“Tok! Tok! Tok!”

“Tok! Tok! Tok!”

Ano ba yun ang ingay? May taong natutulog dito sa loob, ang aga namang mambulabog. =_=

“Tok! Tok! Tok!”

Geez! Hindi talaga umalis.

Mula sa pagkalimpungatan, tumayo na ako at ipinampunas ang kamay ko sa mukha ko at malabarag na tinungo yung pinto.

Pagkabukas ko.

“Alas 9 na ah, hindi ka pa rin gising?” bungad ni Rex tas sumalisi na sa akin at pumasok sa loob ng bahay diretsong living area.

“Ang aga mong mambulabog, ano ba pinunta mo dito?” sabi ko na nakakunot ang noo. Nahihirapan pang mag-adapt ang mata ko sa sikat ng araw.

“Mag-ayos ka”, sabay tayo papuntang ref ko.  “Sama tayo sa mountain climbing nila pinsan”, sabay inom nung soda sa harapan ng nakabukas na ref.

“Papasok ka ba diyan sa loob? Kase kung hindi, isara mo! Nag-aaksaya ka ng kuryente”, sigaw ko sa kanya.

Ayun sinara niya na at bumalik ulit sa living area.

“So pre, ano na? Sama ka ba? Masaya yun. Aapat lang naman silang pinsan tas kasama yung ibang sorority girls ng University nila”, he prompted me.

“Kailan ba ang alis?”

“Ngayong alas 11 aalis na tayo. Dadaanan nalang daw nila tayo”, sabi niya.

“Sige… Ilang araw tayo dun?” tanong ko ulet.

“Isang araw lang, pero dun na tayo magpapalipas ng gabi pag inabutan tayo ng dilim…”

“Teka, magi-impake na ako ng mga dapat kailanganin ko”, tas dumiretso ako sa kwarto at inilabas ang aking travelling bag. Nilagay ko na dun ang lahat ng kakailanganin ko.

Pagkatapos naligo na ako at nagshorts lang tas yung towel isinabit ko sa may leeg ko.

“Pre, kumain ka na ba?”, tanong ko sa kanya habang papalapit dito.

Hospitality Man: Lalaking Bayaran (R-18)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!