For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter 14: Love Sick

1.3K 23 1

Chapter 14: Love Sick

 

Nagising na lang ako sa tunog ng cellphone ko.

 

Lenzie'ng Bruha Calling..

 

"What?" alam nyo yung feeling na naistorbo?!

("Bruha nasan kana? Kanina pa ako tawag ng tawag! Magpatatawag na sana ako ng police!") napairap ako. Dinantay ko yung unan na nasa tabi ko.

"Ang OA mo!"

 

("Eh kasi naman! Pag-aayos lang ng Eye Liner ang tagal mo! Kailan ba dumami mata mo ha?!")

 

"Don't worry, ok lang ako. Wag kang OA dyan na akala mo nakidnap na ko."

 

("Ay never kong naisip yan. Ikaw kidnapin? Psh! Asa! Muchacha ka kaya!") natatwang sinabi niya kaya  binabaan ko siya. Bukod kasi sa pag istorbo nya sakin, ipamumukha nya pa sakin na

P.A. ako ng isang Monggi! Nakakainis lang.

 

Tumayo na ko sa kama ko kahit nakapikit ako. Inaantok pa kasi. Pero bago ko makawakan ang door knob narinig kong bumukas yung pinto ng banyo ko! Alam nyo yung tunog sa mga Horror

kapag bubukas yung pinto? Ganun!

 

Oh my Gosh! M-may multo ba? Dahan-dahan akong lumingon at isang anghel pala ang lumabas sa banyo upang sunduin ako. Pero joke! Si Monggi lang yung lumabas, napapansin ko kanina

pa ako bigay ng bigay ng compliment kay Monggi. Teka! Bakit nandito siya sa kwarto-- pero hindi ito ang kwarto ko!

 

"Titili ba ako o wag na? Wag na nga. Hindi naman ako OA. Bakit ako nandito? Nasan ako?" napaupo ako sa kama. Ang sakit pa din ng ulo.

"Here at my condo." pumunta siya sa study table at umupo. Napahiga ulit ako sa kama.

"Ano ba yan! Ang lamig! Patayin mo nga yung aircon!" kinuha ko yung comforter niya at binalot ko yung sarili ko. Pero bakit ganun? Ang lamig pa din?!

 

"Nakapatay na, kanina pa." pero bakit ang lamig pa din? Tumayo sya at lumabas pero dumating agad na may dala ng pagkain.

"Here, eat this." sabay lapag nung pagkain sa harap ko. Umupo ako at tumayo naman siya. At dahil yung paa ko nakalaylay sa kama. Sa katangahan ni Monggi, ayun napatid ko siya.

 

"Sorry." pinagpagan nya yung damit niya kahit wala namang dumi. Tumingin siya sakin at tska ako. Tinaas niya yung paa ko para ipatong sa kama. Umupo siya sa kama.

 

"Pasalamat ka may sakit ka." sabay kuha sa pagkain ko at linagay sa lap niya. "Oh?" tinapat nya yung kutsura sa bibig ko. Susubuan nya ako? Napayuko ako, feeling ko ang kamatis na

mukha ko sa sobrang pula.

 

"Kahit a--" saktong pagkasabi ko ng A, bigla nya na lang sinubo yung pagkain sakin. Yung totoo Monggi alam mo yung meaning ng manners?!

 

"Wag ka ng magreklamo. Pasalamat ka, inaalagaan kita." sabay irap. Sinabi ko bang alagaan nya ko? I can handle myself. Wala kaming kibuan. Ganun lang kami hanggang sa matapos niya

She's Accidentally Inlove With A HeartthrobBasahin ang storyang ito ng LIBRE!