Chapter 5

17 0 0

First conversation

Sa wakas. Natapos din ang class. 8 hours ko ding tiniis ang awkwardness na bumabalot sa room. Alam mo yung feeling na may masamang hanging bumabalot sa atmosphere, na parang kinocompress yung lungs mo. Ang hirap! Sobra! At least ngayon feeling ko nakahinga na ko ng maluwag. For the mean time.

Hindi ko ulit kasama si Iya ngayon. Practice kasi nila is two times a week, every Thursday at Friday. Kaya alone ang lola mo ngayon. Buti na rin to. Para makapag-unwind. Di pa rin nagsisink in ang mga pangyayari ngayong araw na ‘to. Kaw ba naman, bisitahin muli ng multo mo from the past, tignan natin kung di magulantang ang mundo mo.

Wait... kanina pa ko namromroblema rito pero di ko pa pala nasabi sa inyo kung bakit ganon na lamang ang reaksyon ko nung makita ko si Ethan James Lim. Siya... siya nga pala ang multo sa nakaraan kong gusto ko nang maglaho. Siya ang ala-alang gusto ko nang ibaon sa limot. Siya ang taong nagturo sa’kin na ang salitang FOREVER ay isang kabaliwan. In other words, EX ko po.

Booooooooooooooooogg!

Arrraaaaaaaaaaaay! Kakaemote ko, di ko namalayang may cord pala ng extension sa daan... : ( Napatid tuloy ako! Ang saaaaaaaaakiiiiiiit!

Hmmmm.....Buti na nga lang at medyo late na kaya wala nang classes at nagsi-uwian na halos ang lahat. Wala ring tao ngayon sa hallway.

“Aaaaarggghh! Wala na bang katapusan ang kamalasan ko sa araw na ‘to?! Asaaaaaaaaaar!!” Kung pwede lang ako maglaho na parang bula! Oh my god! Papatusin ko na. Naramdaman ko na medyo nangingilid na rin ang luha sa mga mata ko. I put both of my hands on my face. Di pa ko tumatayo. Ano ngayon, wala naman nang tao.

Breathe in... breathe out... breathe in... breathe out...

Naramdaman kong may pumupulot ng mga nabitawan kong libro pagkadapa ko.

“Di ka pa rin nagbabago. Still as clumsy as ever.”

Jeez. Not again.

Pagtingin ko, siya nga. Madali kong kinollect ung iba ko pang gamit na nagkalat sa sahig.

“Hazel Grace”

Ngayon ko lang ulit narinig ang pangalan ko straight from the mouth of this guy and still it has the same impact on me. No. Di pwede, before I let him say anything else, kinuha ko na agad ang mga libro kong hawak hawak niya at tumayo.

I forced a smile, “Thank you Ej. Oh, by the way, It was nice to see you again.” and I walked past him as fast as I can..... trying my best to keep my tears from falling.

[Ethan’s POV]

This is it. Wala nang atrasan ‘to. Ito ang sabi ko sa sarili ko bago ako pumasok ng room. It’s been four years since last time ko siyang nakita. Di ko nga lang alam kung paano ko siya haharapin.

“Good morning Mister? So you are the transferee?” sabi nung babaeng nag-aayos ng projector sa harapan. Malamang teacher ‘to.

“Yes, Ma’am.”                        

 “Come in. And please introduce yourself.”

Pumasok ako sa room. Marami rin sila. Mga 40 students siguro. I quickly scanned the room bago ako magumpisa magpakilala. Di ko alam kung ano na ang itsura niya. May nagbago kaya? Tapos bigla kong napansin yung expectant look ng teacher. Naiinip na yata sa sobrang tagal ko magpakilala.

“Good morning classmates. I’m Ethan James Lim. You can call me Ej.”

Ayon! Nakita ko na rin siya. Busy, may hinahanap sa bag. Pero kahit nakayuko, I can still identify her, ganoon siguro pag mahal mo, kahit anino niya pa lang makikila mo na. Actually hindi pa rin siya nagbabago, mas gumanda pa nga yata siya.

“Okay, you may now take your seat beside...”

Nakita ko how she quickly looked in front. Yung tipong bigla kang lilingon pag may narinig kang mali. Well, ako nga siguro ang mali. I guess I shouldn’t be here.

“Here! Here Mr. Pogi!” sabi ng isang student habang kumakaway.

“Okay. You make take your seat beside Mr. Fortuna”

I nod. Pero sa totoo lang medyo nadismaya ako. I wanted to sit beside her. Actually, from the moment pa lang na nakita ko siya, I wanna run straight to her, hug her, apologize to her but I tried to stop myself. I also saw the look in her face, her unreadable expression. Kaya naisip ko wag na lang. Dumiretso ako sa seat ko and I can’t stop looking at her. I also noticed na iniiwasan na niyang lumingon sa direksyon ko hanggang matapos ang class then she rushed to the door.

Hahabulin ko pa sana siya kaso sinimulan na ko interviewhin ng mga bago kong classmates. I can’t ignore them naman di ba? That’s rude. So hinayaan ko na lang muna siya. Isa pa, mukhang kailangan niyang mapag-isa.

The whole day passed in a blur. Puro class discussions at slides sa powerpoint. And kaming dalawa? Ganun pa din. Nasa iisang room man kami but it seems like we’re worlds apart. All I can do is to look at her from afar. Pagkatungtong ng orasan sa 5:30, lumabas na lahat ng estudyante sa room including her. Malamang, dismissal na eh.

Tiyempo ko nang sundan siya para makausap!

“Hi Ej! I was just wondering if I can have your number.” Sabay harang sakin nung maputing girl with the brown hair. If I’m not mistaken, she’s Eliza.

“Ako din Ej, guess we can be friends!”

 And there you have it! lumapit ung ibang mga classmates kong girls para humingi ng number. Hayy. Ano pa nga ba magagawa ko kundi ientertain sila? I’m not that snob. Parang ayaw nga talaga ng tadhanang makausap ko siya ngayon ah. Tss. Bad trip!

After 30 minutes, lumabas na ko ng dismayado. Malas! Pababa na ko sa hagdan papuntang parking lot nang makita ko si Hazel. Galing yata ng gym. Naisipan ko siyang sundan. Mukhang ang lalim ng iniisip ah. Baka ako? Hahahahaha! Assuming na kung assuming pero masama ba? Napadpad na kami sa hallway bandang portion ng mga lockers nang biglang...

Boooooooogg!

Nadapa siya. Whoa. Di pa rin siya nagbabago! Lapitin pa rin ng disgrasya. Nagtataka nga ko kung paano niya nasurvive ang 4 years ng wala pang baling buto.

Lumingon siya sa magkabilang gilid. Sinurvey yata kung may nakakita. Di niya napansing nasa likod niya lang ako.

“Aaaaarggghh! Wala na bang katapusan ang kamalasan ko sa araw na ‘to?! Asaaaaaaaaaar!!”

Ouch. Isa na yata ako sa kamalasang iyon. She covered her face with her hands. Di ko alam kung umiiyak siya, but I guess it’s my chance na makausap siya.

I started picking up her books that are scattered on the floor.

“Di ka pa rin nagbabago. Still as clumsy as ever.” Oops. Wrong choice of words. >__<

She stared at me. I gathered all my strength and said her name.

“Hazel Grace”

Anong sasabihin niya? Oh C’mmon! Please.

She smiled. Yung alam mong pilit. Siguro para sa iba mukhang normal pero pag kilalang kilala mo kasi ang tao, you can always sense that there’s something wrong in their smile.

Mabilis niyang kinuha lahat ng gamit niya at hinablot ang ilan pa niyang libro sa mga kamay ko.

“Thank you Ej. Oh, by the way, it was nice to see you again.”

Gusto ko pa siyang kausapin pero mabilis siyang naglakad papalayo sa’kin. Walang lingon-lingon. Gusto ko siyang habulin pero parang nakabaon ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.

Ano pa nga ba ang iexpect ko? Tatakbo siya papunta sa’kin at yayakapin ako matapos ko siya saktan at iwan. I’m such a fool. Ethan you’re an IDIOT.

LOVE ME AGAINBasahin ang storyang ito ng LIBRE!