Chapter 4

19 0 0

The new guy from the past

“Best! Bilisan mo naman! Malalate na tayo eh.” sigaw ni Iya habang tumatakbo paakyat ng hagdan.

“Eh kung binuhat mo kaya ako para mapabilis tayo!” sagot habang hinihingal. Hindi kasi ako sanay sa takbuhan. May asthma kasi ako. Madali rin ako mapagod. Weak na kung weak, maganda pa rin naman ako eh :p

“Spell ASA, best!” sabi niya habang hinihintay ako sa taas.

Kung bakit kasi sa dinami dami pa ng rooms eh dito pa sa third floor ng St. Theresa building nila naisipan ilagay kaming 3rd year. Araw-araw tuloy kaming nageexercise. Dyahe!

“Let... me... catch my... breath first!” sinabi ko habang nakahawak sa mga tuhod ko at hinahabol bawat paghinga ko.

Bigla naman akong hinila ni Iya. “Tara na kasi! Doon ka na magpahinga sa room, weakling!”

May pagkasadista din talaga ‘tong best friend ko eh! “Sino ba ang nalate gumising sa’ting dalawa hah?”

“Di mo rin kasi ako ginising!”

“Aargh! Kaya nga may alarm clock di ba?!”

Di rin nagtagal sa wakas nakarating na rin kami sa room.

Knock... knock...

“Good morning ma’am.” Sabi ko. Ako naman palagi ang spokesperson namin ni Iya eh.

“You’re almost late ladies.” Sabi ni Ms. Icalla.

“Sorry ma’am.” Sabi namin in chorus sabay punta sa seats namin.

Buti nga lang at nagaayos pa lang si ma’am ng cables sa projector niya. Swerte pa rin namin. Asan na ba yung ballpen ko?

Knock... knock...

Woah. May mas lalate pa pala sa amin. Haha! Di ko makita kung sino yun. Hindi kasi visible ung tao sa may pinto kapag nandito ka sa seat namin ni Iya. Nasa pinakacorner kasi kami ng classroom, 2nd row from the left. Asan na ba kasi ung pen! Favorite teacher ko pa naman si Ma’am Icalla kaya masipag ako magtake-down ng notes. :D

“Good morning.” Sabi nung tao sa may pinto.

 “Good morning Mister? So you are the transferee?”

Wait. Yung voice na yon. Narinig ko na yun eh.

 “Yes, Ma’am.”                       

Ayon! Gotcha. Nakita ko na ang ballpen ko. Hmm. Hey! Dito pala sa section namin ang transferee. Sabagay, dalawang sections lang naman kami ngayon. Either dito or sa kabila. San ko nga ba narinig yung voice na ‘yon?

“Come in. And please introduce yourself.”

“Good morning classmates. I’m Ethan James Lim. You can call me Ej.”

No way. Napalingon agad ako sa front, and I wasn’t wrong. Di ko alam if may nakapansin kung pano nanlaki yung mga mata ko. O.O

“Hey best, nabitawan mo yung ballpen mo.”

I was too busy to pay attention to what Iya has said. I can’t believe it. Bakit sa dinami-dami ng taong magiging classmate namin, siya pa? Bakit sa dinami daming lugar na magkikita kami ulit, dito pa. And actually bakit kailangan pa niya magpakita ulit sa’kin?

“Okay, you may now take your seat beside...”

“Here! Here Mr. Pogi!” sabi ni Venus habang kumakaway. Crush yata agad si Ethan.Nagtawanan naman ang buong class. Ang bilis talaga ng baklang to pagdating sa mga gwapo.

“Okay. You make take your seat beside Mr. Fortuna”

Nakita na rin niya yata ako. Pero tinitigan niya lang ako. Like we didn’t know each other. I automatically look at the other direction.

“Hey? You okay? Parang nakakita ka ng multo?” sabi ni Iya sabay abot ng pen ko. Nahulog ko na rin pala sa gulat ko.

“Huh? Yeah. Okay lang ako.”

“That new guy, ang gwapo niya!”

I forced a smile.

“I’m just wondering why he is staring at you.”

“What?”

“Yeah. Ever since he introduced himself.”

Tumingin ako kung saan siya nakaupo and yes. He is still looking at me. What’s his problem?

Umiling na lang ako. “Let’s just pay attention to Ma’am Icalla, best. Baka mapuna pa niya tayo.”

Lumipas ang ilang oras pero hindi ko natupad ang sinabi ko. I definitely can’t pay attention! No matter how I try. Parang may knot na nabubuo sa tyan ko. I really don’t feel comfortable. Not when he’s around.

“Okay. That would be all for today. Please prepare for a short quiz tomorrow.”

Whoa! Okay! Tapos na rin sa wakas! I quickly grab my things and went outside. Sinundan naman ako ni Iya.

“Huy! Wait lang best, Mang-antay ka naman!” Madali siyang tumakbo sa likod ko habang nilalagay ang notebook niya sa shoulder bag.

Di ko alam kung saan ako pupunta. Basta naglalakad lang ako dirediretso palayo sa room.

“Problema mo te?”

I put my hand on my forehead. “Wala. Masama lang pakiramdam ko.”

“Oh? Hala! Gusto mo umuwi na lang muna best? Hatid na lang kita. Maya pa namang 10:30 yung next class.”

Kung pwede nga lang umuwi na lang. Magtago. Maglaho. But I can’t do this for the rest of the semester. Not for the rest of the year. I have no choice but to deal with him.

Huminga muna ko ng malalim then I gave a weak smile. “hindi na kailangan. Tara, cafeteria na lang tayo.”

“Okay pero if hindi mo na kaya, sabi ka lang hah! Ayaw ko naman kaladkarin ka pauwi if sakaling magcollapse ka!”

“Okay lang. Okay lang ako.”

LOVE ME AGAINBasahin ang storyang ito ng LIBRE!