Chapter 3

64 1 0

[Medyo Rated SPG]

"Karah! Lumabas ka na. Malelate na tayo dun sa party!" agad akong kumilos pagkarinig ko ng sigaw ni Nadine. Pupunta kasi kami sa party ng isa sa mga naging kaibigan niya noong highschool. Ayaw ko namang sumama e pero pinilit nila ako. Kailangan ko din naman daw kasing lumabas paminsan-minsan nang hindi ako nagkukulong sa bahay namin.

Ako kasi yung tipo ng babae na gustong gusto yung amoy ng mga libro at naaliw sa mga nakasulat sa loob nito. Hindi ko din maintindihan yung sarili ko eh pero may kakaibang saya kasi akong nararamdaman sa tuwing nagbabasa ako lalo na't nakasulat doon yung mga kaisipan na hindi ko malabas gamit ang bibig ko. Na para bang ginawa yung librong yun na para talaga sa akin. Sa akin lang.

"Hay! Ang tagal mo ha!" agad na reklamo sa akin ni Quinn pagkababa ko galing kwarto. Nakasuot siya ng red fitted dress. Ang maigsi niyang buhok na hanggang balikat niya lang ay hinayaan niyang nakalugay.

"Ano bang bago dun Quinn? Pero hayaan mo na, mukhang pinaghandaan naman niya ang pag-aayos ngayong gabi. Sulit na rin ang paghihintay natin." Sabi ni Nadine na naka-dark blue na dress. Ang igsi sobra ng dress niya! Na para bang konting yuko niya lang doon ay makikita na ang lahat lahat sa kanya. Naka-pusod naman ang mahaba niyang buhok at nakakaloka ang pulang pula niyang labi.

"What? Bakit mo ako nginigisian? Pangit ba yung damit? Sabi ko naman kasi sa inyo hindi na lang ako sasama eh." reklamo ko sa kanila. Kanina pa kasi nila ako tinitignan mula ulo hanggang paa. Nakasuot ako ng isang black tube fitted dress. Regalo 'to sa akin ni Bea last christmas at first time ko lang ata 'to masusuot ngayon. Nilugay ko lang din yung mahaba at kulot kong buhok dahil una sa lahat, hindi ako marunong magpusod. Nahihirapan kasi ako.

"No Karah. Actually, you look stunning with that dress. Ang sexy mo naman pala girl eh!" tuwang tuwang sabi sa akin ni Nadine.Tumango naman si Quinn tanda ng kanyang pagsang-ayon.

"Thanks pero nakakaasiwa talagang tignan eh." hinihigit higit ko pa nga yung dress ko pababa eh. Eh bakit ba kasi ang igsi nitong dress na ito?

"Hay naku! Karah, tigilan mo nga yang ginagawa mo. Nagmumukha kang manang diyan kahit ang ganda ng dress mo. Sige ka, walang lalapit sayong lalaki mamaya." pananakot ni Quinn sa akin. 

Para namang matatakot ako.

"Hindi naman ako maghahanap ng lalaki dun eh. Pinilit nyo lang naman ako kaya ako sasama sa inyo." dipensa ko sa kanila habang pasakay na kami sa sasakyan.

Si Nadine ang magmamaneho sa amin. Sa likod ako samantalang si Quinn ang nasa tabi ni Nads. Kami nga lang palang tatlo ang magpaparty ngayon gabi. Si Gabbe ay may nauna na raw na lakad kaya hindi siya makakasama. Si Bea naman ay may date ng boyfriend niyang si Carl. Si Kath naman ay magrereview daw. Malapit na rin naman ang prelims kaya siguro mag-aaral na agad siya upang makasigurado.

Mabilis lang ang naging biyahe namin papuntang Poison - yung bar na pag gaganapan nung party. Sa labas pa lang ay kitang kita na at rinig na rinig ang kasiyahan at ingay ng mga tao.

"Okay! Let's go!" Agad kaming bumaba pagkasabi nun ni Nadine. Halatang excited na siya para sa party at ganun din naman si Quinn. Ako lang ata talaga ang naiilang dito eh. Ayoko kasi talaga ng sosyalan.

Hindi naman sa first time ko ito. Maraming beses na rin naman ako nakapunta sa mga ganitong klase ng kasiyahan pero kahit isa lang ata dun ay wala akong naalalang nagustuhan ko. Ayoko ng lasa ng alak, ayoko rin ng amoy ng sigarilyo, ayaw ko ng madilim na lugar at ayaw ko ng mga ingay ng mga tao dito.

Pagkapasok namin sa loob ay agad sumalubong sa amin si Jeanne, siya yung kaibigan ni Nadine na may party.

"Hi ladies!" agad niyang bati sa amin sabay beso kay Nadine.

"Anne! How are you? Ganda ng party mo! Ang daming tao ah? By the way, this is Quinn and Karah, mga best friend ko sila." pagpapakilala naman sa amin ni Nadine.

Dinala kami ni Jeanne sa isang sofa. Nagkukwentuhan lang sila ni Nadine dun samantalang ako ay nakaupo lang at inaantok na.

"Hey Karah. You should try this one." alok sa akin ni Jeanne. Napansin niya sigurong hindi ako umminom ng kahit ano sa inorder niya. Actually, uminom pala ako pero juice lang.

"O-okay. Thanks." sagot ko sa kanya a kumuha ng isa sa mga 'yon. Napangiwi ako ng malasahan ko yung inumin. Mapait ito sa una at humahagod sa lalamunan ko. Ni hindi ko alam kung ano ang pangalan ng inumin na ito pero ng lumaon ay nagugustuhan ko na rin ang lasa.

"Uy, hinay-hinay lang ha? Baka mapagalitan kami ng daddy mo kapag inuwi ka namin ng  lasing." napangiti ako ng mapait ng marinig ko yun kay Quinn. Daddy? Meron pa ba ako nun?

Limang taong gulang ako ng maghiwalay ang mga magulang ko. Lumaki ako sa puder ng aking ama pero kahit ganun ay hindi ko naman siya madalas makasama dahil masyado siyang busy sa trabaho niya at syempre sa mga babae niya. May-ari siya ng isang firm - ang Architectura. Naiintindihan ko naman na kailangan niyang tumutok sa kompanya lalo na't hindi lang naman sila nagmamanufacture dito sa Pilipinas kundi maski sa ibang bansa.

Ayos lang sana kung trabaho lang ang inaatupag niya kaya hindi niya ako naaasikaso. Pero hindi eh. Ibang babae ang inaatupag niya. Gabi-gabi iba't ibang babae ang dinadala niya sa bahay, iba't ibang babae ang pinakikilala niya sa akin. Hindi na lang ako nagsasalita, wala rin namang mangyayari eh. Kaya naman naging masaya ako ng binigyan ako ng condo ni mommy. Simula ng magkaroon ako ng sariling pad, dun na ako madalas magstay. Once a month na lang ako kung umuwi sa bahay ni Daddy. Umuuwi lang ako kung emergency katulad ngayon, dun ako nagbihis dahil di ko pa nadadala lahat ng gamit ko sa pad.

Si mom? She's cool. Feeling bagets pa rin naman siya. Nasa France siya eh kasama yung long-time boyfriend niya, si Tito Jan. Pastry chef si mommy kaya nung naka-ipon siya dun, nagtayo siya ng sarili niyang pastry shop.

Nalingat ako sa pag-iisip ng mapansin wala na palang laman yung baso ko. Tatayo sana ako ulit pero na-out of balance ako.

"You okay? Dahan dahan lang miss." sabi sa akin nung lalaki. Inalalayan niya ako tumayo ng ayos. Nagpasalamat naman ako pagkatapos nun. May tinanong pa siya sa akin pero hindi ko na maintindihan dahil na rin siguro wala na ako sa ulirat.

Hinanap ko sina Nads at Quinn pero hindi ko na sila mahanap.  Nauuhaw at pakiramdam ko ang init init kaya kumuha pa ako ng isa pang inumin. At di ko na naman namalayan nakarami na naman ako. Geez! Inaantok antok na din ako. Magpasundo na kaya ako sa driver namin sa bahay? Err. As if naman may choice pa ako eh iniwan na ata ako nung dalawang lukaret na yun.

"Ah!" / "Shit!" sabay naming sambit nung nakabangga ko nang papunta na akong comfort room.

"Gee! Sorry!" umupo ako para sana tulungan siyang tumayo. Pero imbis na maitayo ko siya, ako pa ang napaupo sa harapan niya. Tatayo na sana ako dahil hindi magandang tignan yung pwesto namin. Nasa pagitan ako ng hita niya! For pete's sake! Pero hinawakan niya lang ako sa balikat.

"A-ah! Teka lang kuya, tulungan na kitang tumayo." tinanggal ko yung kamay niya sa balikat ko at hinawakan siya sa may pulso niya. Pero hindi pa rin talaga siya nagpapigil. Hinaplos niya ang mukha ko gamit ang isa niyang kamay.

"You're beautiful." Napatigil ako dahil sa sinabi niya sa akin. Marami na ang nakapagsabi sa akin ng mga katagang iyan pero iba ang nararamdaman ko ngayon. Para bang may bigla akong naramdamang kuryente dahil sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nakikiliti ako na nahilab yung tiyan ko. Kinakabahan ako sa presensya niya.

Nakita kong nakatitig ang mapupungay niyang mata sa akin. Doon ko rin napansin ang magulo niyang buhok, ang mabango niyang amoy, ang matangos niyang ilong at ang mapupula at manipis niyang labi. Napalunok ako. Bakit parang hinihila ako nung labi niya? Napailing ako dahil sa naisip ko. Pero hindi eh! Para talagang magnet yung labi niya! Kaya bago pa man ako matukso na halikan ko ang parang diyos na ito sa kagwapuhan ay tumayo na ako.

Nakakailang hakbang pa lang ako pero agad ding may humigit sa akin at sinandal ako sa pader. Nakita kong ito pa rin yung nakabungo ko kanina. Itatanung ko sana kung may kailangan pa siya pero hindi ko na natuloy dahil naramdaman ko agad ang labi niya sa labi ko. Alam kong mali pero hindi ako makapalag. At sa gabing iyon, nagpaubaya ako sa isang lalaking ni hindi ko alam kung ano ang pangalan.

His Worst NightmareBasahin ang storyang ito ng LIBRE!