bigla na lang sa isang pitik, gumuho lahat?

Lahat ng pundasyon mo sa pagiging malakas... naglaho, nalindol, nasira.

Ano pa bang ibang term? Hay.

Mahirap. Sobra.

Nakakatawang isipin na kahit isang tao lang ang nawala sa'yo, napakalaki pa rin ng epekto.

Yung tipong, nung nawala siya pati sarili mo, hindi mo na rin mahanap? Nawala na din.

Have you ever felt that feeling?

It's been almost 2 years since he left. But everytime I wake up, it still can't sync into me na wala na siya.

Wala na yung taong mas mahal ko pa kesa sa sarili ko. Yung taong nagpahalaga sakin na parang prinsesa ako.

It's depressing. Most especially because it's always supposed to be happy. Isn't it because it's Christmas?

But I couldn't find myself smiling.

Kasi wala na yung lolo ko.

I remembered when I was still little. He used to play with me, to dance with me, to be my bestfriend, my doctor, my hero...

Tuwing lumalabas kami sa bahay, palagi kaming naghahabulan at nagkikilitian.

Kapag naman nasa loob na ng bahay, si lola, papatugtugin yung maliit na player tsaka kami sasayaw ni lolo ng kung anu-ano.

Kapag naman umiiyak ako, he'd always find a way how to make me happy.

Kapag nasugatan ako, hihipan niya tsaka niya ako icocomfort. He would carry me and tell me everything's going to be fine.

Kapag naman pasko, lagi siyang magsusuot ng puting balbas at pulang suit, tapos magkukunwari siyang si Santa Claus para sumaya ako.

And every time I fall or slip, he tells me to get up because there's so much more in this world rather than falling and failing because I gave up on getting up and succeeding.

He was and still is the most loving person you'll ever meet.

Pero paano ba siya nawala sa akin? Bakit?

I remembered exactly two years ago.

He had been too strong for his family, but then too weak to fight for his life...

F L A S H B A C K

Tumakbo ako pababa ng kwarto ko. Nagpuyat kasi ako kagabi at nalate na 'ko ng gising, baka wala pa akong makasabay sa breakfast.

Ayoko ngang mag-isa!

Nadatnan ko silang nakabihis lahat.

"Saan punta niyo, insan?" tanong ko sa pinsan ko.

"Sa ospital. Bakit? 'Di ka ba sasama? Bakit nakapangtulog ka pa?" tanong niya.

Ano bang meron?

"Nalate akong gising e. Bakit? Anyare? 3 days before Christmas, ospital?"

"Nasa ospital si lolo, Lyric," sabi niya.

Team HumbleBasahin ang storyang ito ng LIBRE!