For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter 13: Questions

3.2K 50 0

"Jared?" 

"Jared, okay ka lang?!"

"Esprend gising ka na ba?"

.

.

.

Hilong hilo ako at hindi ako halos makakita dahil sa labo ng paningin ko. Pero kilala ko yung mga boses na yun. SI Esprend, si Kyla at si Cha. 

"Asan ako?" tanong ko sa kanila.

"Uy Jared! Are you okay? Bigla ka nalang hinimatay nung pabalik na tayo sa backstage. Nag-aalala ako sa'yo." kilala ko na 'yun, si Yam.

"Ha?" sagot ko.

"Nasa clinic ka, binuhat kita papunta dito." naliliwanagan na ako at nakikita ko na pagmumukha ni Cha at ni Kiel na nakabungad sa mukha ko.

"Ayos na ba pakiramdam mo Esprend? Wag ka na kaya tumuloy?" pag-aalala ni Esprend sa akin.

"Ikaw ang sama mo. Di ka manlang nagsabing pupunta ka." pagyayamot ko sa kanya.

"Eh mukhang ayos na si Jared, nayayamot na ulit eh. Haha!" nakaupo pala si Kyla sa tabi ko, hindi ko napansin. 

"Oh Nakita mo nanaman kagandahan ko Jared. Ahaha!"

"Tse. Matakaw. Haha! Yun contest?"

"Wag mo na muna 'yun alalahanin, mamahinga ka nalang dyan." biglang sabi ni Cha. 

"Maayos na ako, medyo nahilo lang."

"Uhm Jared, sorry.." nalungkot bigla si Yam.

"Oh bakit?" tanong nilang lahat.

"Eh kasi nung nagcollapse ka, nabagsak mo yung gitara mo at nadaganan mo pa, so ayun sira na."

"Ha? Eh ayos lang, luma naman na yun."

"Esprend wala ka bang pasa? Wala kang sugat?"

"Haha! Tong mga 'to. Nahimatay lang ako. That's all. Ano na ba nangyare sa contest?"

Nagtitinginan silang lahat na naguusap sa mata. Mga letse di ako sinasali.

"Hoy! Anu ba? Anong meron sa contest?"

"Eh kasi pasok kayo ni Yam sa top 5, eh maddisqualify kayo kung hindi ka raw pwede umakyat sa stage within 20 minutes." biglang sabi ni Kyla.

"Ayos naman na ako, wala namang masakit sa akin. Sayang naman yung contest tsaka yung effort niyong lahat para lang sumali ako. Tara na dun."

"Mamahinga ka na lang dito, ayos na yung nagawa mo yung best mo." parang galit na yata si Cha.

"Eh anu bang paki mo? Isang linggo ka ngang kung daan daanan mo lang ako pag nakakasalubong kita tapos ngayon nag-aalala ka?"

Tumahimik sila dahil sumisigaw na pala ako. Nayamot ako bigla nung natahimik si Cha. Nakatingin lang sa akin si Esprend habang nakahawak sa balikat ko si Kyla. 

"Tutuloy na kami dun ni Yam. Bumalik na kayo sa audience's seat. Sorry kung sumigaw ako, pero ayos lang naman kasi ako."

Bago pa ako maka tayo ng kama bigla nalang umalis si Cha at hinatak si Kyla.

"B-bogs? Ahh-h Jared good luck! Hoy Bogs ano ba?!"

At bago pa ako makapagsalita nakalabas na sila pareho ng clinic. Kamuntik ko ng hindi mapansin na pati pala mga blockmates ko nandito. Mapuno na yata yung clinic dahil sa dami namin dito. Anyway, tumayo na ako, binigay ni Esprend yung sapatos ko at inalalayan ako sa pag-alis ko ng kama.

Destiny's End - BoyxBoy [On-Going]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!