Perv’s  POV

 

Pinapasok niya ako ng una then nahuli siya, she slammed the door. Pero hindi naman ako nagulat.

“de Realonda”, sabay bigkas sa apelyido ko at umupo sa leather chair niya. “Parang nananadya ka na ata, pang walong beses mo na ginagawa ang pag-alis na hindi mo pa time na mag-out”, dagdag niya.

Umupo lang ako.

“Alam mo ba ang ibig sabihin nito?”, sabi niya na pinagdaop ang mga palad niya.

“Hindi po Manager”, sagot ko.

“Narinig mo naman siguro ang sinabi ni General Manager kanina diba?” ang dominante niya.

“Opo…” sagot kong maikli.

“Sa pinapakita mo, masasabi kong hindi mo naman kailangan ‘tong trabahong ‘to eh”, sabi niya. Alam ko na ang gusto niyang sabihin. Gusto niya akong ifire-out.

“Manager, bigyan mo pa po ako ng pagkakataon”, sabi ko sa kanya.

Tumayo siya at lumapit dun sa may steel cabinet. May kinukuha siya, isang blue plastic folder. Sa pagkakaalam ko yun yung folder ko nung nagsubmit ako ng application form dito ah.

Lumapit siya sa akin at itinaas sa harap ko yung folder ko.

“This is yours right?”, terror na sabi ng matanda sa akin.

“Opo”, sabi ko.

“You can have it now. Hindi na ito kailangan. You’re fired”, pagkasabi niya nun, mula sa pagkakatungo napataas ko ang mukha ko sa kanya.

Must I beg? Para lang hindi ako mafire-out? Ano ang gagawin ko?

“Manager naman. Bigyan mo pa po ako ng isa pang pagkakataon”, sabi ko sa kanya.

“Hindi ko na magagawa yun de Realonda. Masyado ka ng abusado. Hindi lang isang beses o pangalawang beses mo itong patuloy na ginagawa, ang pagkacut ng working time mo”, sabi niya tas pumunta sa may pinto at binuksan ito.

“You may leave for good”, sabi niya.  Ako naman, tumayo na din at lumapit sa pinto. Napaisip ako, hindi ako dapat mafire-out dito. Guguluhin na naman ‘nila’ ako pagnawalan ako ng trabaho. Ayokong mangyari yun.

Nung nasa tabi niya na ako, tumigil ako at isinara ang pinto. Nilock ko na din ito.

“What the hell are you thinking?”, mataray na sabi niya sa akin.

Hinawakan ko bigla ang kamay niya, “Manager naman, parang awa niyo na”, nagpifake begging ako. Alam ko naman ang kahinaan nito eh. >:-)

Hospitality Man: Lalaking Bayaran (R-18)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!