Chapter 6

19 0 0

Confession

[Hazel’s POV]

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Huminga ako ng malalim sabay takip ng unan sa mukha. Okay na ko eh. Masaya na buhay ko. Bakit kailangan mo pa bumalik Ethan James!

You and me playing.....

Pagtingin ko sa phone, si Dave, tumatawag.

Hon! Where are you? Akala ko ba babalik ka at hihintayin mo matapos yung practice namin?

“Hon, sorry umuwi na ko. Ang sama kasi ng pakiramdam ko.”

Hala! Bakit di mo agad sinabi? Sana hinatid na kita pauwi! Ano, okay ka na ba? Anong masakit? May lagnat ka?

Bakas sa boses niya ang pag-aalala.

“Hindi. Okay na ako hon. Don’t worry.”

Gusto mo pumunta ako diyan? Sandali, magpapaalam lang ako.

“No! No need. Ayos na ko marinig ko lang boses mo hon.” Hey. Ang cheesy ko naman. Lol! Pero totoo. His voice somewhat gives peace to my mind. Gumaan kahit papano ang pakiramdam ko.

I hear him smirk.

At naisipan mo pa bumanat, hon. Sige, pagaling ka hah. I miss you and I love you!

“I love you too, hon! Thank you. Mwah!”

And I heard the door screech.

I’M HOME!

Si Iya.

“HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!” Binuksan niya bigla yung door yung tipong mangugulat.

“Wow! Takot ako.”

“Ano ba yan! Basag trip ka din te.”

“Haha!”

“Nagdinner ka na best?”

“Di pa. Inaantay pa kita.”

Dumiretso na siya sa CR para magbihis. Haayy. Parang wala akong gana bumangon. Gumulong na lang ako at nagtakip ulit ng unan.

Pagkalabas niya, “Best?”

“Oh?”

Naramdaman kong Tumabi siya sa’kin.

“Oi.” Sabay sundot sa tagiliran ko.

“Ayy. Bakit?”

“You’re not telling me something.”

Tinaggal ko ang unan ko and tumingin sa kanya. She’s serious. I have no chance of getting away with this. Sa bagay, kailangan ko din yata ng masasabihan.

She raised her eyebrows. “Problema?”

I rolled my eyes. “all right, all right! Tama ka na. May problema ako.”

Umupo siya ng maayos. Waiting for me to confess everything to her.

“Remember the new guy?”

She raised her eyebrow, “Who? Ethan James Lim?”

“Yeah.” Then I looked away from her.

“What? Inaway ka ba n’on? Binastos ka ba ha?”

I sighed.

“Well... He’s actually my EX.”

LOVE ME AGAINBasahin ang storyang ito ng LIBRE!