Chapter 2

29 0 0

Forever?                 

Parang lumipad lang ang oras at patapos na pala ang hapon ko. Di ko namalayang sa kakagawa ko ng signature ko sa likod ng notebook ko, tapos na pala magdiscuss si Ma’am Fuentes. Well, di naman siya talaga nagdiscuss. Nagbasa lang siya ng slides sa powerpoint niya kaya tinatamad na ko makinig. >.<

 Ang bad ko no? Well, don’t try this at school. Lol!

“Haze, mauna ka na lang umuwi. May practice pa kami eh.” paalam sa ‘kin ni Iya.

“Aah, okay. Ayaw mong hintayin kita?”

She smiled. “Huwag na best. You don’t have to worry.” Inabot niya tapos ang susi sa’kin. “Di ko sure if anong oras matatapos eh. Baka mainip ka lang.”

I sighed and sabay kuha ng susi. “Fine. Just don’t come home late, all right?”

“Sure. I’ll be back for dinner.” Then she waved goodbye.

Di ko pala nakwekwento sa inyo, kasama sa cheering squad ng school namin si Iya. She’s good, as in! She’s also skinny and flexible kaya madali siyang nakapasok. Magkasama kami sa boarding house since second semester ng first year. Madali lang kaming naging close kahit ngayong college lang kami nagkakilala. She’s the type of person naman na madaling pakisamahan. Mabilis ding napalagay ang loob ko sa kanya even if we have different personalities. She’s like a sister to me and I feel so lucky to have her.

Before heading to our boarding house, naisipan ko muna bumili ng ice cream. Para mabuhayan man lang ako. Feeling ko kasi nadrain ng buong hapong pagpirma sa notebook and boring lecture ung energy ko.

Before I took my first lick, bigla na lang may nagcover ng mga mata ko.

“Ibigay mo sakin yang ice cream mo.”

How could I forget that voice.

I giggled. “Ice cream lang? Kasi pati puso ko, handa kong ibigay sayo.”

Tumawa siya. Then he kissed my cheek. “ayaw ko na ng ice cream. I’d rather have the other one” he teases.

Si Dave Michael Delgado. Siya lang naman ang boy friend ko. Ang nagmamay-ari ngayon ng puso ko. Ang corny! Haha, pero kinikilig ako. ^_^ 22 months na kami. Yup! 2 buwan na lang and we’re going to celebrate our 2nd anniversary. He’s the person who saved my heart locked up by longingness and misery. He’s the guy who taught me again how to love.

“I thought may practice kayo?” I asked him. Basketball player kasi si Dave. Isa nga siya sa star player ng team. Gwapo? Malamang! May taste ako eh :D

He wrapped his arms around me. “Okay lang. Nagkita kasi kami ni Iya kanina gym and she told me na wala kang kasama pauwi so ihahatid na kita.” He explained.

I rolled my eyes. “Tss. You don’t have to do that. Balik ka na don. Lam mo namang may punishment pag nagabsent ka di ba?” I tried to convince him.

“Kaya ko tumakbo kahit 10 beses ng pabalik-balik sa court just for a chance to be with you.”

 I can’t keep myself from smiling.

“Huwag kang ngumiti, mas naiinlove ako.”

“Tama na nga. mas matamis ka pa yata sa ice cream ko. Diabetes ang abot ko nito.” Sabi ko sabay tanggal sa braso nya.

He then pinched my nose. “Okay lang, aalagaan naman kita eh.”

Kinilig naman ako. “Ako ang nurse dito no! Ako mag-aalaga sayo!”

“Tss. Swerte ko talaga!” inakbayan niya tapos ako. “Ginugutom ako. Tara, kain na lang tayo, hon.”

Pumunta kami sa restaurant na malimit naming puntahan, ang Gale’s kitchen. Kilala na nga kami ng may-ari dun eh. Dun kami unang nagkita ni Dave. Doon din ang first date, Doon ko din binigay sa kanya ang aking matamis na “oo”. It was like our own haven.

Pagkatapos naming kumain, hinatid na ko ni Dave sa boarding house namin. Habang naglalakad kami, bigla na lang ako tinanong ni Dave.

“Hon,”

“Oh? Bakit?”

“Naniniwala ka ba sa salitang FOREVER?”

Napatingin ako sa kanya.

“Bakit mo natanong?”

He looked at my eyes and said, “Because if FOREVER does exist, I wanna share it with you”

Umiling na lang siya at ngumiti. “Ano ba ‘tong mga sinasabi ko. Nagiging cheesy na naman ako.”

 “Okay lang hon.” Then I hugged him.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Minsan na kasi akong naniwala sa salitang FOREVER. I hoped. I believed. And I end up getting hurt. Now, di ko alam if kaya ko pang umasa.

Nakarating na din ako sa bahay. Pagkarating, nagshower na lang muna ako at nagbihis. Wala pa rin si Iya! Tnry ko siya tawagan pero walang nasagot. Tss. Sinubukan ko na lang muna magbasa ng libro ko. Wow! Sipag? Hahahaha. Nakokonsensya naman ako sa ginawa ko kanina eh. Baka naman sabihin nyo batugan akong estudyante. Pero, ang hirap magconcentrate. Binabagabag pa rin ako ng mga sinabi ni Dave kanina. Paano if sabihin niya ulit yon? Ano isasagot ko? Masasabi ko ba sa kanya na siya din ang gusto ko makasama forever, although deep inside me, I only see the word forever as a ONE BIG LIE?

LOVE ME AGAINBasahin ang storyang ito ng LIBRE!